Ang genre ng story na to ay Mystery, Historical, Action, Drama, Romance, Comedy. Halo halong emosyon ang naramdaman ko dito. At kung maaari pag nababasa ka nito ay lumayo ka sa mga kasama mo dahil baka masabunutan mo sila sa sobrang kilig.
Bukod tangi sakin ang ganitong storya. As what I've said in the last chapter. Hindi ako fan ng History kaya nga ang galing talaga ng author ng ILYS1892 dahil marami siyang pinarealize na bagay sakin.
Sobrang enjoyable ang story na to hindi mo mamamalayang ang tagal mo na palang binabasa ito.
Para ka ding susuntukin nito sa mukha dahil sa dami ng realizations at lessons na makukuha mo dito. Nang dahil sa ILYS1892 natutunan kong pahalagahan ang mga bayani. Nang dahil sa ILYS1892 nagkaron ako ng interes sa mga makalumang bagay. Nang dahil sa ILYS1892 mas narealize kong maswerte tayo sa panahong ito dahil hindi natin naranasan yung mga naranasan ng mga tao noon.
Sobrang lakas ng impact nito sakin ito lang yung wattpad book na nagkaron ako ng urge mag ipon ng todo para makabili ng ILYS1892 hardbound.