This time ayoko muna magsulat ng romance hehahahe masyado daw kasing pangit yung story na mga nagawa ko na .. haha so yun , as a writer kailangan tanggapin yung negative comments para macorrect yung mga pagkakamali. Sorry again sa mga wrong grammar diyan.. God bless.. hehaha true to life again , Naging Honest ako sa story na ito ! Read it nah.. muuaahhHuggss mainspire sana kayo..
Testimony Of Mine
Helow my name is Aleah Gonzales, My mother is Virgie Gonzales and My Father is Art Gonzales. Simula nung bata ako lumaki akong mabait na bata, magalang, masayahin , masurin at lumaki ako sa pagmamahal ng aking ama at ina.. Masaya nga ako kasi sila yung mga naging magulang ko , Sobrang thankful ako kay Lord kasi Binigyan niya ako ng mga magulang na gaya nila.. Sabi nga nila sakin "maswerte kami sayo anak kasi binigay ka samin ng poong maykapal" haha kung ma swerte sila sakin, mas maswerte ako sa kanila, mahal na mahal ko ang aking mga magulang.. bata pa ko nun at di pa nag aaral si papa ay nagtatrabaho bilang isang gwardya sa isang kompanya ata yun? si mama ganun rin , lady guard siya sa Sm mall, Pinapalaga lang nila ako nun kay Tito mike.. sa tuwing iiwanan nila ko at pupunta na si mama at papa sa trabaho, uupo ako sa gitna ng kalsada , tapos iiyak ako ng iiyak roon hangang mapagod ako, kasi nung bata ako ang nasa isip ko lang maglaro ng maglaro pag inaliw ako ni Tito Ko Mike Aalis rin ako dun sa gitna ng kalsada at makikilaro sa ibang bata .. Nandoon yung time na sobrang saya ko kasi may mga kalaro ako, tapos may tindahan kasi noon yung pinsan ko , doon ako lagi inuutangan ni Tito Mike ng meryenda pero si mama at papa ang nagbabayad Minsan naman pag wala si Tito Mike doon si Tito Marlon yung mag aalaga sakin .. pag uuwi naman si mama sobrang saya koh kasi alam ko na may pasalubong siya .. Isang candy lang daw ng Potchi ay ang saya saya ko na. Pag si papa naman ang dadating sigurado akong may pasalubong rin hehehe isang candy lang ng champi tuwang tuwa na ako sa tuwing kakain na kami sa gabihan ang saya saya namin..Sabi nga ni mama sakin noon napaka tahimik at masayahin ko daw , One time may okasyon sa bahay birthday ata ng katrabaho ng papa ko nun, nakita ko si papa na umiinom ng alak lumapit ako sa kanya tapos sabi ko "paku wag kaw na nom ng lalak kase papatay kaw dyan ag inom kaw" hahahaa ang cute nga daw ng boses ko nung bata ako parang boses ng isang munting anghel.. Pagkatapos ko yun sabihin Di sumunod si papa sa sinabi ko kaya pumunta ako sa gitna ng kalsada uli at sumigaw ako ng "si paku yayaw tgil nonom ng lalak , yayawko papatay siya" tapos iyak ako ng iyak noon kasi ang alam ko lang nung bata ako basta uminom ng alak mamatay na .. pero.. yes !!! Success ako ! Di na uminom nun si papa ko ng alak.. Hahahah bata pa ko kahit abala si mama at papa sa trabaho naiipasyal parin nila ako at nag kakaroon sila sakin ng oras , pumupunta kami sa sinehan para makapanuod , pupunta kami ng restaurant, tapos bibilihan nila ako ng mga pagkain syempre kasama na doon yung favorite kong potchi.. hehe antatag ng samahan namin nila mama at papa.
The best family ever..Salamat Lord..
Pero isang araw..
Nag away si mama at papa
"Bhala ka sa buhay mo lumayas ka sa bahay na ito!!" Sabi ni mama
"Bakit sino ba nagrenta ng pamamahay na toh!?" Sagot ni papa
"Bakit !? Ikaw lang ba ang nagbabayad ng renta!? Ni wala na nga tayong mabayad kakarenta, ilang beses na nga tayo pinalayas sa mga nirerentahan nating mga bahay!! Ama ka sa tahanang ito !? May nagagawa kaba!?"
Sa oras na yun di ako napansin ni mama at papa na nandun ako sa kama nakatalukbong sa isang kumot, ang init sa loob, at dun ko lahat binuhos ang luha ko , ngayon ko lang nalaman na kahet bata pa pala ako noon nakakaramdam na ako ng sakit.
"Alam mo pagod na pagod na ko , anong naiisip mo wala akong nagagawa!? Wala Kong naitutulong !!" Sagot ni papa
"Ewan ko sayo, ansarap mo batuhin"