Miss boyish and Mr malambot

4 0 0
                                    

Diana's POV

{bawal perfectionist dito. Kung gusto mo ng novel na lahat ng sentence grammatically correct, hindi eto para sayo. Wala namang perpek sa mundo hihi. Sa mga magbabasa an nagbabasa thankie mwuah. Read at your oan risk charooot}

"Diana!!!" Isang malaking tili ang narinig ko mula sa sala. Ang layo ng kwarto ko sa sala namin pero dinig na dinig ko pa rin ang matinis na boses ng bestfriend ko.

Napa buntong hininga nalang ako sa sobrang inis. Nagbabasa pa naman ako ng paborito kung libro at nasa climax na ako. My bestfriend is here so wala akong choice kundi babain siya.

Kahit medyo malayo pa ako sa kanya tanaw ko na ang nakabusangot niyang mukha.

"Anong problema mo?"

"Seriously D?! You've promised me last week na sasamahan mo akong mag shopping before our OJT start. Nakalimutan mo na ba?"

Siguro kung may tape measure lang akong dala ngayon sinukat ko na kung hanggang saan umabot ang kilay niya. Para siyang si miss minchin na nang-aapi kay sarah. May usapan nga pala kami na sasamahan ko siya.

"Sorry na nakalimutan ko eh." Sabi ko sabay paawa effect. Alam kung hindi ko matitiis ni frankie. Ewan ko ba kung bakit naging magka-ibigan kaming dalawa eh hindi naman pareho mga hilig namin.

Masyado siyang feminine kung kumilos at manamit. While me? Im usually the jeans shirt type of girl. Ayoko ng masyadong maarteng mga damit. I have tons of dresses on my closet pero ni isa hindi ko pa nagamit.

"Sabi ko na nga ba." Naiinis na sabi niya.

"Ligo na ako ngayon at mag-ayos para labas na tayo?" Patanong kong sabi sa kanya.

"Sige na nga. And please lang, hwag ka ng mag jeans today. Ang init-init ng panahon baka ma stroke ka."

I just shrugged off my shoulder at pinandilatan niya naman ako ng mata kay nagmadali na akong bumalik sa kwarto para maligo at magbihis.

I just took a quick shower. Kahit naman mabilis akong maligo malinis parin akong tao sa katawan. I do my usual stuff and I was about to pick my clothes ng narinig ko si diana sa labas ng kwarto kong sumisigaw na hwag daw akong lumabas ng naka jeans. Baliw talaga.

Sa huli mas pinili ko nalang magsuot ng high waist short at T-shirt na tinuck in ko. I put on my favorite sneaker shoes and comb my hair quickly. Hindi na ako naglagay ng kung ano-ano sa mukha ko dahil una ayoko at pangalawa hindi ako marunong.

Sa sobrang atat ni frankie makapunta sa mall halos 10 minuto lang ang byahe namin na usually tumatagal ng 15-20 minutes. Marami kaming nilagpasan na red lights and thank God hindi kami na aksidente.

"Parang mauubusan ka ng damit kung makapag drive ka" inis na turan ko sa kanya.

She just give me a menacing look. Bipolar ba talaga ang kaibigan ko? Kanina lang masayang-masaya siya papunta dito eh.

At dahil ako ang dakilang alalay niya for today alam ko na ang role na gagampanan ko. Tagabit-bit ng mga nabili niyang damit.

Inisa-isa na ata namin lahat ng boutique at lahat ng yun may napipili siyang damit o di kayay sapatos. My legs are sore from walking at gustong-gusto ko ng iwan si frankie. Habang busy siya sa pagpili ng mga damit I took my chance and slipped away. Binilin ko rin sa cashier ang lahat ng mga bags na bitbit ko kanina. Tatawagan ko nalang mamaya si frankie pag nakapag pahinga na ang mga binti ko.

I entered a cafe inside the mall and ordered my favorite salted cinnamon choco frappe. Chocolate lang ang flavor na gusto ko at wala ng iba. Habang hinihintay ko ang order ko kinuha ko muna ang libro ko na nakatago sa dala kong shoulder bag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss and Mr kakaibaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon