No, we can't

1.5K 120 214
                                    

060319
No, we can't.
Oneshot.
Seulgi x Irene.

-

"NAMUMULA na ang mata mo," Agad na sabi ni Wendy sa akin. "Yung totoo, Seul? Natutulog ka ba?" She asked me, nakatingin siya sa akin at inoobserbahan ang kilos ko habang nagtitimpla siya ng kape niya. Kaming dalawa lang ang nandito sa kusina dahil umalis 'yung dalawang maknae at ang leader naman namin ay nasa kwarto niya. Gaya ng sabi niya kagabi, hayaan ko siya.

"Hindi ko alam. . ." I sighed, "Hindi ako nakakatulog ng maayos." I confessed. Yes, may bumabagabag sa akin.

"Anong problema mo?" Agad na tanong naman niya at humigop sa kape niya. Kinuha niya ang kamay ko at hinimas himas ito habang bumuntong hininga naman ako.

Hindi ano, kundi sino.

"Wag mo nang intindihin." I smiled slightly. "Siguro stressed lang ako sa mga bagay - bagay kaya kung ano ano na ang naiisip ko at hindi ako nakakatulog pero mawawala rin 'to." Sabi ko nalang. Ayokong sabihin sa kaniya na ang dahilan ng labis na pag - iisip ko eh ang taong isa sa mga hinahangaan niya.

Magsasalita pa sana siya nang biglang may magsalita sa hindi kalayuan, humihikab pa ang boses nito at halatang kakagising lang. "Seungwan, nakita mo ba 'yung bagong bili kong fabric softener?" Rinig ko ang boses nito at agad naman akong napalunok. Boses palang niya, kumakabog na ng malakas ang dibdib ko.

Parang tanga.

Agad naman na napabitaw sa kamay ko si Wendy at tumayo, "Ah oo, unnie. Nakita ko nga. Tinago ko kahapon kasi dumating mga kaibigan ni Yeri. Teka lang." Agad na pumasok ito sa kwarto at naiwan naman kami pareho ni Joohyun.

"Pahawak - hawak pa sa kamay." Alam kong sinadya niyang iparinig sa akin iyon kaya naman napahimas ako sa sentido ko. Iyan na naman siya. Nagrereklamo na naman sa mga bagay - bagay na nakikita niya kahit na siya rin mismo ay magulo. Nakakainis.

"Here!" Agad na lumabas si Wendy sa kwarto niya, dala - dala ang kulay purple na fabric softener at binigay ito kay Joohyun.

"Thank you." Mahinang pasasalamat naman ni Joohyun habang unti unting inaalis ang mga fabric softener sa plastic.

"Nga pala, gusto mong kumain, unnie?" Tanong ni Wendy. "Nagluto ako ng pancakes. Umalis na 'yung dalawa, may pupuntahan ata sila." Sabi pa nito.

Tahimik lang ako na umiinom ng gatas at ngumunguya ng pringles dahil wala naman akong dapat sabihin, mas mabuti nang manahimik.

"Mamaya na ako kakain. Mamimili muna ako ng groceries. Wala na pala tayong stock diyan." Rinig ko namang sagot nitong isa.

"Ganun ba, sinong kasama mo, unnie? Aalis din ako, magbibihis na nga ako. Pupuntahan ko lang 'yung kaibigan ko na umuwi galing Canada." Sabi naman ni Seungwan. Napalunok ako nang lumingon ito sa akin, "Eh kung si Seulgi nalang kaya isama mo?" Napapikit ako ng kaunti. Ikaw talaga, Wanda, wala sa lugar mga suggestions mo.

"Kung gusto niya lang naman." Plain na sabi ni Joohyun kaya napairap ako. Kunwari pa siya pero kokonsensyahin ako niyan. "Hindi naman mabigat 'yung dadalhin ko, hindi talaga kasi bibili lang naman ako ng pang - isang linggong stocks." I sighed. Sinasabi ko na nga ba at magpaparinig 'to.

Agad naman akong siniko ni Seungwan, "Samahan mo na si unnie. Wala ka namang gagawin, Seul?" Sabi nito kaya napabuntong hininga ako. Ano pa nga ba?

"Sige." Kahit na ayoko talaga. Kasi naman tong si Joohyun, parang weather. Pabago bago. Minsan mainit, minsan malamig. Parang gago, eh. Minsan gusto niya ako, minsan nilalayuan niya ako. Minsan sweet siya, minsan halos ipagtulakan niya ako palayo. Sala sa init, sala sa lamig. Nakakapagod na.

No, we can't. ➢ 슬린Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon