Naranasan mo na bang magmahal? Yung minahal ka din pabalik? Ako oo. At dahil sa pagmamahal na yun naging masaya ako.Eh yung masaktan naranasan mo din ba? Ako oo. Kasi mabentang mabenta sakin ang masaktan eh. Dumaan ako sa bagay na yan. Sa bagay na nagdulot sakin ng pait at pighati.
Pero paano kung yung taong mahal mo ang nagbigay sayo ng sakit? Anong gagawin mo? Kakayanin mo kayang masaktan o hahayaan mo nalang sya na mawala dahil hindi mo kayang tiisin ang sakit ng meron sya.
Kung ako ang tatanungin mo kung alin sa dalawa ang nagawa ko. Syempre ung isa ang mapakawalan ang taong mahal ko ng lubos. Siguro nagtataka ka kung paano ko sya pinakawalan lalo na at mahal na mahal ko sya.
Kaya sya nawala dahil naniwala ako sa mga bagay na di totoo. At dahil dun sobra kong pinagsisihan lahat. Hindi man lang ako nakabawi sa kanya. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kanya. Nawala sya sakin ng wala akong ginawa. Ngayong nagdudusa ako sa pagkawala nya sakin. Pero ang mas masakit ay ang makita syang nasasaktan hindi dahil nawala ako sa kanya pero dahil nawala ang taong nasa tabi nya nung mga panahong wala ako.
Hanggang kailan kaya ako mag aaabang sa malayo makita lang sya. Hanggang kailan ako magbabantay sa taong nagbago dahil sa sakit na dulot sa kanya ng pagkawala ng isang taong pinahalagahan nya nung nawala ako.
Paano ko kaya masasabi sa kanyang "Ikaw lang talaga maniwala ka."
- -
Hey guys. Here's the sneak peak for Susme Mahal Kita Maniwala Ka Book 2. Hope you'll like it. Thank you.
