*whoosh*
Mabilis kong nahawakan yung kamay niya. Nakita kong may iilang hibla ng buhok ko ang nalaglag sa carpet. Bakit ba tuwing magkikita kami, ganito lagi ang senaryo. Lagi na lang niya akong pinagtatangkaang patayin. Malaki ata ang galit sakin ng mokong na to eh.
"Kahit kelan talaga alerto at mabilis kang kumilos, Res" binitawan ko yung kamay niya at hinarap siya. Pinagmasdan ko lang siya.
"Obvious naman na nagawa mo na yung pinagagawa sayo ni Boss." naglakad siya papunta sa pader at sumandal habang nakapamulsa pa yung dalawang kamay niya. Tss, feeling niya ang cool niya. Bugbugin ko kaya siya.
"Oh, eh anung problema mo ngayon?" naiirita na talaga ako dito bat ba kasi andito to. Lumapit siya ng bahagya sakin.
"Pina-check lang naman sakin ni Boss kung nagawa mo nga yung inutos niya sayo."
"Nakita mo naman na nagawa ko kaya pwede ka nang umalis." sagot ko sa kanya. Atat na talaga akong umalis siya. Bigla naman niya akong hinila at isinandal sa pader. Kung katulad ako ng ibang babae panigurado nasaktan at nagulat ako sa ginawa niya pero walang emosyon ko lang siyang tinignan. Ngumiti siya sakin ng nakakaloko habang unti-unti niyang nilapit yung mukha niya sakin. Ako? Ayun poker face pa rin. Akala niya siguro papatalo ako sa kanya tsk, di naman ako kinikilig o kinakabahan sa ginagawa niya.
"Ano bang nasa isip mo ngayon, Res?" nakatingin pa rin siya sakin
"Gusto mo ba talagang malaman kung anong nasa isip ko ngayon, Eli?" mabilis naman siyang tumango na parang bata. Bigla naman akong napangiti. Nakakatuwa naman ang bilis niya lang ma-uto. He suddenly let his guard down. Nilapit ko lalo yung mukha ko sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan niya lang ako. Tiningnan ko yung labi niya at napatingin din siya sa tinitingnan ko. Tinitigan ko siya sa mata at saka ako ngumiti, yung ngiting pamatay! A smile that no one can resist. Nakita kong napalunok siya. Nilapit ko na yung mukha ko sa kanya na parang konting galaw na lang mahahalikan ko na siya. Pinigil ko yung tawa ko dahil di ko in-expect na ganun yung gagawin ni Eli. Ramdam ko yung pagka-tense ng buong katawan niya kaya siguro napapikit siya. Teka, bakit parang may mali? Dapat ako yung ma-tense at pumikit. Ako kaya yung babae dito!
"Iniisip ko lang naman kung saan kita mas mabilis na mapapatay" bulong ko sa kanya. Naglakad na ako palayo at naupo sa kama. Nakakatawa naisahan ko siya dun ah. Siguro dahil napahiya siya kaya namumula siya nung tiningnan ko siya bago ako umalis sa harapan niya. Asa naman kasi siyang hahalikan ko siya. Humarap siya sakin at mukhang nainis nga sa ginawa ko.
"Ibang klase ka talaga, Res kaya na-iinlove ako sayo lalo eh" binulsa niya ulit yung kamay niya at humakbang sa may bintana. Inirapan ko lang siya.
"Sige na nga aalis na ako. Bye babe!" kumindat pa sakin ang mokong saka tuluyang lumabas sa may bintana. Tss, akala naman niya ikinagwapo na niya yun! Sus, pakindat kindat pang nalalaman.
BINABASA MO ANG
A DEADLY COMEBACK
Teen FictionHave you ever been hurt, emotionally? physically? Have you ever lose something precious? Well, if yes, what are you planning to do with it? Move on and just let it passed? What if the reason you suddenly lose everything is because of the actions of...