Panimula

3.6K 53 0
                                    

Sa pagpapatuloy ng ikalawang libro ng buhay at pakikibaka ng mahal nating si Lala. Kung saan isa na siyang ganap na Reyna at isang lider ng mundo na siya niyang tunay na pinagmulan. Kasama sa kanyang tungkulin ang pagprotekta at pangangalaga ng iba't-ibang nilalang.

Sa batang edad ay bigla siyang naging ina ng isang mundo. Nangangapa man ay hindi naman siya pinabayaan ng kanyang ama. Ginabayan siya nito at sa tulong ni rin nina Raven at ng kanyang Tatay Eros.

Sa mabilis na paglipas ng mga taon ay mabilis rin ang pagdating ng inaabangan ng lahat na paligsahan.

Napakaraming problemang dumating at ang isa sa pinakamalaking problemang ito'y ang pagbabalik na isa ring Celestial sa kanilang mundo upang maghiganti sa mga kauri niya. Kasabay nito ang biglaang paglitaw ng isang uri ng mga nilalang na naninirahan sa tubig na libong taon na ring pinaniniwalang naglaho at naubos.

Ano kaya ang hatid ng mga ito? Ano kaya ang dahilan ng muli nilang paglitaw? Bakit halos sabay ang kani-kanilang pagdating?

Celestial QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon