KULAY

18 2 0
                                    

"Ang gwapo mo talagang tignan sa puti mahal."- ang laging puri sakin ni Athena, my girlfriend, tuwing sinusuot ko ang hospital gown ko.

"Talaga ba mahal?"- at yan naman ang lagi kung sagot sakanya tuwing pinupuri niya ako. "Ikaw lang naman ang nakita kong maganda na nakasuot ng puti." I honestly told her.

Palagay ko kasi mas bagay talaga sakin ang itim eh, o baka nasanay nalang ako sa madilim dahil sa sunod sunod na nawala sakin ang mga mahal ko, o baka hindi talaga bagay sakin ang trabaho ko. My sister was died dahil sa sakit sa puso. Ang hirap, sobrang sakit kasi, doctor ako eh, marami na akong napagaling, pero bakit para sa sarili kong kapatid wala akong nagawa? Si mama at papa naman sumunod ding nawala, namatay sila dahil sa car accident, dead on arrival ng isugod sa hospital.

Ang sakit lang, ang hirap mag isa, palagay ko nga guguho na ang mundo ko noon kung hindi lang dumating si Athena, kung hindi ko siya nakilala malamang sumunod na rin ako sa pamilya ko.

"Mahal alam ko namang, may dahilan kung bakit puro itim ang sinusuot mo, maliban sa hospital gown mo. Pero sana subukan mo ring mag suot ng ibang kulay minsan, for sure bagay sayo ang Blue."- gaya nito, lagi niya rin akong kinukumbinse na magsuot ng ibat ibang kulay.

Si Athena ang nagbigay kulay sa mundo kong madilim, at siya rin ang nagturo sakin kung paano bumangon at magsimula muli tuwing pakiramdam ko katapusan ko na. Lagi niyang sinasabi na, "kahit mag isa ka na lang at sukong suko ka na, humanap ka ng rason para lumaban at magsimula muli. Dahil mas magiging masaya sila para sayo kung nakikita ka nilang lumalaban sa kahit na anong pagsubok."

Isa akong Doctor/Pediatric. Si Athena naman isang Nurse at nagtatrabaho kami sa iisang hospital. Nung nakilala ko siya naisip kong siya na talaga ang babaeng gusto kong makasama sa buhay. Siya yung gusto kong makita sa bawat umagang gigising ako, yung makakasabay sa pagtulog at syempre sa pagtanda.

*****

"Mahal naman eh, panu mo naarange ito? Buong maghapon tayo sa hospital pero hindi mo parin nakalimutang magcelebrate ng anniversary natin."- naluluha niyang wika.

"Importante ang araw na to satin mahal, kaya dapat lang na cinecelebrate natin ito."- sagot ko at hinalikan ang noo niya, bago hinubad ang hospital gown na props ko.

"Look mahal, sabi ko sayo bagay talaga ang blue sayo."- natutuwa niyang wika nang makita ang suot kung long sleeve na blue na nakatupi hanggang siko.

Napangiti naman ako sa reaction niya. Tuwang tuwa siya marahil ngayon lang niya ako nakitang nag suot ng ibang kulay, ng hindi itim o puti.

6th anniversary namin ngayon at sunurprise ko siya ng simpleng dinner date na pina organize ko sa isang kaibigan sa isang park kung saan kami unang nag date, at syempre may isang maliit na regalo akong dala para sakanya.

"Athena we've been together for 6 years, at mas lalo kong napatunayan ngayon na wala akong ibang gusto kundi ang umuwi sayo sa bawat pagtatapos ng araw, ang makasabay ka sa bawat paggising, ang maging tatay ng magiging anak natin."- unti unti akong lumuhod at hinugot ang maliit na box sa bulsa ko na naglalaman ng isang diamond ring. Itinaas ko iyon at binuksan sa harapan niya habang nakaluhod parin ako.

"Athena, mahal na mahal kita, ikaw lang lagi Hindi ko na kailangan ng kahit anong kulay sa mundo dahil ikaw lang nagiging makulay na ang mundo ko. Athena Will you marry me?"

Tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigil nang yumuko siya at halikan ako sa noo.

"I can't wait to be your wife Bryle, Yes."- she answered.

Isinuot ko sakanya ang diamond ring na saktong sakto sa daliri niya at mariing hinalikan siya sa labi.

*****

KULAYWhere stories live. Discover now