Standards

1 0 0
                                    

"Mandy, bilisan mo! Ano ka ba naman? Lagot tayo kay Prof. Benitez. Magpapa-long quiz pa naman siya ngayon. Lagot na talaga tayo sa kanya." kabadong sita sa akin ng kaibigan kong pilit iniilagan ang mga estudyante na nakakasalubong namin.

Kumaripas ako ng doble pa sa kaya ko dahil sa pagmamadali ni Vera sa akin. Pasado alas otso na kasi't nasa building pa lang kami sa harapan. Hindi ko lubos maisip na biglang papasok si Prof. Benitez ngayon at may paquiz pa siyang surpresa para sa amin. Nagsabi siya nung huling meeting na liliban muna siya dahil may convention siyang kailangang puntahan sa Batanes. Pero heto't agarang nagpapasok.

"V, saglit lang naman. Kahit pa bilisan natin, late na talaga tayo" sagot ko habang kinakaladkad ang isang mabigat na bag habang paakyat sa 4th floor kung saan ang klase namin ngayon.

"Oo nga pero ayaw ko pa ring mapagalitan. At least makikita niyang nagmadali talaga tayo para mahabol ang klase niya." si Vera.

Bumuntong hininga na lang ako sa kawalan ng pag-asang papapasukin pa kami. Kilala si Sir Benitez bilang isang striktong Professor ng Unibersidad na pinapasukan namin ngayon ni Vera. Bata pa siya't may itsura pero halos lahat ng estudyante takot pumalpak sa klase niya. Sa katunayan, tatlong major subject ang hawak niya sa amin kaya't labis na lang ang takot naming dalawang hindi siya maabutan.

Malapit ng matapos ang semester na 'to at ngayon pa lang ata ako natakot para sa grado ko. Bukod kasi sa isa akong scholar, malimit akong pumasok sa klase ng late. Hindi kasi kami naabisuhan agad ng mga kaklase sa biglang klase dahil pare-pareho rin lang kaming nagulantang sa balita. Buti na lang at naalala pa kami ng ilan upang masabihan.

Pagdating sa tamang palapag ng klase, halos atakihin kami sa puso ni Vera ng makitang lahat ng kaklase'y abala sa pagsagot ng kung ano sa kanilang mga papel mula sa maliit na siwang ng pintuan sa room.

"Mands, patay! Patay na talaga tayo. Nag-umpisa na ang quiz. Babagsak tayo ngayong sem. Uulit tayo ng 3rd year. Wala na. Wala na talaga." bulong ni Vera ng may dalang takot at dismaya habang pilit nagmumukang kalmado sa pagpihit ng seradura ng pinto papasok ng klase.

"Kamutin mo sika mo, V. Baka swerte tayo ngayon at hindi mapagalitan ng todo." pilit kong kumbinsi kay Vera habang nakabuntot sa kanyang pagpasok.

Unti-unting sumilay ang isang nakakalokong ngiti mula sa aking kaibigan. Madalas kasi niya akong asarin sa mga pamahiin kong hindi ko alam kung saan ko napulot at namana. Hindi naman siguro masamang maniwala kahit paminsan sa mga ito.

Hindi pa man kami nakakabati'y napansin na ni Prof Benitez ang aming presensya. Iilan sa aming mga kaklase'y bumulong ng "bat kayo late?" ngunit ang karamiha'y kunot noong sumasagot sa kanilang sariling mga papel.

Tumikhim ang aming professor upang makuha ang aming buong atensyon. Dahan-dahan ding nanuyo ang aking lalamunan sa takot na magdahilan ngunit hetong si Vera, lumabas ata ang konting katapangan at nag-umpisang magpaliwanag ng sobrang bilis kay Sir.

"Sir, sorry po talaga. Wala po kaming sapat na dahilan ni Mandy kung bakit late kami ngayong araw na 'to. Sir, last na 'to. Di na kami uulit. Parang awa mo na, sir. Kahit yung items nalang na naabutan namin ang sagutan namin." dire-diretso nitong sabi sabay hingal at ngumisi na para bang nagpapacute sa aming Prof.

Matapos ang mabilisang paliwanag at pagmamakaawa, si Vera naman ay mumunti akong kinirot sa siko. Hudyat na kailangan kong segundahan ang paliwanag.

"Prof Benitez, sorry. We are both aware of the possible consequences. There's no enough reason para pagbigyan niyo kami pero sana konting unawa lang sir. Baka pwedeng-"

"I have heard enough. Hindi pa naman ako nagsasalita panay na ang depensa niyong dalawa. Muka ba akong hindi marunong magbigay ng konsiderasyon? You're making me feel bad, Ms. Villegas and Ms. Antonio." si Sir.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon