Reminder: May ibang typo diyan na hindi ko na nagawang i-edit dahil hindi ko napansin kaya sorry na agad. Enjoy reading!
Bea's POV
Nakarating ako sa favorite spot ko, spot namin. Sana nandito ka at kasama ko, para mabawasan yung sakit. Masakit pa nga ba? Siguro na manhid na ako dahil sa mga nangyari kaya wala na akong maramdamang sakit.
"Jho, Baby bakit mo ba kasi ako iniwan? Hahaha oo nga pala dahil nagkulang ako pero sa atin namang dalawa yon. Sana, sana ako nalang ulit Jho. Bumalik ka at tatanggapin ulit kita, pangako yan Jho."
Nagsimula na namang tumulo yung luha ko, akala ko manhid na ako hindi pa pala kasi nararamdaman ko yung sakit na mas tumindi pa yata.
Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko at mas nagulat ako ng makita ko kung sino ito, nandito na siya.
"Bakit mo pa hihilingin na bumalik siya sayo kung noong una palang may choice na siyang magstay sayo? Ang mali lang hindi yon ang choice na pinili niya. Hindi ka nagkulang Bubb sadyang hindi lang siya nakuntento."
Naupo sa tabi ko si Thirdy, bakit nandito ito ngayon? Hindi sa ayaw ko, gusto ko nga nandito siya ngayon dahil siya lang nakakapagpakalma sakin bukod kay Jho. Ang alam ko kasi may date sila ni Julia kasi aalis na ito sa isang araw.
"Bubb, bakit? Bakit ka nandito?" taka kong tanong sa kanya.
"Bakit Bubb ayaw mo bang nandito ako? Pati ba naman ikaw ipagtatabuyan ako?" Mahihimigan mo sa pananalita niya ang lungkot at sakit. Bakit kaya nagkakaganito siya ngayon? Hindi naman sigurong parehas kaming heart broken dito.
"Thirds, hindi sa ganon pero may date pa dapat kaya ni Julia. Nakakapagtaka lang na maagang natapos yung date niyo." pagpapaliwanag ko sa kanya, ito naman kasing lalaking ito napaka OA mag isip.
"Katulad lang ng relasyon namin, maagang natapos. Bea, nakipaghiwalay siya sakin kasi hindi niya kayang i-handle ang LDR. Iniwan niya ako para don. Ang sakit Bubb, ang sakit sakit." pagku-kwento niya habang unti unting tumutulo yung luha niya.
"Bubb..." hindi ko mahanap ang tamang salita para ipagpatuloy ang sasabihin ko pati yung luha ko umurong dahil sa kalagayan ni Thirdy ngayon pero dahil din sa kanya naisantabi ko yung sakit na nararamdaman ko, yon lang gusto kong mangyari muna sa ngayon ang makalimot sa sakit. Salamat Thirdy.
"Bubb, salamat." pagpapasalamat ko sa kanya, alam kong hindi akma sa sitwasyon pero gusto kong malaman niya na kahit wasak na siya nakakatulong parin siya kahit papano.
Pero mukhang hindi naman niya nadinig, hay nako kahit kelan talaga itong kaibigan ko nito. Nasisiguro ko nga na hindi niya nadinig dahil sa sinabi niyang "Bubb sa tingin mo ba tama yung nasabi ko sa kanya? Na wag na siyang babalik dahil wala na siyang babalikan at magsi-sisi siya sa hindi paglaban?" humarap siya sakin at inaantay ang magiging sagot ko at ngayon mas nakita ko ang sakit at lungkot sa mata niya.
"For me Bubb, I don't know. May nagsasabing mali kasi kung mahal mo maiintindihan mo pero meron ding tama kasi kung mahal ka niya hindi ka niya iiwan dahil lang sa rason na yon. Sorry, Thids hindi pa yata ako makakatulong sayo." nanlulumo kong sagot sa kanya habang pinupunasan ko yung luhang patuloy parin sa paglandas sa gwapo niyang mukha.
Kung siguro hindi ko lang nakilala at minahal si Jho siya na yung mahal ko, ganon din kaya siya? Hahahaha sino bang niloloko mo Bea? Malamang hindi may Julia pa din siya non diba? Kaya walang ikaw kung sakali.
"No Bubb, it's okay at I'm done in this freaking love. Pag may minahal ulit ako, pag nararamdaman ko ng iiwan na niya ako uunahan ko na siya. I will make her feel what I feel right now." mahahalata mo sa mukha niyang desedido na siya sa gagawin niya, Thirds sana hindi ka magsisi sa gagawin mo. Sana lang Bubb.
Pero nagulat ako sa sunod na sinabi niya, hindi ko inaasahan ito. "Bubb alam mo naisip ko lang. What if ikaw yung minahal ko at hindi si Julia, mararamdaman ko kaya yung sakit na ito?"
"Thirdy hahahahaha ano ba-" nabitin ang sasabihin ko ng magsalita ulit siya gusto kong sabihin na "-ano bang tanong yan Bubb syempre hindi mo mararamdaman yan kasi hinding hindi ko kayang saktan ka" kaso mukhang dapat lang na hindi ko natuloy kasi panigurado magugulat yon pero yung sinabi niya mas nakakagulat at mas lalong hindi ko alam kung ano sasabihin o isasagot ko sa kanya. Bea kumalma ka, sagutin mo o magsabi ka ng kung ano, kahit ano basta magsalita ka lang!
"Bubb what if, what if tayo nalang? Hindi mo naman ako sasaktan diba?"
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Hi guys, eto na ang Chapter 1 sana magustuhan niyo. Oh diba, unang chapter palang may what if tayo nalang si Thidy ang tanong lang, ano kaya magiging sagot ni Bea? Abangan. God bless you, always.
Vote. Comment. Share. Enjoy!
YOU ARE READING
You Fixed Me, My Love
FanfictionParehas na heart broken sina Bea De Leon at Thirdy Ravena, paano nila tutulungan ang isa't isa para maka-ahon sa sakit ng nakaraan? At sa paraan ba na gagawin nila ay lalalim ba ang kanilang nararamdaman? Mula sa good friends mauuwi ba ito sa good l...