Chapter 1

2 0 0
                                    

OLIVIA

"Openg, ikaw na titira huy!" Napatingin agad ako sa babaitang nagsabi no'n. Mas'yadong maingay, dapat na yatang iligpit. Nakakagigil, madaling madali lagi. Pati yata buhay nito minamadali na e. Tiningnan ko ang barahang binaba nito sa harapan ko. Psh. Ang baba lang pala! Akala mong maganda tapon.

"Oh! Royal flash!" ani ko 'saka ko kinuha lahat ng pusta namin. Hahahahaha! Tiba-tiba na naman ako. "Ano 'yan? Ano 'yan? Ba't may kinukupit ka? Ibalik mo 'yan dito!" Nanlulumong binalik n'ya ang singkwenta pesos sa 'kin. Matapos kong mabulsa lahat ay tumayo na ako para umuwi.

"Openg! Bukas balik ka ha?! Malaki nakukuha ko sa 'yo e." bungad naman sa 'kin ng matabang may-ari ng pasugalan. Napaatras ako ng bahagya dahil naaamoy ko ang bunganga nitong amoy usok. Kita ko mula rito ang black and yellow n'yang ngipin na parang fill in the blanks. "O sige sige! Umalis ka lang sa harapan ko! Bumabalik ang malas e." Tiningnan ko ang relo na nasa kanan ko at kamuntik nang mapamura dahil late na ako. Mapapagalitan na naman ako nito.

Agad akong pumara ng taxi para mabilis na makauwi. Paniguradong mabubulyawan na naman ako ni Mama dahil late ako. Sinabihan na ako ni Mama na may pupuntahan kaming isang party at kung hindi raw ako sumama ipipilit n'ya raw akong i-blind date sa bungi-bunging anak ng amiga n'ya. Ikamamatay ko kapag nangyari 'yun! Hindi ko pinangarap makipagrelasyon sa buong buhay ko! Ni minsan hindi sumagi 'yun sa isip ko. Nakakadiring isipin. Me? Being in a relationshit? Fuss!

Nang makarating ako sa harap ng bahay namin ay agad akong umakyat sa bakod dahil baka mamaya ay marinig pa nila ang pagbukas-sara ng gate. Mahuli pa 'ko! Pagkababa ko pa lang ay agad akong dinamba ng aso namin. Fuss! Agad ko itong inangat para makatayo ako ng maayos. Mabilis kong tinakbo ang likod ng bahay namin para umakyat sa emergency ladder papunta sa bintana ng k'warto ko. Mabilis ang ginawa kong pagpasok dahil anumang oras ay alam kong papasok si Mama rito. Pumasok na akong banyo para makaligo. Matapos ko maligo ay kinuha ko na sa closet ko 'yung biniling dress ni Mama. Infinity dress yata ang tawag dito? Sinuot ko na ito at agad kong pinatuyo ang buhok ko. Sinuklay ko nang mabilis para bumaba ng mabilis 'yung tubig.

Nagmamadaling bumaba ako para makita na ako ni Mama na nakabihis para hindi na s'ya unakyat. Bait ko 'no? Halos madapa ako dahil sa heels na suot ko. It's so slippery.

"Olivia Patricia! Mygoodness! Bakit basang basa ang likod mo? Hindi ka man lang nag-abala na patuyuin 'yan." Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni Mama. Kasunod nito si Papa na naka-military uniform. Did I mention that the party is all about their military? And I don't know why. Sa likod naman ni Papa ay si Ate Olive na nakasuot ng kumikinang na dress.

"You're already 18! Tapos hindi ka pa rin marunong mag-ayos? Olive, tulungan mo nga itong kapatid mo. Patuyuin mo ang likod. Basang-basa oh." Imbis na sundin s'ya ni ate ay tinawanan lang s'ya nito. "Mama, late na tayo. Matutuyo naman 'yan sa sasakyan e. Don't worry okay?" Hinila na ako ni ate papuntang sasakyan. Kasunod namin sila Papa.

Saktong seven ay nasa bahay na kami ng Brigadier, 'yung nag-imbita sa 'min sa party. Sobrang daming tao sa loob. The whole party is pretty classic. Parang nasa party ka talaga ng mga bigating negosyante but a retro-like. May mga banyaga rin na narito. Pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay ang mga pagkain! From canape to dessert ay meron sila. Nagkatinginan kami ni Ate at parang nagkaintindihan agad dahil sa tingin na 'yun. Tiningnan namin si Mama at Papa na nakalayo na pala 'saka kami pumunta sa mga pagkain. Para kaming mga bata na nag-aagawan ng pagkain. Natatawa kami dahil hindi maipinta ang mukha ng mga nagse-serve ng pagkain. Punong-puno ang plato namin. Naghanap kami ng p'wedeng pagpwestuhan.

Lamon lang kami ng lamon nang may lumapit sa 'min. 

"Lieutenant Colonel, pinapatawag po kayo ng Papa n'yo." Tumingin naman sa 'kin si Ate na parang humihingi ng pahintulot. "It's okay, Ate. I'll wait you here, maybe?" Ngumiti ako rito to assure her na okay lang talaga. Did I mention that my sister is in military too? No? There, I mentioned. Lieutenant Colonel s'ya, si Papa ay Colonel. My sister is seven years older than me. Enough age to get married. Maarte lang talaga s'ya. Gusto ko rin maging tulad nila ni Papa pero dahil kontrabids si Mama ay in-enroll n'ya ako sa pagiging Engineer. Sabi pa n'ya na once is enough, 'wag na raw ako sumunod. Okay lang, second choice ko naman ang Engineering e.

"Sorry, natagalan ako. Ang dami kasing pinagsasabi ng Brigadier e."

"Oo nga e. Sobrang tagal mo. Nakain ko na rin 'yung pagkain mo. Aww!" Hinampas n'ya ako sa balikat! Mabigat kamay n'ya ha! Napatawa kaming dalawa pero lahat 'yun ay napalitan ng gulat dahil sa sabog. 

Marami ang humihiyaw. May mga umiiyak. Patuloy ang pagsabog dito. Nakayuko kami ni ate papunta kina Mama. May mga lalaking nakaitim na ang japorms ay parang mga magnanakaw. Pinagbabaril nila ang mga nanlalaban. May tumapat na isang lalaki sa 'min. 

"The granddaughter is here." Ay! Shalaaa! English spokening! Sa lahat ng magnanakaw ito ang sosyal! Napatili ako nang hilahin ako nito. Agad naman akong hinila pabalik ni ate. Tinutukan naman ng baril si ate kaya nabitawan n'ya ako. Kamuntik pa akong sumubsob. 

"Hold your fire! Hold your fire! They got my daughter!" Sigaw ni Papa sa mga sundalong may nakatutok na baril sa 'min. Naiiyak na ako, hindi ako makasigaw. Parang pakiramdam ko ay kahit ano'ng oras ay papuputukin nito ang ulo ko kapag gumawa ako ng ingay.


"Saan n'yo ba ako dadalhin?! Ibalik n'yo na ako sa Papa ko!" Wala! Para lang akong sirang plaka na nakikiusap sa kanila! Wala man lang pumapansin sa 'kin. May isang nainis na yata sa boses ko kaya tinakpan n'ya ang labi ko ng duct tape. Tinted ang van na pinagsakyan sa 'kin kaya walang makakapansin na may babaeng nakatali't nakatakip ang bibig dito. 

Tahimik lang sila buong b'yahe! Para akong nag-ride sa isang horror train na walang kasama. Kita ko ang naglalakihang puno. Madilim at mukhang isolated ang lugar na ito. Pumasok ang van sa isang malaking gate. Tumapat kami sa isang malaking pintuan ng mansyon na 'to. Hinila agad ako ng katabi ko para bumaba ng sasakyan. Aray ha! Nagpupumiglas ako habang kinakaladkad. 

Nang makarating kami sa isang basement ay inupo nila agad ako sa isang silyang parang mawawarak na. Doon ako tinali at pinagsamantalahan---charot! Napasigaw ako dahil sa marahas na pagtanggal ng duct tape sa bibig ko. Fuss! Ano bang problema nila?

"Where did you hide it?" Nakashabu ba 'to?

"Pinagsasabi mo? Sabog ka ba?!" asik ko rito pero isang malutong na sampal ang nakuha ko mula sa kan'ya. Langya! Balak pa yata nitong sirain ang mukha ko! I hold back my tears kahit na gusto kong iiyak 'yun pero hindi naman solusyon ang iyak ko para makaalis dito. "What hide? What am I hiding?!"

"Nasaan na 'yung k'wintas na binigay sa 'yo ng namatay mong lolo?!" Sigaw nito sa 'kin pabalik. Aray ha! Nakakabingi 'yun!

"Walang k'wintas na nasa akin!" Ano bang pinagsasabi nito? Ano naman gagawin n'ya sa k'wintas? 'Di nalang sila magnakaw ng k'wintas nila? Parang tanga lang?

"Punyeta! Kanina mo pa ako iniinis!" Bago pa ako makaalma ay pinutukan--- ang bastos pakinggan-- na ako nito sa sentido.


WayDey

Errors ahead, my beloved Errors!

In The Arms Of HadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon