PROLOUGE

54 4 0
                                    

"Hoy Laz, kumusta ano wala na talaga kayo ni Zie?" Tapik sa akin ni Jhocas. Isa sa mga pinsan ko.

Nakatambay kami ngayon dito sa ground ng school namin, isa sa mga tambayan ng mga estudyante kapag break time.

"Wala na talaga kuya, hindi na nga nagparandam eh." Liningon ko si Ash, kapatid ni Jhocas.

"Hoy bata, alam mo na ba yung pinaguusapan ng mga mokong na iyan?" Tanong ni Kid kay Ash.

Si Kid o Kia Drake Cojuangco ay kaibigan ko na, simula nung bata pa lang kami. Dahil sa palagihan niyang pagsama sa akin ay nakilala na rin siya ng mga pinsan ko.

Hindi ko sila pinansin maging ang mga tanong nila ay hindi ko tinugon. Mas problemado pa sila sa buhay pagibig ko kaysa sa akin.

Ako nga chill lang!

Eh ano kung hindi na nagparandam. Wala naman kaso roon... Edi hindi ko na tatanggapin ko pa siya ulit.

Aw, pokmaru!

"Sus, mga bata pa lang naman kami. Siya na rin nagsabi, kung anong meron kami hindi na dapat seryosohin." Asik ko sa kanila.

"Hayaan mo na, Laz. May ipakikilala na lang ako sa'yo. Bago 'to saka ayos rin, kaso mukhang mapapalaban ka?" Liningon ko si Rayven ng sabihin iyon. Nakalabas na ang cellphone niya at mukhang nagscroll up.

Itong mga pinsan ko, jowang - jowa sa buhay ko. Nako pasalamat ako at apat pa lang silang narito dahil mamayang hapon, lagot. Sabay sabay na kami ng uwi, kasama ang mga babae naming pinsan.

Hindi naman gaanong kilala ang pamilya namin dito sa school kaso halos kaming mga magpi - pinsang Sevilla kasama ng mga magulang namin ay dito na rin nagtapos ng sekondarya noon.

"Sino naman 'yan?" Sumulpot ang isa ko pang pinsan na si Kuya Lever kasama ang bunsong kapatid na babae nila Jhocas at Ash na si Zeah.

Matanda si Kuya Lever sa aming lahat. Kasabayan niya ang pinsan pa namin na si ate Cashandra - ate nila Jhocas, Ash at Zeah. 4'th year na sila kuya Lever at ate Casha.

Kami naman ni Rayven, Jhocas, Kid at Ash ay nasa 2'nd year na.

Si Jhocas at Leur ay dapat 3'rd year na kaso bulakbol si Jhocas kaya bumagsak at bumalik sa 2'nd year.

Tapos sila Zeah at ang kambal na sila Klea at Klei ay parehong mga freshmen student. Kapatid ng kambal si Leur at Kuya Lever.

"Wala 'to kuya." Pagiiwas ni Rayven. Takot kami kayla kuya Lever pero mas takot kami kay ate Casha, mas istrikta yun kaysa kay kuya Lever at Leur.

"Ayus - ayusin niyo ah! May kasama kayong bata. Mamaya, natututo na rin yan ng mga kalokohan dahil sa inyo." Pagtutukoy niya kay Zeah.

Sumimangot naman si Zeah ng marinig iyon. Paano kasi feeling malaki na, tapos kung umasta akala mo lalaki. Boyish, pero okay narin yun. Baka banatan lang namin ang manloko sa mga pinsan naming babae.

"Oo na kuya, hindi na." Kakamot - kamot na sagot ni Rayven kay kuya Lever.

"Nga pala Rayven, tumawag sa akin si tita Meryl Diretcho uwi na raw ikaw. May kalokohan ka na namang ginawa 'no?"

Nagtinginan kaming mga lalaki sa tanong ni kuya Lever. Pag mga ganyanang bilin, matik dalawa lang yan. Good news or Bad news.

Tanging si Zeah lang ang nalilito ang mukha sa amin. "Kuya ano iyon?" tanong niya.

"Ewan ko Zeah. Pabayaan mo nga yang mga mokong na 'yan. Baka may kaaway na naman!" Sagot ko lang sa kanya bago ininom ang bote ng C2 na hawak ko.

Pinagsabihan lang kami ni kuya Lever bago siya umalis. Hindi ko na gustong pumasok dahil first day of school naman eh, pero wengya sayang naman attendance. Wala na si Zeah at kaming mga lalaki na lang ulit ang narito.

"Laz, ano na? Ito nga ipakikilala ko sa'yo. Maganda 'to, walang tapon." Pangungulit pa ni Rayven.

Bored na bored ko siyang tinignan. "Pass muna, Ven. Dehado tayo nung huli, baka matalo ulit." Sabi ko bago tumayo na. Agad naman hinawakan ni Jhocas ang braso ko.

-, -

Langya, kailan ko ba dapat ipaalala sa sarili ko na makukulit pala lahi namin. Hindi titigil, hangga't hindi nakukuha gusto. Hays, tangina talaga.

"Pabayaan mo na Rayven si Laz. Ganito na lang bago tayo umalis. Kung sinong babae ang unang makikita natin na dadaan sa oval, popormahan mo? Oh ano game?" Hamon ni Jhocas sa akin.

"Yown, nice kuya Cas. Payag na kuya Laz!" Pagcheer pa ni Ash.

Tangina lang talaga ng magkapatid na 'to. 

Pero sige mangungulit lang ito. Kaya hinayaan ko na lang saka ala - una na ng tanghali. Malabong may gumala pa sa ganitong oras dahil tapos na rin ang breaktime.

Magsasayang lang kami ng oras at hindi nga ako nagkamali. Halos 30 minutos na ang nakalipas ngunit wala pa ring babaeng dumaraan rito. Kaya naman tumayo na ako ng tuluyan at binitbit ang bag ko.

"Tangina niyo talaga! Bakit ba jowang jowa kayo sa buhay ko? Gago, ayokong unang magkapamilya sa ating magpipinsan. Tigilan niyo ako mga loko!" Nakapikit kong sabi.

Tatalikod na sana ako, nang bigla silang maghiyawan. Akala ko kung ano na ngunit napako ako nung makita ang isang babaeng naglalakad sa gitna ng tirik na araw. May hindi kalayuhan ang layo sa pwesto namin. May kasama siyang batang lalaki na tipo ko'y nasa elementarya pa lamang, base sa suot na uniporme nito na kagaya sa katabi naming school na elem. Parehas na naka - taklob ang mga librong hawak nila sa kanilang ulo, habang ang bata ay nakahawak sa kanyang palda.

Parang gusto ko na lang din maging bata.

"Ate Linds, uuwi na tayo?" Tanong nung bata sa ate niya.

"Maya maya na Ck. Baka may klase pa si ate, sana nga lang maaga kami pauwiin kasi wala pa naman gaanong gagawin." Naglakad na sila bago dumiretcho sa building ng second year.

"Edi target lock na agad?" Sabi ni Ash.

Tumingin ako sa mga pinsan ko na parehong tumatango at nakangisi, si Kid naman ay wala lang reaksyon habang nakatingin lang din sa babae.

Kung susundin ko ang sinabi nila, wala namang masama. Hindi rin naman ako talo, dahil ang alam ko matalino at masipag ang babaeng iyon. Mula sa unang taon namin hanggang ngayon ay alam kong kabilang siya sa Special Science Section. Maganda rin siya kahit na hindi gaanong palaayos at simple lang.

"Gago, para niyo akong pinapahuli ng anghel." 

Yun lang ang sinabi ko at nagtawanan na ang mga loko.


Our Seed of ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon