"....pero may mga tao na hindi laging nananatili sa buhay natin. Minsan sa lahat ng umaalis sila pa ang nagdudulot ng ngiti sa mukha natin." — Maddox
Matatanggap mo ba kung ang mga tao sa buhay mo ay mawawala?
Kung iisipin mong mabuti? Kakayanin mo kaya?
O nasubukan mo na, kinaya mo ba?
Pero kung kinaya mo, masasabi mo bang kinalimutan mo ng tuluyan ang mga alaalang nagpakirot sa iyong puso?
Mga alaalang dahilan kung bakit sila nawala una palamang.
Masisisi mo ba ang panahon?
Dahil ako, kinaya ko mang hamunin ang panahon ng wala sila, hindi ko kinalimutan lahat ng sakripisyong inalay nila.
Mananatili at mananatili itong nakaukit sa puso ko.
Ngunit sa susunod na yugto ng aking buhay, masasabi ko pa kayang kakayanin ko kung muli nanaman akong mawawalan ng tao sa buhay ko?
Paano ko pa haharapin ang bukas na pilit kong ginagapang noon upang hindi maisawalang bahala ang buhay nilang natapos?
Dahil ako, si Alethea, ang Reyna ng Alethea ay haharap sa isa na namang pagsubok na masususkat kung tama nga ba ang mga desisyong gagawin ko sa mundo ng Alethea gayong ako nalang ang tanging namumuno dito.
Desisyon kung saan nakasalalay kung alin sa mga taong mahal niya ang gusto niyang manatili sa buhay niya.
Makakaya kaya niyang bitawan ang kamay niyang kumakapit upang tanggapin ang kamay na pilit umaabot sa kabila niyang kamay?
Puso nga ba o ang responsibilidad niya bilang isang Reyna ng Alethea ang pipiliin niya?
At alin sa dalawa ang tatapos sa buhay ng isang buhay na inakala nating tapos na? May huling hantungan na nga talaga siya?
Dahil ako, si Keilah, ay hindi na magpapaalipin sa kung sino man ang nagbitag sa akin upang makagawa ng desisyong ikamumuhi ko.
It was all a trap, now the Queen Retaliates.
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Queen Retaliate | Book II |
FantasyKung ang panahon ay nagbabago at ang oras ay umiikot, ganoon rin ang mga alaala na bumabalik. Ngunit paano na ang alaala ni Albert? Naging abo man ang Alethea matapos sulubin ni Meribah, may darating naman na bagong pagsubok upang muling buhayin ang...