Forever (One Shot)
<<Christina Dela Rosa's Point of View>>
"Forever is a word that doesn't exist"
Sabi nang librong binabasa ko. Nagbabasa ako ngayon ng Romance Novel.
Haaay sapul ako doon ah.
"Tina, ano na naman yang binabasa mo puro ka na lang basa . Wala ka nang time sakin simula nang i---hehehe sabi ko nga hindi na ako magda-drama." sabi nang bestfriend ko si Yana.
Serve her right may balak pa yata ipaalala sa'kin yun. Nagmo-move on yung tao eh.
Ay BTW, I'm Christina Dela Rosa a 14 years old girl studying at Fancy Academy. 3rd year highscool.
At yung babae kanina siya naman si Alyana De Ocampo. 14 years old din. Bestfreind ko, seatmate ko, classmate ko, schoolmate ko, at kapitbahay namin.
Di naman halata na hindi kami mapaghiwalay ni Yana noh. Syempre we're sisters eh.
Yang si Yana alam niya lahat as in LAHAT pati kay--- haay ayoko na pag-usapan baka umiyak lang ako dito eh.
"Hello to the world, Tina. Hindi ako statwa dito helooooo." tawag sa'kin ni Yana with matching wagayway pa nang kamay sa harapan ko.
"Oh problema mo? Tsaka itigil mo nga yan. Para kang tangang kaway ng kaway eh." ako na may pagkairita sa boses ko.
"Psh. Pa'no 'di ko gagawin yun eh kanina pa 'ko dada ng dada dito 'di ka pala nakikinig, nagmumukha tuloy akong baliw dito." siya na may pa-pout-pout pa.
Eww 'di bagay sa kanya mukha siya peking duck.
"Eww 'wag ka nga mag-pout 'di bagay sa'yo mukha kang duck noh. Saka sino ba nag-sabi na maddada ka diyan ha?" tanong ko sakanya with matching taas kilay pa.
"Anong mukhang duck sa ka-cute-an kong 'to mukhang duck?" tanong niya with matching turo pa sa mukha niya.
Psh oo na hindi siya mukhang duck. Ang totoo nga niyan eh ang cute-cute niya. Ayoko lang sabihin baka lumaki pa ang ulo niya noh.
"Tsk. Ano ba kasing kelangan mo?" tanong ko sa kanya na naiirita.
Eh pa'no ka kasi di maiirita kung ang layo-layo na ng pinag-uusapan namin.
"Anong-ano na?" tanong sa'kin ni Yana na mukhang walang clue sa unang pinag-uusapan namin.
"Tsk. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Tatanong-tanong ka tapos hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo. Haaay na'ko YANA." sabi ko kay Yana at tuluyan nang sinara ang librong binabasa ko bago pa 'ko istorbuhin nito ni Yana.
"Ano ba kasi ang gusto mong sabihin ha. Diretsuhin mo na kasi Tina." pagpupumilit sa'kin ni Yana.
"Ay bahala ka na nga sa buhay mo." ako sabay tayo at labas ng room.