1 - First Day

22 0 0
                                    

"Hi, I'm Lia, 19, from Laguna."

First day ko ngayon sa in-apply-an kong Accounting Firm sa Makati. Pinakilala ako ng HR sa mga magiging team mates ko daw sa trabaho ko.

"Lia, meet Lexi, Drew, Mia, Angel and Ms. Karen, your team supervisor. Guys, this is Liann Dy, your new staff."

"Hello po!"

Kabado akong naghello sa kanila dahil first time kong mag isa, walang kilala. Nasanay ako na laging may kasama at kakilala, siyempre nung nag aaral pa lamang ako'y lagi kaming magkakasama ng mga kaibigan ko halos araw araw. Nagkanya kanya kami ng apply dahil may iba ibang gusto ang mga kaibigan ko. Si Marian, gusto niyang mag aral ulit ng HRM, si Mae naman sa isang malaking pribadong kumpanya kung saan nagtatrabaho ang ate niya at si Joy na inasikaso ang family business nila.

"Hello, Lia, welcome to the team!" Ani ni Ms. Karen " Maupo ka muna diyan sa bakanteng upuan Lia at may ipapagawa ako sayo."

Naupo ako sa pinakadulong bahagi ng lamesa na may malawak na espasyo at may computer. May pinasagot sa akin na si Ms. Karen na parang exam na related sa magiging trabaho ko.

"Sagutan mo muna to Lia habang wala ka pang ginagawa para mafamiliarize ka sa mga iyan."

Pagkatanghali, natapos ko naman ang pinasasagutan niya at sabay sabay kaming kumain.

"Nako, Ms. Karen, siguro dapat tayong kumain sa labas mamayang gabi bilang pa welcome dito kay Lia!" Si Ms. Angel

"Pera mo?" Si Ms. Karen

"Wag na lang pala Ma'am" ani ni Ms. Angel

"Yan ganyan eh."

At sabay sabay silang naghalakhakan

"Sige, sagot na ni Drew" ani ni Ms. Karen

Lahat sila ay naghiyawan pero walang reaksiyon lang si Sir Drew na sumang ayon.

Drew, may pagkamisteryoso at parang hindi nagsasalita. Sa buong pagkain namin, halos hindi ko naman siya naramdaman kasi wala siyang response sa mga biruan nila. Kahit nung nagbalik na kami sa office, seryoso lang siyang nakatingin sa computer niya at tinatapos ang kung ano mang ginagawa niya. Hanggang sa nag uwian na at nauna na kami samantalang siya ay naiwan pa dun.

Kinabukasan, kinausap ako ni Ms. Karen tungkol sa magiging trabaho ko.

"Lia, sana mag enjoy ka dito at marami kang matutunan. As for your work, I will assign you as a staff for Drew. He was recently promoted as Senior Accountant and you will be his staff. Medyo may pagka strict yan si Drew kaya magpakabait ka."

Maya maya pa'y pinatawag ni Ms. Karen si Sir Drew para sumama sa pag uusap namin.

"Drew, Lia will be your staff. You will let her handle the Cuervo accounts. Teach her how what to do and make her familiarize. You can all go na."

Kabado ako pagkalabas namin ng conference dahil, oh no! Si Sir Drew ang magiging Senior ko tapos natatakot pa ako sa kanya!

Hindi ko nalang masayadong pinahalata na natetense ako sa kanya lalo na nung tumabi siya sa akin para turuan ako. Maya maya'y iniwan niya na ako para ako naman ang gumawa sa pinapagawa niya.

"Nako Lia, good luck talaga sayo ah!" Si Ms. Lexi "suplado talaga yang si Drew eh pero alam mo ba mamaw yan! Iniiwan nila Ma'am sa mga meeting kasi sobrang galing."

"Talaga po?"

"Oo, pero mabait naman yan. Di lang talaga masyadong nagsasalita"

Lalo na akong natense after namin magkausap ni Ms. Lexi. Hindi ko alam kung makakapagtrabaho ba ako ng maayos pero sana malagpasan ko ito.

Pagdating ng alas singko, halos hindi ko pa tapos yung pinapagawa niya sa akin dahil sobrang daming resibo ang pina encode niya, lumapit siya.

"Tapos mo na ba?" Si Sir Drew

"Nako Sir, hindi pa po eh."

Napatingin siya sa monitor at sa mga resibo sabay sabing

"Umuwi ka na, bukas mo na ulit tapusin yan.

"Lia, uwi na!"

"Tara na Lia! Drew, pauwiin mo na yan! Kabago bago pinapahirapan mo eh."

Napabuntong hininga si Sir Drew at tumango bilang senyas na umuwi na ako.

Inayos ko muna ang mga ginamit bago lumabas.

"Ano Lia, kamusta naman?"

"Okay naman po Ms. Mia"

Maraming siyang kinwento habang naglalakad kami patungo sa sakayan.

"Sige na Lia! Ingat ka!"

Sumakay siya sa bus samantalang ako'y naglalakad papunta sa dorm ko. Nagrent ako ng dorm kasi parang hassle kung mauuwian ako sa Laguna. Tuwing Sabado't Linggo nalang siguro ako uuwi.

Pagdating ko'y sa sobrang pagod ko, nakatulog agad ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me, Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon