64

7.7K 200 103
                                    

05/23/19

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

05/23/19

10:18 pm

Czaria:
Besz.

Czaria:
Magiging kanta ko na ata yung Sana ng I Belong To The Zoo. Haha.

Czaria:
Actually. Pinapakinggan ko na siya ngayon. And fuck the feels. Shit. Napapamura na ako. Lol.

Czaria:
Ang lakas makasampal ng katotohanan nung lyrics.
🎶🎶Sana sinabi mo
Dahil di ko maisip ano bang nagawa kong mali
Sana sinabi mo
Para di na umibig ang puso kong muli
Sana sinabi mo
Para di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kita🎶🎶

Read 10:45 pm.

Ayen:
Slr. Nasa duty ako. Anyare? Nag-usap na kayo?

Ayen:
Oo. Sakit sa kalooban ng kantang yan eh. Kahit wala kang pinagdadaanan bigla ka malulungkot. What more pa kaya sayo.

Czaria:
Wala parin siyang paramdam. Pang limang araw na ngayon.

Czaria:
Haha. Feel ko nga magiging theme song ko to eh. Lol.

Ayen:
The fuck! Ang tindi naman niyan. 5 days walang paramdam. Iba din.

Czaria:
Yun nga eh. Baka ayos na sila ni Leilana. Haha.

Czaria:
Tapos mapapakanta na lang ako nung lyrics nung Sana na, 🎶 biglang nalaman ko, may hinihintay ka lang palang bumalik.🎶 😂

Ayen:
Aw. Czari. 🙁 Are you okay?

Czaria:
I dont know. 😞

Ayen:
Alam ko, nag-o-overthink ka na. Shit. 5 days.

Czaria:
You know me too well. 😂

Ayen:
He's an asshole.

Czaria:
Kasalanan ko naman kung bakit ako masasaktan diba? Kasi umasa na naman ako sa bagay na akala ko sigurado. HAHAHA.

Ayen:
Putangina! Kasalanan niya noh. Pinaasa ka. Tsk. Bwisit.

Czaria:
Pero sana man lang sinabi niya noh. Para naman di ako mukhang tanga kakaisip kung ano nangyari.

Ayen:
Hindi mo na ba tinext ulit simula nung Sabado?

Czaria:
Hindi na.

Ayen:
Itext mo kaya. Like hello Brent, nag-e-exist pa ako. In case you forgot. Nasabi mo ring nililigawan mo ako. So ano na?

Czaria:
Baka mas lalo lang akong masaktan pang hindi nagreply. Mega kill. 😂😂

Ayen:
Kapal ng mukha niya. Putangina niyan. 😤

Czaria:
Chill. Akala mo ikaw sinaktan. 😂

Ayen:
Kilala kita Czari. I know you're hurting. Alam ko naman gusto mo na yung gagong yon eh. Nadala ka na sa efforts niya. At sa 5 days na yon, alam ko gabi-gabi ka nag-iisip kung ano nangyari. At ang pinakaayaw ko sa ugali mo eh, you start to question yourself and worth kapag mga gantong bagay.

Czaria:
Wala eh. Alam mo naman malakas ako sa formulas and equations pero pag sa ganito, mahina ako. Haha.

Ayen:
And I hate those guys who took you for granted. Hindi mo deserve to eh.

Czaria:
Ewan ko din. Lagi na lang eh. 😂

Czaria:
Tapos itong ngayon, masyado akong pina-excite eh. Pinaramdam sakin kung pano ka pag-effort-an ng isang lalaki. Akala mo ito na yon.

Czaria:
Akala ko lang na naman pala ulit.

Ayen:
Putangina ng Brent na yan. Papasabugin ko ang UST Hospital!

Czaria:
Hahahaha. Sira. Di nadamay mga pasyente.

Ayen:
Oo nga noh. Yung kotse niya na lang. Tataniman ko ng bomba.

Czaria:
Hahahaha.

Ayen:
You're stronger now Czari. Diba?

Czaria:
Akala ko din. Akala ko natuto na ako. Pero heto na naman. 💔

Ayen:
Labas tayo gusto mo? Halika dito sa Baguio bukas.

Czaria:
Okay lang. Magkikita naman tayo sa Sunday.

Ayen:
Eh ano na lang ginagawa mo diyan?

Czaria:
Natutulog. Tapos kumakain. Tapos nag-iisip. Lol. 😂

Ayen:
I hate seeing you like this again Czari. 😕

Czaria:
Wala eh. Talo na naman. 😂

Ayen:
On positive note. Malay mo something happened lang kaya di pa magawang magtext.

Czaria:
Mahirap magtiwala sa malay mo. Nakamamatay. HAHAHAHA.

Czaria:
Anyway, bumalik ka na sa duty mo.

Ayen:
Pano ka?

Czaria:
Pipiliting matulog at wag ng mag-isip. 🙃

Ayen:
I hate this.

Czaria:
I'll be okay. Nakaya ko naman before. Ngayon pa ba?

Czaria:
Mas marami nga lang memories together na dapat kalimutan. Lol.

Ayen:
Czariiiiiiii. 😞

Czaria:
Balik na sa duty. I'll try to sleep na.

Ayen:
Basta text mo lang ako ha.

Czaria:
Opoooo.

Ayen:
Anytime.

Read 11:48 pm.

Hey Future DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon