Chapter 1

78 0 0
                                    

Chapter 1:

"Sorry I don't love you anymore"

"Meg! No! please don't do this"

"I am doing this for my dreams, Theo"

"NOO! HINDI AKO PAPAYAG NA IWANAN MO AKO"

"THEO, GUSTO KONG MABUHAY! LAGI NA LANG AKONG NASASAKAL SAYO!"

"MEG! MABUBUHAY KA KUNG NANDITO AKO"

"NO LIVING WITH YOU IS LIKE A PRISON UNDER THE BRIGHT SUN MASYADONG NAKAKAIRITA"

".......please"

"Let's stop this! All of these! Theo minahal kita, pero hindi na ngayon mas mahal ko ang sarili ko, wag mo akong hahanapin pa"

"MEG PLEASE IM BEGGING YOU GAGAWIN KO ANG LAHAT WAG MO LANG AKONG IWANAN, DI NA AKO DIDIKIT PA SA MGA BABAE PLEASE STAY WITH ME!"

"Please Theo, hayaan mo na ako"

At naglakad na siya palayo

Palayo sa akin

Naalala ko na naman yung mga nangyari, bakit ba kasi may mga taong hindi kayang magmahal ng kagaya ko? Yung kulang sa pagmamahal? Lagi na lang akong naiiwanan magisa, even my parents left me.

"Kuya Theo! Tara na malelate na tayo!"

"Okay Keydi sige na bumaba ka na susunod ako"

"okay! Bilisan mo ahh"

Agad agad naman akong bumangon sa higaan ko at naligo, hanggang ngayon iniisip ko pa rin si Megan. Kamusta na kaya siya? Wala na akong balita sa kanya, she literally cut all her connections with me pati na rin sa tropa. She really wants to be alone huh?, sana naman di niya ako makalimutan. AHAHAHA kaya ka nga niya iniwan di ba? Gusto ka na niyang kalimutan Theo. Kalimutan mo na kasi siya Theo!

"Hays, sobrang hirap. Minahal ko siya at mahal ko pa rin siya"sabi ko sa sarili ko at tumingin sa salamin

Pumayat ako, pero hindi naman sobra. Pumuti din ako dahil hindi na ako lumalabas para magsoccer, naninigarilyo na rin ako wala naman na kasing bumabawal sa akin. Ano pang point ng buhay ko di ba? Si Keydi na lang ang na sa akin at ang tropa ko. Pero mabubuhay naman sila kahit wala ako.

I just shrugged at that thought, hindi mo pwedeng gawin yun. Lumabas na lang ako ng banyo at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay hinanda ko na ang dadalhin ko sa camp trip namin nila Keydi, Mabilis akong bumaba ng hagdanan at Nakita kong nandoon na silang lahat ako na lang pala yung hinihintay

"UYY GISING NA ANG HARI"sigaw ni Silvester

"kuya ang tagal mo ahh"sabi naman ni Keydi

"Tara na guys! Baka gabihin pa tayo"sabi ni Gabbie

"Tara na baby Gabriella"sabi naman ni Laurence at inakbayan si Gabbie na tinignan lang ng masama si Laurence at naglakad palabas

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan silang nakangiti at masaya, sana lagi na lang ganito. Medyo napatagal ang pagkakatulala ko, nabigla naman ako nung may tumawag ng buong pangalan ko.

"Timotheo Darylle Adamms! Ano ba yan nakatulala ka lang diyan tulungan mo akong magbuhat nito uy!"reklamo ni Maya

"Sorry.. tara ako na magbubuhat niyan babae ka pa naman baka mahirapan ka"sabi ko dito at binuhat yung mga dala niyang bagahe

"Uy Theo! Ano okay ka na ba?"tanong nito sa akin habang nakatingin kay Silvester at Laurence na nagsasagutan at sa nakabusangot na si Gabbie

"Matagal na akong okay Maya, masaya na rin ako kasi nandiyan pa kayo"sabi ko dito

"Theo.. nakasulat sa mga mukha mo na hindi ka masaya, okay lang naman maging malungkot"sabi niya habang nakangiti sabay tingin sa akin

"BALIW! Okay na nga talaga ako Maya"sabi ko at nginitian din siya pero mukhang di siya nakumbinsin dun

"hays bahala ka na nga, pero Theo nandito lang kami. Hindi ka naming iiwanan"sabi ni Maya at tumakbo palapit sa dalawang lalaking nag aaway

"MGA KUPAL ITIGIL NIYO YAN AHHH!"sigaw niya habang pinipilit gumitna sa away nila Laurence at Silvester

Normal na sa mga mata at tenga naming ang pag aaway ni Laurence at Silvester, dahil sa tuwing magkikita kita kami lagi na lang silang nag aaway. At si Maya at si Meg lang ang nakakapagpahinto sa kanila.

"Kuya tara na wag mon a silang panuorin at magbuhat na lang tayo ng mga dalahin"reklamo ni Keydi

Sumunod na lang ako at nagbuhat ng mga bagahe at mga pagkain na babaunin namin. Masyadong madaming dala ang mga loko, may nakita pa nga akong sampung tshirts at beach shorts eh dalawang araw lang naman kami dun, maglalayas ba itong mga loko na ito? Parang mga tanga talaga.Ilang minute rin naman at natapos kami magbuhat at maglagay ng gamit sa van nila Gabbie.

"Theo ikaw na muna ang magdrive!"sabay hagis sa akin ni Gabbie ng susi ng van

"Sige ako na nga lang"saagot ko at pumunta na sa driver's seat

"Oh? Nasaan si Gabbie akala ko siya ang taya ngayon?"tanong ni Maya na nakasakay sa shot-gun seat

"Wala ako na lang daw muna, baka puyat?"

"Baka nga"sabi niya at tumango tango

Sa Batangas kami pupunta ngayon,yun ang sabi ni Laurence. Puro kulitan lang ang naganap sa sasakyan pero biglang tumahimik ang lahat ng tinanong ni Keydi kung kamusta na daw ba si Meg

"Hindi ko alam Keydi, she is trying to erase me from her life.. us, lahat tayo nawalan ng balita sa kanya. Baka nasa Pransya na yun o kung saan man niyang bansa gustong pumunta, kasi nga hindi na ako hadlang sa desisyon niya. Malaya na siya sa mga gusto niya"sabi ko habang nakangiti pero masakit isipin na yung taong gusto mong matupad yung pangarap na kasama ka, iniwan ka na lang kasi nagiging hadlang ka.

"Kuya Silvester pengeng tissue naiiyak ata ako"sabi naman ni Gabbie

"Ako din"sunod na nagsalita si Laurence

"Ako ba ang inuutusan mo ha Michel!"bulyaw naman ni Silvester kay Laurence

At nag away away na naman sila

"Alam mo Theo, may sasabihin ako sayo pagdating natin sa villa nila Laurence"halos bulong ang pagkakasabi ni Maya ng pangungusap na iyon. Matapos iyon ay pumikit na ito





A/N:

Video credits to: FunguyPiano

https://www.youtube.com/user/Funguypiano

Sorry for the typos

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to unlove?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon