Chapter 34: Pregnancy Hormones

426 10 0
                                    


*Yeonwoo's POV*

"Hon...." nagising ako dahil sa may tumatawag sakin

"Hmm?"

"Hon gising gusto ko ng mangga" napadilat ako sa sinabi niya

Mangga? Sa madaling araw?

"Seriously?" tanong ko tumango naman siya

Bumangon na ako at inalalayan siya pababa

Mabuti nalang at may binili akong manggang hinog kanina yung kulay yellow

"Oh" sabi ko at inabot sakanya yung mangga

"Ay wag nalang walang hilaw" nawala yung antok ko sa sinabi niya

What the bloody hell?!

"Gusto mo ba ng hilaw?" tumango naman siya "Pero kung wala ayos lang" sabi niya at paakyat na sana pero pinigilan ko siya

"Nope wait me here maghahanap lang ako ng manggang hilaw" sabi ko ngumiti naman siya ng malapad sa sinabi ko

Umakyat na kaming dalawa at kinuha ko yung jacket ko at susi ng kotse

"Wait for me okay?" sabi ko at hinalikan siya sa labi

"Take care love you"

"Love you too" sabi ko at bumaba na

"Oh ate saan ka pupunta? Madaling araw na ah" biglang sulpot ni ahin sa kung saan mang lupalop nanggaling ang nilalang na to

Dito muna tumutuloy si ahin dahil buntis si aenan at para narin may kasama kaming dalawa

"Ang aga mo magising"

"Nauuhaw ako eh san ka ba pupunta?"

"Bibili lang ako ng manggang hilaw" sabi ko

Napatawa naman siya "Manggang hilaw? At this hour?" natatawang sabi niya

"Eh ayun gusto ng ate nancy mo eh sige na may ipapabili ka ba?" tanong ko

"Durian"

"Durian?! Naglilihi ka rin ba?" nakakunot noo kong sabi sakanya

"Joke lang hahahaha, champorado nalang ate meron diyan sa tapat" sabi niya

"Sige paki tignan narin si aenan" sabi ko at tuluyan ng umalis

Naghahanap ako ng manggang hilaw pero wala

Ilang palengke na rin ang nadaanan ko pero wala talaga

Saan ako hahanap ng mangga ng ganitong oras?

Nagda-drive na ako pauwi ng may nakita akong mangga na hilaw pero nasa stick

Ayos na to kesa wala

Bumaba na ako pinuntahan si kuyang nagtitinda ng manggang nasa stick

"Kuya magkano isang stick?"

"Sampung piso po mam"

"Sige sampu nga" sabi ko at kumuha ng 100 sa wallet

"Madaling araw na ho mam ah, naglilihi ho ba si misis?" biglang tanong ni kuya

"Oo eh" sabi ko nalang

"Lalagyan po ba ng bagoong?"

"Sige kuya pero pahiwalay sa mangga" sabi ko baka kasi gusto ni nancy ng mga bagoong

"Eto kuya oh salamat" sabi ko at inabot yung pera sakanya

"Thank you po mam" sabi niya at sumaludo

I'm Falling YouWhere stories live. Discover now