Chapter 4: The Singing Enchantress

288 12 4
                                    

***Telya and Mr. X on the side.. Abangan ang role ni Axel sa mga susunod na chappie (evil grin)***

Telya's POV

230 sheeps, 231 sheeps, 232 sheeps.. Hay bwiset kanina pa ako nagbibilang ng tupa rito kulang na lang pati buhok ko bilangin ko sa tagal ni Nitoy. Anong petsa na!

"Nyaw! Nyaw!"

Okey, mukhang alam ko na kung kanino yon. Paglingon ko nakita ko si Nitoy na may hawak na sangay ng dahon at may halaman sa ulo kala mo si Francisco Balagtas na mananalumpati mamaya.

"Hitsura mo, Nitoy?"

"Disguise to! Mahirap na baka makita ako ng mga humahabol sayo."

"Tanga! di ka naman nila kilala eh! Ako lang may utang sa kanila!" Sabay batok ko, minsan kairita rin ang katangahan nitong kababata ko eh. weirdo lang ba talaga or nagoOA lang.

"Oh, ano na, malalabas mo ba ako rito?!"

Bigla raw ba akong talikuran ng gunggong. Naglakad siya pabalik sa damuhan at sabay hawi sa mga ito. "Tsanan!!" sigaw ni Nitoy. At may sound effects pa talaga isip bata.

"Ano yan?!"

"Kariton malamang! Tanga ka ba or bulag?!" binatukan ko ulit. Panlakihan daw ba ako ng mata at sigawan nagtalsikan tuloy ang laway sa pagmumukha ko.

"Ang sakit nun ah! Kanina ka pa batok ng batok sa kin! Namumuro ka na!" dutdot niya sa akin habang hinihimas ang parteng binatukan ko. ang pilosopo kasi.

"Tangina, Nitoy, alam kong kariton yan ang ibig ko sabihin ano gawin natin jan!"

"Sasakyan mo malamang! Alangan namang titigan lang natin to hanggang sa gumalaw siya magisa." Taba talaga ng utak nito, paano ko ba natiis to bilang kaibigan.

"Ang baho baho nyan pasasakayin mo ako dyan! no way highway!"

"Choosy mo ah! eh hindi ka pa nga naliligo simula kahapon, bango mo ah. hiyang hiya naman kasi ako sa perfume mo, ano brand name 'Anghit' ? hahahah. Saka eto na lang naisip ko para umabot ka sa singing contest noh."

Shet oo nga pala nawala sa isip ko na may singing contest akong sasalihan.

"Sige na sige na! sasakay na ako!"

Tumakbo ako papunta sa kariton at tiniis ang amoy nun. Sinimulan ng magtulak si Nitoy hanggang sa nalampasan na nga namin ang mga goons. Hay salamat Panginoon ko! Saved again, lagi ko pa rin talaga maaasahan tong si bespren ko.

Ang pamilya na kasi ni Nitoy ang tumingin sa akin mula noong namatay ang mga magulang ko, nahihiya kasi ako humingi ng tulong sa mga mayayaman kong classmates dati dahil mahirap na ako.

Taong kalye rin ang pamilya nila at sa ilalim ng flyover sa Ortigas sila nakatira pero hindi sila yung ordinaryong pulubi ha, malinis sila sa katawan at laging naliligo, palibhasa hindi sila namamalimos.

Konduktor ang tatay ni Nitoy, samantalang fishball vendor ang nanay niya. Magisa lang siyang anak kaya wala siyang ibang kapatid. Ginagawa ni Nitoy? Pota, isang malaking tambay! haha joke lang, kabuhayan niya ang dota. Madalas siyang nananalo sa mga pustahan kung saan saang lugar kaya naman nakakatulong din siya sa kanila.

Ngayon, kasama ko na rin silang natutulog sa puntod ng magulang ko. nagatataka siguro kayo bakit dun, may sariling gate kasi ang libingan nila saka malaki, mga kamag-anak ko nagbayad para kahit man lanv daw doon sa pagpapalibing makatulong sila.

"Hay sa wakas nakarating din tayo, oh dali malapit na magumpisa yung contest labas ka na dyan,Telya."

Binuksan ko ang kariton at nakahinga rin ako ng fresh air...hmmm.. bango ng hangin. "Ang baho ko Nitoy, nakakahiya hitsura ko."

"Nuh ka ba, hindi naman presentation at amoy mo titignan dito kundi boses. ano ka pagkain?"

Kung sabagay may punto si Nitoy, nagumpisa ng kumanta ang mga kalahok at after 3 contestants ako na ang kumanta. Kinanta ko ang power of two. (Singing Telya on the side) At nakita kong napanganga ko na naman ang mga judges sa angelic kong voice bwahahah.

Pagkanta lang kasi ang seryosong nangyayari sa buhay ko, lahat puro kapalpakan at kagaguhan mula nung namatay parents ko. Buti na lang talaga andyan sila Nitoy sa tabi ko.

Matapos naming kumanta lahat, iaannounce na ang nanalo. "And the winner is, Mariesteller Racal!" tangina bilis sabihin wala man lang drum roll? Gulat ako run ah, hahah.

Pagkababa ko ng entablado, sinalubong ako ni Nitoy.

"Nice bespren! Magkano price?"

"Mukhang pera ka talaga. P5k! woohoo! Tara, 8cuts? Hintayin natin sila Papang at Inang." Oh, di ba, kami na ang pulubing sosyal! haha, wag na kayo magtaka kung bakit alam ko ang mga lugar na yan, mayaman kami dati remember?

Naghigh five na lang kame ng bespren ko at tinext sila Papang na sa megamall na lang kami magkita. Nagbihis na rin ako ng medyo presentable pati na rin si Nitoy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Money.Fame.and FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon