Tahimik at simple. Yan ang buhay na kinalakihan ko. Buhay na akala ko'y mananatili ng ganoon pero hindi pala.
Magsimula ng tumuntong ako sa sekondarya ay doon ko napagtanto ang lahat. Noon ako'y namulat sa katotohanan na ang buhay ko ay hindi maaaring maging tahimik at simple.
Masyadong magulo. Madaming kailangang pagdaanan pero kinaya kong lagpasan hanggang sa unti unti, hindi ko na namalayan. Hindi lang pala ang buhay ko ang nabago kung hindi pati na rin ako.
Ang dating madaldal at masiyahin na dalagita ay naging kabaliktaran ng buhay niya sa kasalukuyan. Naging tahimik at di ko na mawari kung ano bang ang nasa isip. Naging seryoso at hindi na gaanong ngumingiti tulad ng dati. Pero sa loob loob niya'y makikita pa rin ang dating siya.
At iyon ang ipinagpapasalamat niya. Dahil kahit madaming mang nagbago, alam niya sa sarili niya na siya pa rin ang dating siya kahit na hindi man niya iyon maipakita sa lahat, basta't ang importante ay naipaparamdam niya pa rin ito sa mga taong mahal niya.
Naging matatag din siya sa paglipas ng panahon matapos ang. lahat ng pinagdaanan niya at ngayon ay masasabi niyang kaya na niya. Kaya na niyang patuloy na humakbang sa buhay na kanyang tatahakin ngunit sa kanyang paglalakbay ay muli, muli siyang makakatagpo ng mga pagsubok na kailangan niyang malagpasan.
Pagsubok na hahamon sa kung hanggang saan na ang kaya niyang lakbayin.
Pagsubok na susubok sa katatagang binuo ng kay tagal na maaring mabuwag dahil sa pag ibig na kailangang pakawalan.
Makayanan kaya niya ang pagsubok na haharapin?
O susuko nalang at tatanggapin ang dulo ng kalsada na kaya niyang lakbayin?
Pag ibig na kaya ang maging daan patungo sa walang hanggan na tatahakin
o maging hadlang patungo sa pagmamahalan na kanilang tawagin.
YOU ARE READING
REWRITING THE STORY OF OUR LIVES
RomanceTHIS STORY CONTAINS REAL LIFE SITUATIONS WITH SOME TWIST OF MY IMAGINATION. IT MAY BE CLICHE AND BORING AT SOME PART BUT WHO CARES? IT'S MY LIFE AND MY STORY. YOU'LL HONESTLY GET TO KNOW WHO I AM BY READING THIS AND IT'S MY PLEASURE TO MEET YOU. I...