Chapter 1

11 3 4
                                    

Chapter 1
Crush

Crystal's Point of View

Mainit na nga ang panahon, wala pang kahangin hangin jusko! Tapos andito pa kami sa gym, lahat ng mga magtatapos. Bongga diba? Kasisimula pa lang ng storya ko pero patapos na agad klase. Syempre ganun dapat! Ayaw ko at ayaw ni author ko yung paligoyligoy sa mga pangyayari.

Napakacommon naman na kasi ng mga bad boy na nagiging good boy nang dahil lang sa isang babae na kesyo seryoso nilang minamahal. Wag ako bes! O' 'di kaya yung mga di pansinin na babae sa umpisa kasi panget o mataba tapos biglang gaganda at sesexy kaya magugustuhan ng lahat ng lalake sa school nila. Laos na yan bessy! Pero aaminin ko, maganda naman din storya nila pero mas maganda ako!

"Ano ba yan Crys? Gandang ganda ka nanaman ba sa sarili mo? Kanina ka pa kaya nakatitig sa mukha dyan sa salamin!"

"Pakelam mo ba Kass? Dun ka na nga!" Pagmamataray ko sa kaibigan ko.

Ako nga pala si Crystal Joy Reyes. Mahilig ako sa mga gwapo at hindi ko kinakahiya yun sa kahit na sino. Kilalang walanghiya ako sa school namin, pumapatol ako sa mga lalake at pasiga siga na babae. Hindi uso sakin yung mabait sa mabait like, ano ako? Plastik? No no no! Mas gusto kong maging maldita kaysa maging plastik. Tanggap naman ako ng mga kaibigan ko at gusto nila yun sa ugali ko. Kung ayaw mo sa ugali ko, mas lalong ayaw ko sayo 'tse!

Kapag may problema ka syempre andito lang ako para pagtawanan ka, chos! Tutulungan kita pero sa oras na binalewala mo tulong o mga sinabi ko sayo, buhbye! Ekis ka na sakin, 'di mo na ako malalapitan.

Yung kaninang umeepal sa kagandahan ko, kaibigan ko yun. Siya si Maria Kassandra Tan. Campus crush 'yong babaitang 'yon. Ewan ko ba sa mga lalake bakit gusto palagi magaganda at sexy

[A/N: Kala mo siyaaa hindi mahilig sa gwapo!],

kaysa sa mga babae na hindi man ganun kaganda eh may maibubuga naman tsaka maganda pa ugali at hindi plastikada 'tse! Hindi ko sinisiraan kaibigan ko fyi. Kahit na ganun siya, sakin lang yan nagpapakita ng tunay niyang ugali at okay lang sakin yun. Alam niyo rin naman siguro gaano katoxic na ang mga tao sa planetang earth!

Hindi ko na nga pala uli nakita si Jaizen pagkatapos niya agawin ang atensyon ko at pagtapos niyang sumayaw. Naiintriga ako dai! Gusto ko siya makilala pa, makasama at makausap.

Syempre given na yung maging akin siya, madali ko lang naman makukuha si Jaizen.

Hindi ko pa nga pala nababanggit, kahit pa ganito ako KAGANDA... No Boyfriend Since Birth ako at mukhang si Jaizen ang magiging kauna-unahan kong boyfriend.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at nagsimulang magselfieee!

*pose*

*click*

*smile*

*click*

*labas dila pose*

*cli—

"Whaaaaa!!"

Hindi ko mapigilang mapatili nang mapansin kong may isang lalakeng nakisali sa pagpipicture picture ko!!

Mabilis kong nilingon ang direksyon kung nasaan siya base sa pagkakakuha ng camera ko pero wala na siya dun.

Jaizen...

"Oh, tubig." Tinignan ko lang ang baso ng tubig na inaalok sakin ni Kass. Kanina pa ba siya andito o ngayon lang?

"Kassandraaaa!! Nakita mo ba si Jaizen?" Tanong ko sakanya. Pinagtawanan lang ako ng demonyitang to.

"HAHAHAHA!! Tinamaan ka na yata C-r-y-s-t-a-l ah? Hahaha!" Inirapan ko lang siya kaya natigil siya sa pagtawa niya pero halata mong nagpipigil lang siya. Ano ba problema nito? Masama na ba maghanap ng tao ngayon? Jusko earth ano na nangyayare sa mga tao?

"Fuck you hard! Bahala ka na nga dyan!" Itinaas ko ang gitnang daliri ko sa pagmumukha niya para matauhan tsaka ko siya iniwanan. Dumiretso ako palabas ng gym.

Kapagod tumakbo!! Bwisit naman kasi yung Kassandra na yun! Tignan niya lang, gagantihan ko rin siya 'kala niya ha. Hmp!

Galit na galit ata araw sakin ah?! Gusto na yata ako letchonin ng araw sa init niya grabe!! Ako lang dapat ang HOT dito noh!!

"Hello po, miss beautiful."

"Ay tae ng kalabaw!" Shemay naman! Si Jaizen pala to!

"Hahaha mukha na ba akong tae ng kalabaw ngayon?" Tanong niya sakin habang pinipisil ang pisngi niya. Isa pa naman to? Gwapong gwapo rin sa sarili?! Pero okay lang, gwapo naman talaga siya hihi enebe!

"Ay hinde mukha kang tingting dahil sa kapayatan mo. Gwapo nga wala namang abs sus!" Kunware nandidiri ako sakanya kahit gusto ko ng maglaway at pagpantasyahan kagwapuhan niya. Kala mo ah!

Nilapitan niya ako ng nilapitan at hindi naman ako umatras. Bakit ba? Aatras pa ba ako kung yung grasya naman na ang kusang lumalapit sakin? Oo! Isang malaking grasya itong gwapong nilalang na to!

Inilapit niya ang mukha niya sakin sabay sabing, "Baka gusto mong sayawan kita dyan ng nakahubad sa kwarto mo?" Alam ko napakadali pakiligin ng isang katulad ko pero sobra sobra naman to! Ramdam na ramdam ko ang init na dumaloy sa buong katawan ko paakyat sa mukha ko. Pagkatapos niya sabihin yun ay nginisian niya ako tsaka siya tumalikod at nagsimulang maglakad palayo sakin.

Naiwan ako dito mag-isang nakatulala sa kawalan.

"WHAAAAA ANONG PINAGSASASABI NG LALAKENG YON?!!" Malakas na sigaw ko habang nagpapapadyak at hawak ang mukha ko gamit ang magkabila kong kamay.

"Hoyy Crystal!! Nasisiraan ka nanaman ba ng ulo d'yan?!" Nilapitan ako ni Kass tsaka niya tinanggal ang mga kamay ko sa mukha ko. "Abaaa bakit naman namumula pagmumukha mo?" Tanong niya sakin.

"Kass! Pumunta ka bukas sa bahay, may pagpaplanuhan tayo!" Nauna na akong maglakad pabalik sa gym at ramdam ko namang sinundan ako ni Kass.

"'Di man lang sinagot tanong ko letse! At bakit nanaman ba dai? Busy ako!"

Hinarap ko siya at sinabing, "Pakelam ko kung busy ka? Pag di ka sumipot sa bahay bukas, who u ka na saken!" Singhal ko sakanya tsaka ko uli siya iniwan mag-isa.

"TAWAGAN MO NALANG AKO CRYS, PUPUNTA AGAD AKO!!" Kahit pa nasa malayo ako rinig na rinig ko parin ang sigaw niya. Jusko! Sakin lang yan ganyan, kapag ibang tao kausap nyan, akala mo kung sinong napakahinhin, ni hindi nga magawang sumigaw kapag hindi ako kasama niya.

Kinuyom ko ang mga palad ko dahil sa nararamdaman kong mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba to sa pagod o epekto ng kagwapuhan ni Jaizen.

Peroooo!!

Jaizeeeeen!! Maghintay ka lang talaga!! Gaganti ako sayo, sisiguruhin kong ikaw ang mauunang magkagusto sakin!!!

***

Neko: Hello po ^^ pagpasensyahan niyo na muna kung maikli at ngayon lang ako nakapagupdate, busy kasi ako sa ibang bagay. Subukan ko magupdate uli bukas o sa susunod. Gawin ko lang 2-3 chapters update ko per week, pero kapag may libreng oras, araw araw ako mag update ^^

Support please, thanks!

Vote and Comment!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon