Mahal na Mahal ko siya. Sobra. Kung may lalagpas pa sa Mahal na Mahal, yun ang nararamdaman ko para sa kanya. Halos . Taon na din simula nang naghiwalay kami. Nagkaron na kami ng kanya kanyang buhay. Pero wala pa kaming kanya kanyang asawa.
Bawat araw na dadaan laging may tinik na tumutusok sa puso ko. Araw araw akong nalulungkot, tinamad na ako sa buhay ko simula ng mawala siya sa buhay ko. Hindi ko kinakaya. Gusto kong umiyak pero wala ng natulo na luha sa mga mata ko.
Magkapitbahay kami. Tadhan ang nagdala sa´kin dito sa lugar nila. Those memories. Dati lang andito ako lagi, lagi kami magkasamang masaya nagtatawanan, nagkikilitian habang naglalakad. Pero ano ng nangyari sa´min ngayon.
Natatandaan ko pa yung mga kataga na binatawan niya sa´kin nung naghiwalay kami.
"Di na tayo magkaintindihan, maghiwalay na tayo. Mahal na mahal kita"
Naiiyak nanaman ako, malas nga siguro ako sa pagmamahal. Well, tatanggapin ko yun kahit ang sakit sakit.
Alam ko mahal pa din namin ang isa´t isa. Kitang kita ko sa mga mata niya na ako pa din talaga. Ako pa din Mahal niya at naniniwala ako dyan.
"Mahal na mahal pa din kita."
yan ang lagi kong bukang bibig sa twing nakikita ko siya. Gusto ko sabihin sa kanya yan. Kaso natatakot ako na baka baliwalain niya lang.
Sa bawat araw na dadaan hinihiling ko sa diyos na sana magkabalikan kami. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana.
Sa bawat araw din na dadaan, nawawalan ako ng pagasa.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ´to. Bawat araw may dala siyang ibang babae. They are kissing in front of me. Pero matatag ako, nginingitian ko nalang siya para mapakita sa kanya na kaya ko ´to lahat. Na matatag ako.
Iba ibang babae sa bawat araw. Di ko alam kung bakit siya nagkaganon. Nag-iinom na siya. Umuuwi na ng lasing, dati naman hindi siya ganyan.
Isa lang ang sumagi sa isipan ko. Tinupad nga niya talaga yung pangako niya na pag nawala ako sa kanya magloloko siya. Pero bakit hindi niya tinupad yung pangako niyang hindi niya ako iiwan.
Andito ako sa harap ng bahay niya, gawain ko na ang umupo dito para makita siya ng pasimple sa mga ginagawa niya.
Aalis nanaman siya at nakatitig siya sa mga mata ko. Umiwas ako ng tingin dahil nasasaktan ako.
Sana maalala niya na kaarawan ko na sa isang araw. Pero imposible na maalala niya pa yun.
Nakatingin lang akonsa kanya habang papalayo siya. "Miss na miss na kita." bulong ko sa sarili ko. Sana bumalik lahat. Inantay ko siya mawala sa paningin ko at pumasok ako sa bahay niya. Mag kapareho lang kasi kami ng susi ng bahay.
Tinignan ko mga gamit niya. Siya pa din talaga yung lalaki na minahal ko. Nilibot ko mata ko sa loob ng bahay niya, puro pink ang nakikita ko. Adik talaga siya sa pink.
Pumasok ako sa kwarto niya. Malinis ito, umupo ako sa kama at tinignan ang mga picture sa ding ding. Hindi ko mapigilan maiyak, dahil mga picture namin ´to 5 years ago.
Ang saya saya namin sa mga picture na ´to. Andito pa yung stolen ko na nakasimangot.Bakit meron pa siya nito? Mahal pa nga niya talaga ako.
Binuksan ko ang kabinet niya, nakita ko yung album namin na sobrang tagal namin pinagplanuhan.
Lahat andito pa, lahat ng picture andito. Graduation pic ko na kupas na, picture ko nung graduation ball nung 4th year ako. Kahit yung picture namin habang nagtotoothbtush andito pa din. Those memories ang sarap balikan.