Ilang ulit na kitang hinabol
Ilang ulit na akong nagpakatanga
Ilang ulit na akong nagpapansin
Pero lahat ng iyon
Para sa'yo ay wala lang
Masakit mang aminin
Na ako'y hindi mo mahal
Pero sinta
Wala ba talagang pag asa?
Wala ba talagang pag asang maging akin ka
Oo mahal kita
Totoo yun mahal ko
Pero bakit ba sya pa
Wala naman syang ibang ginawa
Kundi ang saktan ka
Pwede bang ako nalang
Ako nalang ang iyong mahalin
Ako nalang ang iyong pagtuunan pansin
Mahal
Mahal kita
Pero ang layo mo
Ang hirap mong abutin