One new email.
There was a notification on my phone when I looked at it after a vigorous meeting with my bosses regarding the new project I will be sent over to. It took us two hours before we came into an agreement on what we will do with the current situation.
Isang nawawalang cruise ship ang pinaghahanap pa sa dagat ng Palawan. Dala nito ang mahigit tatlong daang tao. Ilang araw na itong napapabalitang nawawala.
"Are you going to take that project, Cinth?" Helene, my friend in the office, asked me when we left the conference room.
I sighed. "Wala akong magagawa," sagot ko.
She nodded. "Nag-away ba kayo ni Sir Porter?" tanong niya.
I licked my lips and shrugged.
Porter Kahlil Duavit is the boss in the News and Public Affairs Department of NATv, the broadcasting company I am working on. On another note, he is also my fiancé. We have been engaged for two years now.
Nanliit ang mga mata ni Helene sa akin. Alam kong hindi siya naniniwala sa akin. Kilala niya ako. Simula pa kolehiyo ay magkakilala na kami. Gamay na gamay na yata niya ang gawalan ko.
"Kung ganoon, bakit parang galit na galit siya sa'yo?" kuryoso niyang tanong.
I sighed. "Hindi ko rin alam. Hayaan mo na," pagbabalewala ko dahil ayoko rin namang pag-usapan.
Porter and I are not in good terms right now. We had a row last night. Nakita ko kasi siyang nakikipaglampungan sa isang bar kasama ng isang sikat na modelo. Sa galit ko sa nakita ko ay halos ibuhos ko na lahat sa kanya ang alak na nakikita ko.
Nakakairita nga. Pero mas nakakairita dahil bakit parang siya pa ang may ganang magalit ngayon? Bakit parang ako pa ang may kasalanan na nakita ko iyon?
Naglakad ako patungo sa cubicle ko at nagbukas ng computer. Kailangan ko munang tapusin ang lahat ng trabahong hindi ko pa natatapos. Kailangan ay tapos ko na ito bago ako idispatya papuntang Palawan.
Inilapag ko ang cellphone ko sa lamesa at nakitang umilaw ito. May text galing kay Mommy.
Mommy:
Did you make up with Porter?
Umikot ang mga mata ko sa iritasyon. Bakit ako ang makikipagbati? Hindi ba dapat ay siya ang sumuyo sa akin dahil siya naman ang may kasalanan?
At isa pa, hindi ko alam kung sino ba ang anak ni Mommy. Ako ba o si Porter?
Mabilis kong inexit ang mensahe niya nang makita ko ulit ang notification na mayroon akong bagong email. Pinindot ko iyon para mabasa.
Nanlaki ang mata ko nang makita kung kanino galing ang email na iyon. Parang baliw na bumilis ang tibok ng puso ko habang binabasa ang pangalan ng taong pinanggalingan ng email na iyon.