Let Her Go: One Shot
Bianca’s POV
“Aalis ka na agad? Wala ka pa ngang isang oras na nandito, Xavier.” Angal ko sa kanya. Tumayo na siya at inayos ang gamit niya.
“May kasama ka naman, Bianca. Nandyan ang mga kaibigan mo at tsaka may gagawin pa ako.” Dahilan nito. Walang akong magawa kundi ang tumango na lang.
“Bye, I love you…” saad ko.
“Bye.” Napabuntong hininga na lang ako. At pinanuod siyang umalis.
Tahimik lang akong kumakain kasama ang dalawa kong kaibigan. And awkward ng atmosphere namin. Nag-iba bigla ang timpla nung dalawa kong best friend. Si kat pinang-gigihilan yung mouse, si Matt naman ang sama ng tingin sa kawalan. Bigla naman binasag ni Kat ang katahimikan.
“He didn’t say it back.” Napakunot noo naman ako.
“Say what back?” tanong ko. Mas lalo lang sumama ang mukha ni Matt.
“He didn’t say ‘he loves you too’, Bianca.” Madiin na saad ni Matt.
“Oh…” iyan lang ang nasabi ko.
“Oh? Iyan lang ba ang sasabihin mo?! It’s been a damn year, Bianca, since you two got together. Hanggang ngayon hindi niya pa rin ba masabi ang katagang ‘I love you’?” galit na giit ni Kat. Si Matt naman naputol na niya yung lapis na hawak-hawak niya.
“Maybe h-he needs t-time, kat.” Reason out ko. Mas lalong nanggalaite ang mga mata ni Kat.
“It’s been a damn year, Bianca! A damn year! At ngayon he still needs time?! How much time does he need? A decade?! A century?! Maybe it’s about damn time for you to think about this. Tama na ang isang taon at tignan mo naman si Xavier walang ka amour-amour sayo! If he can’t proclaim his love to you, I suggest that you should stop your relationship with him. He’s not even a boyfriend material, Bianx. You deserve someone even better.” Sermon nito sa akin, pero tama naman siya eh. Lahat ng sinabi niya ay totoo. Ako lang ang nagwowork out ng relationship namin na ‘to simula’t sapul. Masakit din kaso manhid na ata ako at hindi ko na nanararamdaman.
“Alam kong masakit sayo pero wag kang magalala, isang taon na din akong nasasaktan, Bianx.” Sabi ni Matt at umalis.
“Paisipan mo lahat-lahat, Bianca. You deserve someone better than him. Yung lulunurin ka sa pagmamahal, hindi sa kalungkutan.”
BINABASA MO ANG
Let Her Go: One Shot
General FictionOnce you realize the love to a girl, it is always too late. So walk away, it's over, Let her go...