Tanung nang karamihan..
Bakit ang buhay ay ganito...]??
Kahit anung gawin mong pag sisiskap
Parang wala pa rin?
Binigay mo na ang best moh,
Kulang pa rin....
Binigay mo na ang panahon at oras mo,
Bitin pa din.
Siguro nga may hangganan ang kakayahan ng taong umibig,.
Marahil hanggang doon na lang talaga tayo.
Kaya bakit pa tayo aasa kung sa kabila naman ng paghihirap ehh
BIGO pa rin tayo.
Ito ang kwento na mag-sasabing ” love is not Blind.,it sees...but it doesn’t mind”.”
___________________________________________________________________
Nagsimula ang lahat sa eskwelahan.
Sa iskwelahan sa unang antas ng mataas na paaralan kung saan, my isang lalaki ang pangalan niya ay Edward Asano,
my pag katahimik at walang ka kwenta kwentang kausap.
At may isang babae, pangalan niya ay Glorie Cambell Meimieshi.
Madaldal pero marami siyang kaibigan.
Kilala siya sa campus sa sobrang kaingayan.
Sa iskul, pag pumapasok si Edward, laging nakatungo ang ulo,
laging my hawak na ballpen at pinapaikot sa daliri.
Samantalang si Glorie ay laging may kasamang kaibigan,
kung titingnan mo ay halos hindi na magkamayaw ang bibig niya sa kakaimik,
kaya naman sa isipan ko ay kamukha na siya ang aking radio. Maingay, hindi pla,
sobrang ingay pla, sa loob man o labas ng silid aralan, mapa corridor man oh sa banyo,
at higit sa lahat ay sa canteen, canteen sa loob man o sa labas ng campus.
Kung anong ingay ni Glorie ay siya naman kabaligtaran ni Edward.
Pag pasok sa silid aralan, halos nasa isang sulok lang siya, para bagang lagging kausap ang dingding.
Kung hindi man nakatulala sa dingding, lagi siyang naka ub-ub.
Dumaan ang ilang araw at napansin ni Glorie si Edward na laging naka ub-ub.
Tumakaw ng tingin ni Glorie kay Edward, pero si Edward ay parang walang napasin,
pagkatapos titigan ni Glorie ay umubub na ulit ito sa kanyang upuan.
Nagalit tuloy si Glorie, para bagang iniinsulto siya.
Kaya nilapitan na ni Glorie si Edward at kinausap niya ito.
Nakakaawa pala ang mga kinakausap ni Glorie sapagkat sa tuwing hahalakhak siya sa mga kakwentuhan niya ay nanghahamapas ito sa balikat.
Dahil sa ugaling iyon, tuloy nakakaawang tingnan si Edward.
Pero ganun parin ang pakiramdam ni Edward, parang walang pakialam kay Glorie.
Sa sumunod na araw, inulit ng inulit ni Glorie ang pag kausap, hanggang sa dahang dahang umiimik si Edward.
Sa una ayaw pang umimik, siguro nahihiya siya sa kay Glorie, pero hindi naglaon ay umimik na ito.
Si Edward pala ay may ugaling mahiyain, palibhasa bunso siya at