Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 3

44.1K 887 33
                                    

"Hija," dinig niyang tawag sa kanya na sakto sa pagkamulat ng mga mata niya. Nasa kama siya.

Sinapo niya ang ulo bago nagpilit umupo. Medyo masakit ito. Inalalayan siya ng may edad nang babae. Si Manang Pacita.

Nang makaupo siya at makasandal sa headboard ng kama, tinanong siya nito sa malumanay na boses, "Kumain ka na, ha? Tatawagan ko lang si Rona para iakyat dito ang pagkain. Sandali lang."

Hindi siya sumagot pero tumango siya nang bahagya. Kilala siya ng matanda. Matagal na ito kay Jacob. Mahapdi na nga ang sikmura niya. Hinawakan niya ito at pinigilan ang sarili na umiyak na naman. Naiinis siya that in a span of few hours, naging iyakin siya at mahina. Paano siya magsu-survive kung hahayaan niyang mangyari ang ganito? She has to be tough. Sayang naman ang kamalditahan at katarayan niya kung magpapatalo siya sa mga nangyayari.

She sighed. Kapag nagkalaman na ang tiyan niya, mas makakapag-isip siya nang maayos. Dasal lang niya na hindi muna magpakita sa kanya kahit ilang oras lang si DFB. She has to regain her strength back. Kung magaling itong sirain ang araw at buhay niya, dapat matuto rin siyang protektahan ang sarili.

Kulang tatlong taon din silang hindi na nag-usap nito. They were so close before. Or she felt they were close. Siya lang naman ang nag-assume. She shook her head para mabura na naman ang unwanted thoughts na matagal na niyang ibinabon sa limot pero pilit bumabalik. She should guard herself and the direction of her mind. For sure, mahirap gawin 'yon lalo at napaliligiran siya ng mga taong magpapaalala sa kanya sa nakaraan. Isa na si Manang Pacita sa mga 'yon.

"Heto na ang pagkain mo, hija. Ubusin mo lahat para umayos ang pakiramdam mo," sabi nito sa kanya.

Nagpasalamat siya pero iniwasan niyang tumingin sa mga mata nito. She didn't want her sympathy. Naka-move on na siya. This entire situation was different at hopefully, hindi naman siya masyadong magmumukhang tanga o kawawa kapag nalampasan niya ito.

"Sige na, Rona, ilapag mo na," utos nito sa mas batang kasambahay na may bitbit na bed tray table.

Her mouth watered when she saw the food. Sobrang gutom na talaga siya. Hindi siya iniwan ni Manang Pacita habang kumakain siya. Hindi naman din ito nagsasalita. She was just looking at her with fondness. She took a gulp of the orange juice matapos niyang maubos ang pagkaing nasa plato niya. Nag-thank you siya sa mahinang boses bago kinuha ang isang hiwa ng mansanas.

"Lalo kang gumanda, hija. Sa halos tatlong taon kitang hindi nakita, ang laki na ng ipinagbago mo," nakangiting sabi nito. "Dalagang-dalaga ka na."

Ngumiti lang siya rito. Maybe it's because she had eaten kaya mas maaliwalas ang mukha niya and somehow, hindi na siya gano'n kainis. Isa pa, mabait si Manang Pacita sa kanya. Ito ang nag-aasikaso sa kanya no'ng palagi pa siya sa rest house nina DFB sa Sta. Inez. Seeing her after three years was not so bad after all.

"Kumusta na po si Aimie?" tanong niya.

Pinsan ni Jacob ang dalaga na mas matanda sa kanya ng apat na taon.

"Umuwi sila no'ng isang linggo. Tinatanong ka nga niya sa akin. Sabi ko wala naman akong balita. Nagulat nga ako nang sinabi ni Jacob na isasama ako sa bagong bahay niya. Hindi naman niya sinabi na rito ka titira. Kaninang umaga ako dumating galing Sta. Inez. Nakakalungkot naman ang nangyari sa mga magulang ninyo. Pero hija, lahat naman ay may dahilan. 'Wag kang mag-alala, hindi ka papabayaan ni Jacob habang wala ang kuya mo."

Tumango-tango lang siya kahit gusto niyang magprotesta sa huling sinabi nito. Hindi niya pinakitaan ng bratty attitude niya kahit kailan ang matanda dahil napakabait nito sa kanya. At hindi rin naman siya bratinella sa mga kasambahay, sa pamilya lang niya at sa mga kaibigan siya gano'n.

Seducing Mr. IrresistibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon