Chapter 2

16.7K 61 14
                                    

Nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa braso ko. Pagka-mulat ko ay bumungad sa akin ang mukha ng asawa ko. Nginitian niya ako at hinalikan sa labi bago nagsalita.

"Good morning, mahal." Malambing niyang saad at bumaba siya sa tiyan ko para halikan rin ito sabay sabi ng 'good morning baby,'. Napangiti naman ako dahil sa magandang bungad ng umaga ko.

"Good morning din, mahal." Sagot ko.

"Bakit parang ang aga mong nagising ngayon, mahal?" Napabaling ako sa bedside table at napansin kong alas singko pa lang pala ng umaga.

"May ipapakita kasi ako sa'yo." Sagot niya atsaka niya ako hinila palabas sa bahay. Medyo madilim pa ang paligid kaya naman nagdala na ako ng flashlight.

Dinala ako ni Gael sa may dalampasigan. At kahit alas singko pa lang ng umaga ay kapansin-pansin na marami ng tao dito. Tiningnan ko ang mga tao na abala sa kani-kanilang bangka, ang iba naman ay nasa laot na at nagbabato na ng mga fish net. May mangilan-ngilan rin na mga lumalangoy sa dagat. Namangha naman ako dahil ibang-iba ang buhay probinsiya kaysa sa kinagisnan ko sa Maynila. At napansin ko rin na tulong-tulong ang mga mangingisda. Pati ang mga bata ay tumutulong rin sa pag aalis ng mga isda sa fish net.

Magkahawak-kamay kami ni Gael habang naglalakad sa dalampasigan at kapag malapit na kami sa mga bangka ay binabati siya ng mga mangingisda. Ipinakilala naman ako ni Gael sakanila at ang ilan pa sakanila ay nagbigay sa amin ng mga nahuli nilang isda.

"Sikat pala asawa ko rito." Pagsasalita ko nang makalayo na kami sa mga bangka. Tumawa naman si Gael ng mahina at huminto sa paglalakad.

"Madalas kasi kami ni Papa dito noong bata pa ako. Lagi kaming tumutulong sa mga mangingisda lalo na sa mga walang trabaho na taga rito sa Sitio." Sagot niya.

Umupo na muna kami ni Gael sa buhangin at hinintay na sumikat ang araw. Inikot ko ang paningin ko at pansin ko na maraming kahoy na ginamit sa pagbobonfire. Naimagine ko tuloy na nagbobonfire kami ni Gael. Kaming dalawa lang sa ilalim ng buwan at pinag-uusapan ang magiging future namin. Tapos maliligo kami sa dagat tsaka ko siya hahalikan doon. At pagkatapos ay...

Napahinto ako sa pag-iimagine nang makarinig ako ng boses ng isang lalaki sa likod ko. Napalingon ako at bumungad sa akin ang topless at basang na katawan ni Kuya Miguel. At kahit na medyo madilim pa ay kapansin-pansin pa rin ang hubog ng kanyang katawan.

Gwapo ang asawa ko, pero hindi maikakaila na lamang sa kagwapuhan ang kanyang kapatid na si Kuya Miguel. Dagdag na rin ang fact na maganda ang hubog ng katawan niya na para bang nagwowork out sa gym dahil sa muscles niya at abs na lutang na lutang sa makinis at maputi niyang balat.

Napalunok ako at ibinaba ang paningin ko, napansin ko rin ang nakabakat sa shorts niya.

Ang laki ng nakabakat.

Napaiwas naman ako ng tingin nang magsalita si Gael sa tabi ko.

"Mukha ka ng isda sa kakalangoy mo, Kuya." Pabirong saad ng asawa ko. Sinuntok naman siya ng mahina ni Kuya Miguel at tumawa.

"Minemaintain ko lang katawan ko." Napatingin si Kuya Miguel sa akin at binigyan ng makahulugang tingin. Nakitawa nalang din ako at iniwasan na mapatingin sakanya.

Hindi ko alam kung dahil sa pagbubuntis ba ito o ano pero parang naaattract ako kay Kuya Miguel. Isang bagay na dapat kong pigilan dahil mali ito at may asawa na ako.

Naki-upo na rin si Kuya Gael sa amin at nakipag-kwentuhan.

-

Ilang buwan na ang nakalipas at naka-alis na rin sa Pilipinas si Gael. Naiwan naman ako sa bahay nila kasama ang mga kapatid niya at mga magulang. Medyo nababagot na rin ako kaya naman sumasama nalang ako kay Migo tuwing lumalabas siya para magtrabaho. Kung minsan naman ay kay Mama ako sumasama, lalo na kapag pumupunta siya sa City para mag-casino.

Habang tumatagal ay napapalapit na ako sakanila. Lalo na kay Kuya Miguel na madalas akong samahan sa check up dahil iyon ang request ni Gael sakanya bago siya umalis. Kasama namin ang girlfriend niya na si Tina sa mga schedule ng check-up at pati siya ay ka-close ko na rin.

Ngayon ang ika-anim na check-up ko sa OBgyne ko at kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili. Halatang-halata na ang tiyan ko at may kabigatan na rin. Medyo naeexcite ako dahil ngayon ko na malalaman ang gender ng anak ko. Katatapos lang din namin mag-video chat ni Gael at maski siya ay excited na rin.

Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto ko para puntahan si Kuya Miguel sa garahe. Sakto naman na kalalabas lang din ni Mama sa kwarto nila at nang makita niya ako ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"Good luck hija, I hope it's a girl." Ngiting saad niya.

"Sana nga po, Ma."

Bumalik naman sa kwarto nila si Mama dahil sa nalimutan raw niyang ayusin ang mga papeles na kakailanganin ni Papa sa trabaho. Kaya naman nauna na ako sa pagbaba.

Bigla akong nakaramdam ng hilo habang bumababa sa hagdan. Palala ng palala ang nararamdaman kong hilo kaya naman gumilid na muna ako at humawak sa mga railings. Bigla bigla ring nanghina ang mga tuhod ko kaya nang ihinakbang ko na naman ang paa ko ay aksidente kong nalayuan ng kaunti ang pagtapak ko.

Sobrang bilis ng pangyayari.

Nag-slide ang buong katawan ko pababa sa hagdan hanggang sa bumagsak ang katawan ko sa sahig. Sumakit ng todo ang tiyan ko kaya napasigaw ako at napapikit. Tuloy tuloy na rin ang pagpatak ng luha ko.

Mas lalo akong napasigaw nang iminulat ko ang mga mata ko at napansin ang dugo sa sahig at hagdan.

"Ang anak ko!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Husband's Brothers ●SLOW UPDATE●Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon