Mr. Pa-fall

203 4 5
                                    

Friend Zone. Sa tuwing maririnig ko iyan, naaalala ko si Mr. Pa-fall. Yung lalaki kong bestfriend na walang ibang ginawa kundi magpa-fall sa akin. Palibhasa alam niya lang na may gusto ako sa kanya. Oo, friendzone lang ang peg ko. Hindi ko nga alam kung na-friendzone nga ba ako eh. Hindi naman kasi ako umamin sadya lang talaga na mababait yung mga kaibigan ko dati at binuking ako sa kanya. Napaka-loyal talaga ng mga kaibigan ngayon =_______=

Anyway, past is past. Nakapag-move on na ako diyan. Hindi kasi ako yung tipo ng babae na maraming drama sa buhay (pero umiiyak ako kapag mag-isa lang xD). Hindi ko masyadong dinidibdib ang mga bagay na iyan lalo na kung hindi naman big deal. Inshort, Hindi siya Big Deal.

"Kaya kayo, huwag muna kayo mag-aasawa ng maaga ah?" advice sa amin ni Ms. Sanchez.

Umattend kami ng seminar at kasalukuyan kaming nakikinig ng mga sermon ng speakers.

"Kayong mga babae, huwag kayong padadala sa mga mabulaklak na salita ng mga lalaki kung ayaw niyong umasa." dagdag ng speaker.

Naku! Narinig ko na naman yung salita na 'yan. Lagi ko na lang naririnig yung salitang yan sa kaklase ko eh.

"Hmm! Huwag ka na daw umasa ah?" kalabit sa akin ni Yanna.

For sure, nang-aasar lang ang isang ito. Alam niya kasi na may past ako sa pag-asa eh. Kaya ayun, wagas kung makapang-asar sa akin akala mo naman siya walang past?

"Tse! Hindi nakapag-move on na nga ako." katwiran ko.

"Hindi nga?!" biro na naman niya ulit.

Hindi ko na lang siya pinansin. Inirapan ko lang siya at tumingin sa ibang direksyon.

"Maraming salamat sa pakikinig sa akin students." pagtatapos nung speaker.

Tumayo kaming lahat saka sabay-sabay na nagpaalam sa mga panauhin ng seminar. Sabay kaming lumabas ni Yanna kasama ang dalawa pa naming ate sa AVR at dumiretso sa rest room ng mga babae.

"Ano ba yan? Ang huggard ko tingnan." reklamo ni Yanna sa repleksyon niya sa salamin.

Hindi ko siya pinansin. Nagsuklay lang ako ng buhok ko at naglagay ng pulbos sa mukha.

Daily routine na kasi namin na kapag nakalabas na kami ng room ay didiretso kami agad sa rest room para mag-ayos. Narinig ko na tumunog yung cellphone ko, hudyat na may nagtext. Binuksan ko ang message na iyon at hindi kayo maniniwala kung sino ang nagtext.

"Aish! Pagkatapos mo akong iwasan at hindi kinausap, magtetext ka sa akin ngayon." kausap ko sa phone ko.

"Oy, sino kausap mo?" pansin sa akin nila Yanna.

"Ha? Wala!" sagot ko. Itinago ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Hindi ako nag-reply at hindi din naman ako naghintay ng text niya. Para sa akin, wala na yun.

"So, saan tayo kakain ngayon?" tanong ni Ate Izza, isa sa mga kaibigan ko na mas matanda pa sa amin.

"Bili na lang tayo sa labas ng school." suggestion ko.

"O sige!"

Sabay-sabay kaming lumabas at nagpunta sa burger shop. Dahil wala kaming pera, dito namin napagdesisyunan na kumain. Masaya kaming nagkakainan at nagkukwentuhan nang may biglang tumatawag sa phone ko.

Paul Calling ...

Matagal ko muna itong pinagmasdan bago patayin ang tawag niya. Ano na naman kaya ang kailangan nun at tumawag? Psh! Ang gulo talaga ng utak niya!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon