Pagkalabas ko ng cr,huminga nmn ako ng malalim na malalim..
"Kailangan ko ng mahanap yung office ng principal.. tsk' saan ba kasi tong office nya!?kainis nmn! Stress na ako! Kaloka!" Lumingon ako sa kaliwa at kanan dito sa hallway, Napansin ko na rin na maraming student na dumadaan.. yung iba,nagsitakbuhan.. yung iba,naghahabulan..yung iba,nakaupo sa gilid ng hallway ,at yung iba nmn tahimik lang na nagbabasa ng libro..
Grabe sila ah! Di sila pormal..
Sa Z.A kasi,bawal ang mga ganito e! Dapat ngayong mga oras na'to,nasa classroom na kami..at take note, hindi sila naka.uniform! Tss..
Namiss ko tuloy ang mga asong yun! :((
Nagsimula na din akong maglakad sa hallway, pagmay dumadaan sa'kin,lumalayo ako ng kunti .. Baka kasi madapuan tong clean at maganda kong skin sa mga skin nila noh! Baka magkasakit pa ako ..
Napahinto nmn ako sa paglalakad sa gitna ng hallway ng may boses lalaking sumigaw..
"Guys! Tumabi na kayo! Andito na sila!" Nagtaka nmn daw ako sa pagsigaw nyang yun..
Sino kaya?
At ba't nmn sila tatabi?
May artista bang darating dito?
Naaah! Imposible!
At nagulat na lang ako ng isa isa sila nagsitabi sa gilid ng hallway..lahat ng student.. yung nagsitakbuhan nga biglang huminto at tumabi na din sa gilid..
Anyare? ?
Ba't nagsitabi sila?
Nagabot nmn ang dalawa kong kilay nang makita kong may sampung mga students na paparating dito sa direksyon ko.. limang babae at limang lalaki.. at take note na nmn ha! Isa isa silang nakasakay sa bisekleta..at di din yun,may mga pulang panyo pa silang nakatali sa mga leeg nila..
Huh? Pwede bang ipasok yang mga bisekleta dito sa hallway?at saka, ba't nmn nagsitabihan itong mga to?
Andito pa rin ako sa gitna ng hallway habang nakatingin sa kanilang sampu..
Pero higit sa lahat,mas napansin ko yung isang.lalaki na pinakauna na nagbebesikleta..sya talaga yung nangunguna..Nakangiti sya,at higit sa lahat. aaminin ko din na,may hitsura din sya..
Pero di ko sya gusto noh! Neeevaaah! Si kresler lang talaga!>___<
"Ouch!"
Napasigaw na lang ako dahil sa sakit ng may humila sa'kin..
Sino ba tong langyang humila sa kin?
"Miss.. alam mo bang para kang tanga dyan sa gitna.. di mo ba narinig yung sigaw ko?na tumabi?"
Tinignan ko sya ng masama, dahil di pa rin nya binibitawan yung kamay nya sa kaliwang kamay ko..
"So what kung di kita narinig? Pwede ba, bitawan mo nga yang kamay mo! Kadiri! Baka mamaya magkasakit pa ako! " mataray na sabi ko sa kanya..Sa punto iyon ,nakadaan na din yung sampung nakabsikleta.. at nagsilakad na nmn yung mga student na nagsitabihan kanina..
"Tss! Taray mo nmn miss.. tinutulungan ka na nga!dapat nga magpasalamat ka pa sa'kin" tumigil ako sa pag lagay ng alchohol sa kaliwang kamay ko,Tinaasan ko sya ng kilay at tiningnan sya..
"Tulong?? What? ? Duhh! May dapat ka bang itulong sa'kin ha?may sinabi ba ako tulungan mo ako?? At saka, wag mo ngang hinahawakan tong malinis kong kamay!tss! "
"Sus! Ang arte mo nmn! Bahala ka na nga dyan!" Sigaw nya at napakamot pa sya sa ulo nya bago umalis at naglakad papalayo..
"Tss!" Bakit kailangan pa nya akong hilain? At ano nga yung sinabi nya? Magpasalamat daw ako dahil tinulungan ko sya? Para saan nmn?tss!..