**CHAPTER 7: From Her <3

27 1 0
                                    

**CHAPTER 7: From Her <3

>SAM's POV 

"Namaaaan! Katamad bumangon. 5 minutes pa PRAAMISSSS!" ung alarm ko nambubulabog na, linteeek!! tinatamad ako, tsaka di ako nakatulog kagabi kakaisip kay Claire, pls naman aking alarm clock, kung ayaw mo masira magtigil ka diyan!!

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa kwarto ko, at IN-OFF NIYA ung alarm ko. Salamat sayo kung sino ka man, wala ng istorbo sa tulog ko.

Pero mas maingay pa pala sa alarm clock ko yung pumasok.

"Mr. Samuel Ythan G. Quinonez! Tapos na ang buong umaga di ka parin gising?! Ano pa ba gusto mo? Magpatawag ako ng isang napakalaking orchestra para lang magising ka? Nakuu naman! May klase ka pa! Aware ka ba dun?? Kanina pa tunog ng tunog ang alarm clock mo!!" 

Napabalikwas naman ako bigla, si mommy pala yun. Grabee, ang ingay..Daig pa ang babaeng meron.. [alam na]

"Good Morniiiing mom. Ano oras na po ba?" sabi ko with a wide smile on my face 

"Good Morning ka dyan! Afternoon na po lolo, quarter to 11 na po, 9 o'clock klase mo diba??" sabi ni mommy ng nakapamewang pa

 "Quarter to 11 lang pala----Haaaaanoooo? quarter to 11 na??!! Bat di niyo sinabi, Mommy naman" pagrereklamo ko

Pero bago pa man makapagsermon ulit si mommy, nagtransform na ako bilang FLASH! (juk lang syempre nohxD)

Namaaaaan!! Anung oras na, gusto ko pa naman makita si Claire *o*

Syeeeeeeeeeeeeeet ^^ Kinikilig akooo! Aahahahahaha,..Napangiti na lang ako sa nangyari nung nakaraan, nung hintid ko  siya sa condo unit niya. 

----------------FLASHBACK-----------------------

 "Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!!! Anong ginagawa mo dito sa condo ko??????!!! Aaaaaaaah---Uuuuhhhmmmmmm" tinakpan ko na ung bibig niya bago pa siya mambulabog ng ibang kapitbahay. Siraulo 'to aa.. mapagkamalan pa akong kriminal sa ginagawa niya... Haaaaay nakkkuuuuu.. 

"Sssssssshhh!! Ano ba?! Baliw ka ba? Bakit ka ba tumitili?!" sabi ko sa kanya sabay alis nung kamay ko sa bibig niya

 "Eee kasii! Sino ka ba??! tsaka what are you doing here? Tsaka, *sabay tingin saken ng up and down* Uuuuuggghh!!! Umalis ka na nga, alis! alis!" sabi niya ng may 

 pagkairita sabay tulak saken palabas ng pinto..

Humarap ako sa kanya, tas hinawakan siya sa braso, 

"Ano ba?! Kumalma ka nga. Tsss, ikaw na nga 'tong tinulungan para makauwi dito sa condo unit mo, ikaw pa may ganang magalit? UUUuuuggghhh! Ganyan na pala ang modernong pagpapasalamat ngayon? Tss, napang iiwanan pala ako." sabi ko sa kanya na agad naman niya ikinatahimik. Binitawan ko siya sa braso  niya at kinuha ang gamit ko sa sofa.

Sa sofa kasi ako natulog kagabi, tas siya sa kama.. Kaya, ganun.. natulog ako ng buong magdamag sa sofa. Buti na lang malaki yun. Well actually, first time ko yun na matulog sa sofa at hindi sa kama. Buti nga di ako nalaglag.=______________=

Eeeeeeer, nakakainis parin. Ngayon alam ko na kung bakit 'to iniwanan ng boyfriend niya.

Akmang bubuksan ko na yung pinto ng naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.

Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakayuko.

A Victim of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon