"Pao nood tayo ng twilight" yaya ko kay pao na bestfriend ko simula 8 years old palang kami nung lumipat sila sa subdivision namin. Mas lalo ko pa siyang naging bestfriend dahil parehas kami ng school at hanggang ngayong college eh same campus pa din kami.
"Sure, kelan?" sagot niya, parang mas excited pa siya sakin ah.
"Wednesday, after ng class ko... tapos samahan mo ko mag-shopping ng wedges at dresses ha"
"Sure" sagot niya ulit habang nakahiga sa tabi ko. Nandito kasi kami sa kwarto ko nanonood ng my bestfriend's wedding. Ang ultimate chick flick of all time. ^_^
Maya-maya eh nagring ang cellphone niya. Sinagot naman niya agad. After niyang makipagusap sa telepono eh tinanong ko siya.
"Sino yung tumawag?" tanong ko kay pao. curious ako eh bakit ba.hehe
"Si alfred niyayaya akong mag-gym ngayon" sabi ni pao na parang walang enthusiasm man lang
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko di pwede nanonood pa tayo ng my bestfriend's wedding" sabi niya ulit casually as if it's no big deal
"O, bakit di ka sumama, para mas lalong lumaki yang muscles mo?hehe"
"Wag na, mas enjoy tong pinapanood natin" aniya na parang matter of fact yun. Eh diba sa mga lalaki mas enjoy ang gym kesa sa panonood ng mga girly movies?!!
Doon ako napaisip.. eto nanaman si pao mas pinipili na manood ng girly girl movie imbes sumama sa mga kaibigan niya. Di kaya...di kaya bading siya? Shet wag naman sana.. kung magkakaboyfriend kasi ako in the near future eh siya sana ang gusto ko actually matagal ko na pala siyang gusto sa sobrang gwapo at bait ba naman eh. After all, alam na niya lahat tungkol sakin at nagkakasundo naman kami sa maraming bagay. Pero...baka naman di niya ko type at bestfriend lang talaga ang tingin niya sakin noh...bawal assuming.. saka sa dami ng babaeng nagpapapansin sa kanya na magaganda at sexy at matalino eh ano ba naman ang laban ko sa kanila. Ganda lang. ^_- But still, baka di niya ko gusto..or worse..baka naman bakla siya :(((
"Pao, sabihin mo nga sakin ang totoo..paola ka ba?" casual na tanong ko sa kanya
Nagsalubong yung dalawang kilay niya, obvious na naguguluhan "Anong ibig mong sabihin?"
"I mean....." di ko matuloy yung gusto kong sabihin, takot ako na maoffend siya pero here it goes.. "beki ka ba? bakla, bading, baklush? okay lang naman na umamin ka sakin eh bestfriend mo naman ako"
Nanlaki yung yung mata niya habang nakatingin sakin na para bang tinubuan ako ng isa pang ulo or something "Baliw ka ba? bakit mo naman natanong sakin yan?"
Huminga ko ng malalim bago sumagot "Madaming reasons... una sa lahat, kahit na isa ka sa pinaka-gwapo at pinagpapantasyahan sa campus eh wala kang nililigawan o pinapatulan sa mga girlaloo na naghahabol sayo.."