Ito ay para sa mga babaeng may gusto o may minamahal pero wala eh..finish na.
Ikaw na siyang pangarap ko,
Ikaw na siyang nagbigay kulay sa mundo ko
Ikaw na siyang pinakamamahal ko,
Na siya ring dahilan ng pighati't pasakit ko.Noong una kitang nasilayan di mo lang alam, gustong- gusto kita.
Ikaw kasi yung tipong isang ngiti mo lang lahat ngingiti na.
Ikaw ang dahilan kung bakit kahit na may problema ako ngumingiti padin ako,
Ngunit ikaw din ang dahilan kung bakit halos madamay ang lahat 'pag nakikita nilang ang pagbubusangot ko.Sabi mo noon,tandang-tanda ko pa. Gusto mo ako di ba? Pero napatanong agad ako kung trip mo lang bang gaguhin ako dahil hindi ko mahanap ang sinseridad sa boses at mga mata mo..
Gusto mo ba talaga ako?
Nung umamin ka,totoo man o hindi aaminin ko na naging masaya ako.
Kahit na nangangamba ang puso ko,sumugal padin ako lalo na nung sinabi mong aantayin mo ang isang tulad ko.Gusto kita,Gustong- gusto kita..iyan ang totoo.
Nagkamabutihan, at nahulog na nga sa patibong mong puno ng kalokohan.Dumating sa puntong,tinanong mo ko..tinanong mo ko kung gusto ko din ba ang isang tulad mo.
Hindi ko masagot ang katanungan mo dahil hindi pa ako handa sa kung anong gusto mo.
Napakawalang hiya mo! May pahintay-hintay ka pang nalalaman eh wala pa ngang dalawang linggo sumusuko ka na!Ba't ganon? Ang daya daya.
Parang ako pa ngayon ang patay na paray sayo?
Pinipilit kong itago pero iyon ang totoo! At aaminin kong naging mahina ako dahilan para bumigay ako sa isang tulad mo!Pero kasi hindi naman ako eh! Hindi ako ang unang nagkagusto! Ikaw! Ikaw! Ikaw at hindi ako!
Hindi man naging tayo pero tumatak ka sa puso't isipan ko.
Alam mo ba akala ko ikaw na eh... Pero nagkamali nanaman ako!Noong mga panahong iyon label nalang ang kulang eh, parang tayo na din.
At yung yung masakit,"parang tayo lang".Lumipas ang ilan pang mga araw at nakita kong masaya ka sa piling ng iba.
At alam mo ba, sa huli inisip pa din kita!
Pakiramdam ko balakid ako, balakid ako sa katotohanang magkakaroon ng kayo.Mahal ko, ikaw ang dahilan ng lahat ng to.
Kung bakit ako natutong magpanggap, magpanggap na masaya kahit ang sakit sakit na.Sa ngayon, ikaw padin ang laman nito.
At siguradong iba na ang laman ng sayo.
Tandaan mo na ito na anf magiging huling hirit ng love story nating naudlot ng dahil sa pagpapanggap mo..
Siguro nga kaiwan-iwan ako, pero sana iniisp mong wala kabg karapatang saktang ang babaeng tulad ko.Ikaw ang dahilan kung bakit ko ginugol ang oras ko sa tulang ito.
Hiling ko lang eh sana hindi mo na gawin pa to sa iba.
Ikaw ang dahilan ng lahat ng pagbabago ko, at nagpapasalamat ko kasi ikaw din ang dahilan kung ba't ko napagtanto ang kahalagahan ng isang babaeng tulad ko..
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryHi! Something new to try! This are my poems and spoken poetry so might as well let you read it!