The Night Before Her Wedding

0 0 0
                                    

Sa pagtatapos ng bachellorette party ni Nadine ay dumating ang fiancée nitong si Daniel upang sunduin na siya sa pagtitipon na nireglo sa kanya ng mga malalapit na kaibigan. Hindi na mabilang ng dalaga kung ilang beses na siyang kinongratyulayt ng mga ito.

Pasado alas onse nang makarating sila sa inuupahang apartment nilang magkasintahan. Kahit inaantok ay pinipilit ni Nadine na magmulat ngunit mas nananaig ang pagkahilo niya dala ng ininom na alak.

Nang magising siya sa kaluskos at mahihinang boses sa kanyang paahan ay gano'n na lamang ang kanyang pagsinghap sa nakita.

Muling ipinikit ni Nadine ang kanyang mga mata dahil baka namamalikmata lamang siya. Ngunit hindi sa pangalawang pagmulat niya, isang babae at lalaki pa rin ang nakikita niyang naghahalikan sa paanan ng kamang kanyang hinihigaan. Para siyang tinamaan ng kidlat sa nasaksihan, hindi niya magawang gumalaw man lang o  kumilos para sigawan at awayin ang dalawang taksil sa kanyang harapan.

"Kath huwag kang malikot, baka magising si Nadz." Mahina ngunit masuyong saway ni Daniel sa babae habang hawak ito sa bewang.

"Natatakot ka bang magising yang fiancee mo?" Naiiritang tugon ni Kath.  "Ikakasal ka na bukas bakit hindi mo na lang ako pagbigyan ngayon?"

"Sa kabilang kwarto na lang tayo babe." Nang-aakit na yaya ni Daniel.

"Ayoko! Gusto ko dito natin gawin! Gusto ko sa harap mismo ng babaeng yan!" Bago pa makasagot ang binata ay hinila na nito ang collar ni Daniel at saka hinalikan ito ng mariin at inisa-isang buksan ang butones ng polong suot nito.

Pinilit ni Nadine na huwag gumawa ng kahit anong ingay, pinipigilan rin niyang huwag umiyak ngunit hindi niya mapigilan ang pag-agos ng mga luha sa kanyang mga mata. Sino ba naman ang mag-aakala na ang lalaking papakasalan niya kinabukasan ay pagtataksilan siya mismo sa kanyang harapan?

"Tara sa banyo, I want to do it in the bathtub."

"Mauna ka na roon, susunod ako." Tulak ni Kath sa kasintahan ng babaeng natutulog sa kanyang harapan. Saglit siyang umikot para magtungo sa likod ni Nadine at saka bumulong. "Kung akala mo papayag akong matuloy ang kasal ninyo bukas pwes nagkakamali ka, buntis ako kaya  akin si Daniel!"

Kuyom ang mga kamay nang magmulat siya kasabay ng pagsara ng pinto ng pansariling palikuran. Wala pa mang limang minuto ay naririnig na niya ang mga ungol at palitan ng pangalan ng dalawang taksil sa loob ng kanyang banyo. Pikit matang ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata kasaby ng pagguho ng mundong pinangarap niya kasama si Daniel.

Sa pitong taon na nakalipas nasa rurok ng tagumpay si Nadine ngunit ito'y kanyang binitawan ng makilala niya si Daniel, at ang kasikatan kay Kath. Sinong mag-aakala na tutuklawin siya ng babaeng trinato niyang nakakabatang kapatid at nagturo rito kung paano maabot ang kanyang narating.

Kinunswelo ni Nadine ang kanyang sarili maaring nasa isa siyang masamang panaginip! Isang bangungot! Nasa kalagitnaan siya ng pagkakastigo sa sarili ng marinig ang boses ni Kath na nagrereklamo kay Daniel na masama ang pakiramdam habang hila ito palabas huli na lamang niyang narinig ay ang pagsara ng pinto ng kanyang kwarto at ang hindi na pagbalik ni Daniel sa kanya.

ARAW ng kasal. Maagang nagising si Nadine kahit may agam-agam ang kanyang isipan. Tinitimbang kung alin ang totoo at hindi sa nasaksihang kataksilan kagabi ng kanyang fiancee. Maagang nakarating sa Civil Affairs si Nadine na may isang pilit na ngiting nakaupo sa labas ng opisina. Kanina pa niya tinatawagan si Daniel ngunit ni isa sa kanyang tawag ay wala itong sinagot miski isa.

Gayon na lamang ang kanyang galit ng makatanggap ng mensahe mula sa lalaki.

Daniel 💕

Good morning

Where are you?
Dan?
Dan?

Im sorry Nadz, na-injured kasi si Kath and you know naman na nag-iisa lang siya rito sa Manila 'di ba? Kailangan ko muna siyang asikasuhin.  Ire-schedule na lang natin ang pagpapakasal. I promise babawi ako sa church wedding natin.

Wala nang susunod na araw dahil hindi na ako magpapakasal sayo.

Isinuot ni Nadine ang kanyang sunglasses at tumalikod na upang mabangga lamang ang lalaking sumalubong sa kanya. Inaasahan na ng dalaga na babagsak siya ngunit hindi nangyari dahil hawak siya ng makisig na lalaking kilalang kilala niya. Sino ba naman ng hindi makakakilala kay James? Ang antipatikong hindi marunong ngumiti at kinatatakutan sa mundo nila.

"Im sorry Sir." Hinging paumanhin ng dalaga bago pa man siya masigawan nito. Ngunit bakit nga ba nandito ang lalaki? Piping tanong ni Nadine sa sarili.

"You can go Miss Nadine." Magalang na bati ng assistant ni James kay Nadine.

Nakakailang hakbang pa lamang ay narinig ni Nadine ang problema ng dalawang lalaki. Kahit walang plano ay pumihit siya pabalik sa kintatayuan ng dalawang lalaking nakasalubong kanina.

"Mr. James mukhang hindi ka sisiputin ng iyong bride, at tinakbuhan ako ng aking groom pwede bang ako na lang ang pakasalan mo?" Matapang na tanong ni Nadine.

Mataman namang nakatingin dito si James, ang lakas ng loob nitong kausapin siya, tinanggal niya ang salamin sa mata at humarap sa kanyang assistant na hindi pa rin nagsasalita.

"Ibigay mo sakin ang background information niya."

Dahil kilala naman si Nadine ay hindi mahirap humanap ng impormasyon tungkol dito. Isang type mo pa lang ng pangalan ng dalaga ay lalabas agad ang naglalakihang ginampanan nito noon. Wala pang isang minuto iniabot na ni Assistant Lim ang tablet kay James.

Ito na ata ang pinakamaswerteng araw para kay Nadine. Ang makasalubong si Mr. James ay hindi inaasahan ngunit magagamit niya ito upang magsisi si Daniel sa ginawa nitong desisyon. Hindi naman sa ginagamit lamang ni Nadine ang binata, hindi naman ito madaling gamitin kaya sapat na ang ikasal siya rito upang makapaghiganti sa lalaking minsan niyang minahal at mahal pa rin.

Wala pang kalahating oras ay naiproseso na ang knailang marriage certificate tanda na siya'y isa ng may bahay.

"Mr. Jamez maaari ka bang makausap?"

"Get in" Sumunod siya rito sa loob ng sasakyan.

"Speak"

"Una sa lahat maraming salamat dahil ako pinili mong ipalit na bride. Pangalawa maari ba akong humiling?" Tumango lamang ang binata at hindi nagsalita. Ipinagpatuloy ni Nadine ang pagsasalita. "Maaari bang ilihim muna natin na tayo'y kasal na sa isa't isa? At huwag tayong mangialam sa personal na bagay.  Pangako hindi ako masyadong  makikipaglapit sa kahit sinong lalaki!"

Isang ngisi ang nababalot sa mukha ni James matapos niyang magsalita ukol sa gusto niyang mangyari. "Wala namang problema sakin ngunit sa loob ng tatlong buwan kailangan mong matapos ang gusot sa iyong nakaraan, 'coz I will announce our wedding after."

"Salamat."

"And dahil kasal na tayo sa bahay na mapipili ko tayong dalawa titira. I'll give you a week to evacuate all your things. My assistant will accompany you till the end."

"I agree." Ngayong kasal na siya tama naman itong walang mag-asawang hindi nakatira sa iisang bahay.

Matapos mag-usap ng masinsinan ang dalawa ay lumabas na ng sasakyan si Nadine at dumiretso sa sariling sasakayan.

Samantala, nakatanaw si James sa papalayong sasakyan ni Nadine. May gumugulo pa rin sa isipan ng binata.

"Ihatid mo na lang ako sa bahay. At guato kong sundan mo si Nadine, ireport mo sakin lahat ng malalaman mo sa kanya."

Nasisiguro ni James na may nangyari sa dalaga kaya nagpresenta itong pakasalan siya ng gano'n gano'n na lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Finally Found You (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon