Forever

1 0 0
                                    

"I love you."

Ngumiti siya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata. Inulit niya muli ang mga salitang iyon dahil nakatitig lang ako sa kanya at hindi sumasagot.

"I love you..."

Kumurap-kurap ako para malaman kung totoo ba ito o hindi. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito! Akala ko ay hindi na 'to mangyayari, tila isang malayong bituin ang naabot ko!

Tinitigan ko ang lalaking nasa harap  ko. Muli siyang ngumiti at hinawakan ang aking mukha. Pinakiramdaman ko ang pagiging magaan ng kamay niya sa aking pisngi. Damn, it feels heaven!

"Uhm..." iyon lang ang tanging nasambit ko.

Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Pumikit ako. Is it gonna happen?! Bumilis ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang kanyang labi.

Napadilat ako nang maramdaman kong may tumatapik sa aking mukha. Dumilat ako at napagtantong panaginip lang pala iyon.

Isa lang palang panaginip! Sana'y hindi na ako ginising ng kung sino!

Tinignan ko nang masama ang gumising sa akin. Kris was about to kiss me! Bakit kahit sa panaginip ay ayaw pa rin akong pagbigyan ng tadhana?

"Uwian na." Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Kris. "O baka gusto mong dito na lang matulog."

Natulala ako dahil sa gulat. Nang tumalikod siya ay saka lang ako natauhan. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Ako na lang ang nandito sa classroom. Malapit na ring gumabi, mabuti na lang at ginising ako ni Kris. That was unexpected!

"Sayang naman..." bulong ko habang inaalala ang nangyari sa aking pagtulog.

Si Kris ang lalaki sa panaginip ko. Mula noong una ko siyang makita ay nagustuhan ko na siya. We were in Grade 7 that time. He barely talks to others except to his friends kaya mahirap sa akin ang makilala siya kahit magkaklase kami. He is like a rock that is hard to break. Yes, a stone-cold.

Ngumisi ako. 'Di bale na rin na nagising ako nang 'di pa tapos ang panaginip. Si Kris pa rin naman ang bumungad sa akin.

Tinanaw ko ang likod ni Kris na nauuna sa akin. Hindi ko alam kung hahabulin ko ba siya o ano. Should I grab the chance?

Umamba akong tatakbo ngunit nagvibrate ang cellphone ko. Nangingiti kong kinuha ito sa bulsa ko at nakita kong may nagmessage sa akin.

Habang naglalakad palabas ay binasa ko ang message at nakita kong unknown number ang sender. Kumunot ang noo ko at napatigil sa paglalakad.

Sino itong nagtext? Hindi ko kasi pinamimigay ang number ko sa kung kani-kanino at ako ang humihingi ng number nila para itext sila.

'You look beautiful when you're asleep but you look more beautiful when you're awake. x'

Napangiti ako sa mensaheng nabasa ko. Ang galing naman mambola nito. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang maintindihan ang message.

Sino to? Bakit alam niya na natulog ako? May stalker yata ako!

Lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin ang kung sinuman na nagtext sa akin pero wala akong makita. Nagsi-uwian na kasi ang lahat ng estudyante at ako na lang ang nandito. Hinanap ko si Kris pero bigla siyang nawala. Huh? Bilis naman niyang maglakad!

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Hahayaan ko na lang yung message. Baka nantitrip lang 'yon.

The unknown sender kept on sending me messages. It has been a week now. Ilang beses ko na itong tinawagan at tinext pero hindi pa rin siya nagpapakilala. I decided to ignore it because the texts were just greetings like "good morning... good evening...". I just hope he or she is harmless.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon