Hi guys so 3rd Chapter na tohh🤣baka kasi matatagalan ang Chapter 4 dahil magiging busy ako next week dahil sa school🤣Enjoy.
WEEKEND ngayon at heto ako nakahilata lang.
"Ano kaya ang puwede kong gawin?" tanong ko sa sarili ko na parang tanga🤣.
Tapos na ako sa assignments ko nalinis ko na rin ang kwarto ko kung maglilinis ako ng bahay useless rin pang kasi nalinis na ni mama.
Incoming call~
Habang nagiisip ng magagawa bigla nalang tumunog ang cellphone ko. Unknown number? Sino kaya tohh?
"Hello?" sagot ko sa kabilang linya.
"Buti at sinagot mo ang tagal nga lang" anang boses sa kabilang linya.
Wait? Pamilyar yung boses.
"Sino po sila?" tanong ko.
"Isang araw mo lang akong hindi nakita hindi mo na ako kilala?" sagot niya.
No! Siya nanaman! Si Dash nanaman! Ugh! Ayaw ko na!
"I-ikaw n-nanaman?!" uutal na tanong ko.
"Yep its me again. Miss me?" mahanging tanong niya.
Aba't ang kapal ng mukha ng gago!
"For your information Mr. DelaVega hindi kita miss at hinding hindi mangyayari yun!" sagot ko sakanya.
"Chill Ms. President tumawag ako para dun sa kundisyon na gusto ko" sagot niya.
Natigilan siya ng maalala yun. Ohh no!
"B-bakit yun?" tanong ko.
"It will start on Monday see yah Ms. President" sagot niya at nawala na sa kabilang linya.
Sa Lunes? God ano ba tong pinasok ko?
HAPON na at nasa kwarto parin si Acey ng tawagin siya ng Mama niya.
"Acey anak tulungan mo nga ako sa labas may mga bisita ang Kuya Ace mo eh" sabi ni Mama.
"Ganun po ba Ma sige mo wala rin naman akong ginagawa." sagot ko.
Nauna nang bumaba si Mama samantalang ako naman ay tinignan ang sarili sa salamin kung presintable ba ang suot ko. Baka kasi andiyan si Kuya Christian sa baba🤣.
Bumaba ako at hindi lumingon sa mga bisita ni mama. Nang makarating sa kusina kinuha ko ang meryenda nila kuya. Maja Blanca si Mama ang gumawa kaya siguradong masarap. Lumabas ako at inilapag ang pagkain sa lamesa. Pero natigilan ako ng may kumausap sakin.
"Hi Ms. President" sabi ng isa sa mga lalaki sa salas.
S-siya nanaman?!
"I-ikaw nanaman" tanong ko.
"Yep ako nanaman. Miss mo na ako ngayon? "ulit niya sa tanong niya kanina.
Ang lalaking tohhh sa harap pa talaga nila Kuya! Ang kapal ng mukha niya!
" Ano bang pinagsasabi mo?! Excuse me lang ha? Hindi kita miss dahil wala akong nakikitang kamiss-miss sayo!" sagot ko ng dahil sa inis.
Sabay-sabay namang inasar ng mga kasama niya si Dash syempre kasama na ang tukmol kong kuya.
"May gusto ka ba sa kapatid ko Dash?" tanong ni Kuya Ace na pinipigil ang tawa.
"Wala kang pag-asa kay Acey ang gusto niyan MATINO bro" sabi naman nung isa siya si Alexander Reyes pareho kami ng Grade pero iba ang section.
"In your case hindi magkakagusto ang isang Acey Mendelyn Montefalco sayo" sabi naman ng isa pang lalaki. Siya si Lexter Niturada magkaklase sila ni Alexander.
"Bakit? Matino naman ako Matalino pa" pagbubuhat naman ni Dash sa sarili.
"Excuse me? Iba ata ang pagkakaintindi mo sa MATINO well I will tell it to you para sakin ang matino ay MABAIT, WALANG KATARANTADUHAN, HINDI MAHANGIN, MATALINO." sagot ko.
"Bakit mabait naman ako at matalino pa" sagot niya.
"Ehh sa may katarantaduhan ka naman at mahangin pa ." sagot ko.
"Ok lang gwapo naman ako" pagbubuhat nanaman sa sarilu niya. Umalis na ako sa harap ng mga kutong lupa na yon.
Dumeretso nalang ako sa kwarto at nag-advance reading para sa susunod na lesson sa lunes.
NANG makaalis ni Acey sa salas hindi na nakita pa ni Dash ang dalaga.
Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko kapag malapit siya pero kapag wala siya sa harap ko normal lang ang puso ko.
Ano bang nangyayari sakin?
Bumuntong hininga nalang ako.
"Naku Dash huwag ka nang umasa sa kapatid ko ehh mas gugustuhin pa yatang pagpakasal sa libro kaysa sa lalaki ehh" sabi ni Kuya Ace.
"Bakit ka ba nagkagusto kay Acey" tanong naman ni Alexander sakin.
"Hindi ko nga siya gusto!" sagot ko kay Alexander.
"HAHAHAHA endenial king ang Gago ohh Lexter " sabi ni Alexander.
"Alex kapag hindi ka tumigil ibabato ko itong baso sa harap ko" sabi ni Lexter.
"Oo na tatahimik na" sabi ni Alexander sabay taas ng dalawang kamay na para bang sumusuko.
Lumipas ang oras at oras na para umuwi.
"Hoyyy Dash huwag mo nang hanapin si Acey hindi na un lalabas" sabi ni Alexander.
Hindi nalang ako umimik. At umuwi sa bahay.
LUNES NA at ito ang araw na maguumpisa ang kasunduan namin ni Dash.
Kinakabahan ako. No! Acey ginusto mo tohh face the consequences.
Nangmakarating ako sa classroom dating gawi uupo sa upuan ko magsasaksak ng earphones at magbabasa.
Marami na rin kami sa room at andito na si Irene pero wala pa si Joanna. Sanay na kami sakanya lagi soyang huling pumapasok samin.
"Late nanaman si Joanna" sabi ni Irene na katabi ko lang.
"Lagi naman ehh hindi ka na nasanay" sabu ko naman.
"Ano naman kaya ang ginagawa niya at lagi siyang late" tanong ulit ni Irene.
"Late nagigising kakapanood ng K-DRAMA at mabagal gumalaw" sagot ko naman.
"Hayy naku Joanna ihanda mo na yang tenga mo kasi sisinghalan nanaman kita."pangangausap ni Irene sa sarili.
Hindi n siya nagtanong at itinuon nalang ang sarili sa librong binabasa.Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng libro ng may nag-alis ng isa kong earphones handa na sana akong singhalan siya ng lumitaw ang pagmumukha ni Dash sa harap ko.
"Good Morning Ms. President" bati niya na may ngiti sa labi. "Handa ka na ba? I mean lagi mo na akong kasama so yeah"tanong niya.
" Hindi ko naman siguro tatangapin ang alok mo kung hindi ako handa diba?" sagot ko.
"Good" maikli niyang sabi at bumalik sa upuan niya.
Please heart stop beating so damn fast! Bakit ba kapag malapit siya ang bilis ng tibok ng puso ko!
A/N:So guys tapos na ang 3rd Chapter sana magustuhan niya. Hi mga nagbabasa diyan.
Love lots-BH❤️

YOU ARE READING
Reason to Stay
FanfictionAng kwento na ito ay tungkol kay Acey Mendelyn Montefalco na isang grade 10 junior high school student na makikilala ang transfer student na si Dash Carlos DelaVega. Sa una hindi nila gusto ang isa't isa dahil magkalaban sila pagdating sa academics...