XAVIER'S POV:
Mahal ko pala talaga. Kaso mas pinili kong saktan siya kasi akala ko sasaya ako. I want her back. Pero paano? Wala na syang tiwala sakin.
I'm talking about about my ex, Starranza. I still love her. And I really do. I'm so stupid kasi sinaktan ko yung babaeng mahal ko. Tama sila. Nasa huli ang pagsisisi.
Biglang may nagtext sakin. A message from unregistered number?
+639070505398: STEPS ON HOW TO EARN HER TRUST BACK
1. Mag confess ka - Wala namang masama kung magco-confess ka diba? Tutal may pinagdaanan naman kayo.
2. Ligawan mo sya ulit - Kahit aayawan ka nya, ligawan mo sya ulit. Ipakita mo na nagsisi ka dahil sinayang mo sya.
3. Dapat proud ka sakanya - Show to the world how much you LOVE her. Dapat proud na proud ka sakanya.
4. Wag gumawa ng bagay na ikakasakit nya - Dapat lang. Sinaktan mo na sya. Once is enough, twice is much. Wag kang abuso. Kung mahal mo sya, di mo sya sasaktan. Understand?
5. Wag mo sya hayaang maging malungkot - Kahit magmukha kang katawa-tawa, kahit magmukha kang clown, as long as masaya siya. Wag mo syang hayaang maging malungkot.
6. Wag mo sya paiyakin - Wag mo sya paiyakin. Ilang beses na sya umiyak dahil sayo. So dapat di mo sya papaiyakin. As what I've said, dapat masaya siya lagi.
7. WAG NA WAG MO SYANG PAGSELOSIN - Wag kang makipag-usap sa ibang babae except sa mama, yaya, or relatives mo. Alam mo naman ang mga babae. Kahit konting rason nasasaktan sila. Kaya as much as possible dapat masaya sila lagi.
And the important rule is,
WAG KA MA-INLOVE SA IBA
Once you break one of these rules,
AAGAWIN KO SYA SAYO.
THAT'S ALL
PS: 09********* NUMBER NYA YAN.
Tae ano to?! Tsaka bat nakuha nya number ko?! Tsaka ano raw?! Number to ni starr?! Pag ako niloloko neto hahanapin ko to!
Dialing 09*********
After ng 3 rings sumagot naman sya.
(“Hello? Sino po to?”)
Nabigla ako. Binaba ko kaagad yung tawag. S-si Starr nga!!
Kung sino ka mang lalaki kang nag text sakin, hulog ka ng langit! Ayos! Mababalik ko na tiwala nya! Swerte mo, Xavier Nicholas Perez! ^___^
STARR'S POV:
Sinagot ko yung tawag. “Hello? Sino po to?” sabi ko.
Bigla akong binabaan. Letse. Pinagtitripan na naman ako -___-
Pumasok na ako sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko pa lang humiga kaagad ako. Hays matutulog na ako. First day ko pa naman bukas. Grade 12 student. Biglang may kumatok.
“Sino yan?” sigaw ko.
“Starr? Matutulog ka na ba? Kain ka muna” sabi ni mama.
“Hindi ako gutom ma. Inaantok na ako. Goodnight po” sabi ko.
“Osige basta pag nagugutom ka, baba ka na ah?” sabi ni mama
“Opo mama.” yun lang last nasabi ko kasi naramdaman kong papalayo na si mama.
Haaaaay. What a tiring day. First day ko na bukas. Sana hindi ako tamaan ng malas -___-
At unti unting bumigat ang talukap sa aking mga mata.
YOU ARE READING
Like WE used to: Steps on how to earn her trust back
RomanceThey weren't happy like they used to. Papano sila sasaya kung wala ng sila? Xavier is a jerk who played with Starr's heart and crushed it into pieces. And now, he realized that he love Starr. He regretted on what he did. He wants Starr back into his...