Sana Hindi Na Lang

33 4 3
                                    

Napatigil ako sa paglalakad sa isang kalye nang may mahagip ang mga mata ko.

Love yourself because you only live once.

Napangiti ako sa nabasang mensahe na nakapaskil sa labas ng isang coffee shop. Naalala ko ang kapatid ko. Hindi niya minahal ang sarili kaya nagawa niya ang bagay na 'yon, at hanggang ngayon ay hindi pa rin namin matanggap.

Every month ay iba-iba ang nilalagay nilang mga inspirational messages, at bawat mensahe ay tumatagos sa aking puso kaya naman nag-aabang ako tuwing unang araw ng buwan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil ilang minuto na lang ang natitira't mahuhuli na ako sa summer class. Pagkaliko ko sa huling kalye ay may nakita akong isang matandang babae na nakayukong naglalakad. Nang palapit na ako sa kanya ay bigla siyang lumapit sa gitna ng kalsada at may pinulot. Hindi pa siya nakakatayo ay may biglang sumulpot na isang motorsiklo na mabilis ang takbo. Naging mabilis ang pangyayari at hindi ko namalayan na lumapit na pala ako sa matanda at hinila siya sa gilid ng kalsada. Hindi nasagasaan ang matanda ngunit ang motorsiklo at ang naka-helmet na driver nito ay biglang napahinto at malapit nang matumba.

Lumakas ang tibok ng puso ko.

"Ayos lang po kayo?" tanong ko sa matanda.

Tumango lang ito habang mahigpit ang hawak niya sa aking braso.

Bumaling ako sa driver na nakatingin din sa akin. Ilang sandali niya akong tinitigan at buong akala ko lalapitan niya kami ng matanda ngunit marahas niyang binuhay ang makina ng motorsiklo at mabilis itong pinaharurot palayo.

Masama ko itong sinundan ng tingin. Walang modo! Siya na nga ang malapit nang makasagasa, parang siya pa ang galit!

Napabaling ang atensyon ko sa matanda nang binitawan niya ang braso ko. "Salamat, ineng," sabi niya bago lumayo at nagsimulang lumakad muli.

Ang eksenang iyon ay hindi umalis sa aking isipan hanggang sa marating ko na ang paaralan. Tumatakbo ako patungo sa aming silid dahil alam kong huli na ako. Kinatok ko ang pintuan bago ko iyon binuksan.

"Good morning. I'm sorry I'm late." Bumaling silang lahat sa akin. Napatingin ako sa harapan kung saan nakatayo ang sinasabi nilang bago naming guro sa subject na math. Nakatingin na din siya sa akin. "Take your seat," sabi niya.

Mabilis kong tinungo ang aking upuan habang nakayuko.

"Bakit ang tagal mo?" bulong sa akin ng seatmate kong si Faith.

"Basta, long story." Tumango lamang siya bilang tugon.

Inilabas ko ang aking notebook at ballpen at kinopya ang nakasulat sa pisara. Biglang pinatong ni Faith ang notebook niya sa ibabaw ng aking desk at tinuro ang isinulat niya.

Ang gwapo ni Sir, no? Two months natin siyang masisilayan. Kaya mo ba? Ako, parang hindi! Hahaha

Nagsulat naman ako bilang tugon.

Tumigil ka nga! Ang landi mo!

Mahina kong hinampas ang braso niya at ibinalik na kanya ang notebook. Mahina siyang humagikhik.

"Okay, class, let's continue. If you have a line segment with endpoints A and B, and point C is between points A and B, then AC + CB = AB. Gets?"

Walang sino man ang sumagot. Ako naman ay seryosong inaalisa ang naging halimbawa.

"Miss Nacaza? Sino si Miss Nacaza?" tanong niya bigla.

Itinaas ko ang kanang kamay. "Sir? Ako po," tugon ko.

"OK, stand up."

Dios ko! Bakit ako pa?

Tumayo ako habang ramdam ang lakas ng tibok ng puso ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sana Hindi Na LangWhere stories live. Discover now