Chapter 1: Ang Nakaka'yummy'ng Pagtatagpo

622 12 3
                                    

Telya's POV

"Ayun! Habulin nyo!"

Inang mga goons yan. Ke bibilis magtakbo kala mo mga professional runners eh. Ang hirap isahan palibhasa mga masasamang nilalang kaya sing utak ni satanas.

Ay, ako nga pala si Mariesteller aka Gandang Telya, angal pa? Tumatakbo lang naman ako sa kalagitnaan ng EDSA.

Bakit? Mahal ko kasi ang buhay ko, hinahabol ako ng mga gangster na pinagkakautangan ng mga yumao kong magulang.

Yeah right, magisa lang ako sa buhay at parang taong kalye pero hindi pulubi kasi may natitirhan pa naman ako kahit ulila ako at yun ay sa puntod ng mga magulang ko.

Last year lang sila namatay at simula noon di na matigil ang paghabol sa akin ng mga pinagkakautangan nila kaya eto di na ako nakapagkolehiyo.

Nagtatrabaho na lang ako bilang sidewalk vendor, takatak girl, konduktor, tagalaba, mangangalakal, tagalinis ng tsimineya, atbp, name it, I've done it! English yun oh, nganga!

Nakatapos din naman ako ng high-school kaya lang di ko na muna binalak magcollege, ipon muna ako,saka walang time, next year na lang yun.

Back to marathon, nyetang mga panget to, kala mo mga manliligaw na hindi ko sinagot kung makahabol sa akin eh. Ayun may butas, makatago nga!

"Saan nagpunta yon?" Tanong ni panget 1.

"Di ko alam boss, baka nagtago." Sagot ni panget 2. Para silang mga isda na nagngungusuan habang naguusap haha.

"Pesteng kuto yan, titirisin ko yan eh, lagot tayo kay pinuno pag di natin siya mahuli ng buhay" sabay kamot ni panget 1 sa kanyang buhok with matching laglag dandruff pa sa itim na jacket.

"Boss, yung sintas ng sapatos nyo." Turo ni panget 2 sa paanan ni panget 1.

Pakshet wag kang yuyuko. Habang papayuko si panget 1 halos mabahing ako sa baho ng pinagtataguan ko pero pinipigalan ko. At ng matapos na nyang sintasin ang sapatos nya, shet na bahing kumawala sa bibig ko.

"Hatcho!" Sa pagmumukha ni panget1 kaya talsik laway ko sa kanya. Yuckness! Buti nga! Hahaha

"Put*ng ina ka anjan ka lang pala!"

Lagot kang bata ka! Huli boy na naman ako huhuhu. Hinawakan nya lang naman ang tenga ko at hinila palabas sa pinagtataguan ko.

"Pinagod mo kaming kutong lupa ka! Tatakbo ka pa ha!" sigaw ni panget 1 sa tenga ko. Gawd, my ears!

"Eh malay ko bang madali kayong mapagod? Palibhasa ang tatanda nyo na nirarayuma na kayo!" Patapang effect ko pero deep inside takot na takot na me. Oh, juice colored! Is this the end of my kasexiness?!

"Abat sumasagaot ka pa?!" At pinitik nya lang naman ako sa noo.

"Aray!" Abat g*gong to, di pa nakuntento sa tenga ko. Tumangkad lang ako, pektus ka saking panget ka!

"Boss! Dalhin na natin yan ke pinuno."

"Mabuti pa nga tawagan mo ang iba at pasundo ka dito..."

Habang naguusap ang dalawa,nakaisip na namn ako ng bright idea at parang may light bulb na umilaw sa ulo ko. Ting! Inapakan ko ang paa ni panget ,dodge, then suntok sa betlog nya!

"aray pota!"

Hahaha, wagi na naman ang lola mo! Takbo more.

"tinitingin mo jan? habulin mo!! Ahhhh!"

Haha, one down, one to go. Buti na lang yung mabagal tumakbo ang naiwan. Lumiko ako pakanan at bright idea mode ulit, inakyat ko ang pagkataas taas na bakod ng Corinthian gardens. Bahala na si Lord! Sabay talon ko sa kabilang bakod, yes, wagi na naman ang ganda ko!

Paano ako nakaakyat? Yon ang di ko alam, dala na rin siguro ng adrenalin rush ko.

Ke taas neto oh, bakod ba naman ng Corinthian gardens tinalo ko eh.

Pag-angat ko ng ulo nakakita ako ng mansion. Wow!! Open wide na naman ang bunganga ko.

Ang laki ng bahay at puro salamin, hindi ba sila natatakot na isang hampas lang dito eh basag na to? Kung sabagay, malamang bulletproof to. Bukas ang isang bintana kaya naman ramdam ko na air conditioned ang buong bahay. Ano nga pala tawag pag ganun? Ah basta malamig eh kaya dumikit ako sa bintana.

Ang lamig brrrrrr, sarap tumambay dito haha. Paglingon ko, isang lalaking nakatopless ang nakita ko. Tangina, ganda ng abs at biceps nya. Ika nga ni Coco martin "Yummy". Natulaley ang mata ko sa kanya,sabay lingon ng prinsipe ko na parang napa-slomo, akala mo gumagawa ng music video sa kanta ni Yeng Constantino.

"Fuck! Who are you?! What are you doing here?!"

Money.Fame.and FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon