IV

2K 105 51
                                    

"Na-miss lang kita!"

"Miss mo mukha mo!"

"Ang sungit talaga neto. Nga pala. Nasaan ka?"

"Nasa Lawton."

"Talaga? Punta ka dito sa SM Manila. Nasa SB ako. Antayin kita ah! Babay!"

Di man lang ako pinasagot? Kakagaling ko lang ng SM tapos pababalikin na naman ulit ako doon? Kapagod ah!

Pero sabi niya hihintayin daw niya ako.

Eh di mamuti mata niya kakahintay!

Kawawa naman.

Aagghhrr! Nakakainis ka Clinton! Pahirap ka sa buhay!

Napilitan akong bumalik ng SM. Pagkadating ko ng SB, nakita ko agad siya. Paanong hindi eh pagpasok ko palang ng pinto tumayo na agad siya at kumaway sakin. Lakas-lakas pa ng boses sa pagtawag ng pangalan ko. Kakahiya kaya sa mga tao.

"Ba't ka nga pala nandito?" tanong niya.

"Uhmm..." lokohin ko kaya to? "Naipag date!"

Biglang dumilim ang mukha niya. "Kanino?"

"Secret!"

"Secret, bahala ka sa buhay mo!"

Nagalit?

"Joke lang! 'to naman galit kaagad."

"Siyempre! Chan-Chan concern lang naman ako sayo. Nakikipag date ka eh paano kung sasaktan ka na naman? Iiwan? Iiyak ka? Magpapakalunod sa kalungkutan? Paano balat-kayo lang pala ang pakikitungo ng ka-date mo? Paano kung may masamang balak pala sayo? Mahirap nang magtiwala sa kung sino-sino sa mundo ngayon," mahabang litanya niya.

"Ewan ko sa'yo. Dami mong alam."

"Tara gala muna tayo!" aya niya matapos ang isang matamlay ng buntonghininga.

"Ayoko. Pagod ako."

"To naman. Minsan lang ako magyaya eh. Minsan lang tayo magkita ganiyan ka pa."

"Eh pagod nga ako diba? Kanina pa kaya ako palakad lakad. Sakit na ng mga paa ko."

"Edi buhatin nalang kita."

"Buhatin ka diyan? Mukha mo!"

"Seryoso ako! Bubuhatin talaga kita. Tara na kasi."

Grrrr. Kakaasar! Wala bang konsensya tong taong to?

May konsensya yan. Ikaw lang ang wala. Tama kaya siya. Minsan lang kayo magkita tapos ginaganyan mo pa? Siguro hindi talaga kaibigan ang tingin mo sa kaniya.

A Man's Life [Season Two]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon