“Kuya.” Tawag ko sayo ng makita kita kasama ng mga friends mo. Nagkamot ka ng ulo at tinalikuran ako na para bang ikinahihiya mo ako. Tinatawanan ka naman ng mga kasama mong lalaki siguro kasi alam nilang kahit anong gawin mo ay lalapitan at lalapitan kita. Kung anong pilit mong tumago sakin yun naman ang pilit ng mga kaibigan mo itulak ka papunta sa direction ko.
“Bakit na naman ba Nina.” Reklamo mo sakin habang nakangiti kitang nilalayo sa mga friends mo at pinaupo sa bench na walang tao. Alam mo na siguro kung ano sasabihin ko kaya nakasimangot ka na jan.
Ang nguso mo mas matangos na sa ilong mo kakapout pero ang gwapo mo pa din. Bakit ba ganyan ka? Kahit anong gawin mo ang gwapo mo pa din.
“Si Danieeeeel.” Sabay tili ko na nagpatakip sa tenga mo. Since that day na inamin ko sayo na crush ko si Daniel ay hindi ko na matigil ang pagkikwento ko sa sayo tungkol sa kanya. Inirapan mo ako ng mata mo at binigyan mo ng eto-na-naman-tayo reaction. Alam ko bored ka na pero kasi...
“Mukha kang Daniel. Asa ka namang papansinin ka nun.” Reklamo at pang-aasar mo sakin. Natutuwa ako tuwing nagrereklamo ka pag kinekwento ko sayo si Daniel. Feeling ko kasi nagseselos ka but it's impossible, right?
Ikaw na nagsabi sakin na hindi mo ko gusto noong umamin akong crush kita. Ang sabi mo ay parang little sister na ang turing mo sakin dahil sabay na tayong lumaki.
I know, sisterzoned.
Masakit. I was not used to express my feelings lalo na isa akong Maria Clara. Well, before ako umamin sayo, kung hindi lang naman ako pinupush ng mga friend ko na umamin hindi ko naman gagawin yun. Aba first time ko umamin na preemptive supalpal pa ako pero syempre pinakita ko sayo na okey lang ako. Did you remember what I told you?
“Practice lang yun, kay Daniel ko sasabihin yan bukas kaso nahihiya ako.”
Nagulat ka pero agad mong inasar ang pagkapula ko. Akala mo naman nagblush ako kasi inamin ko sayong crush ko si Daniel. Hindi no! Namumula ako kasi napahiya ako sayo. Umamin akong crush kita kasi feeling ko same tayo ng nararamdaman. I thought nahihiya ka lang aminin sakin kaya pinangunahan na kita. I was wrong all along.
All this time, yung mga sweet gestures mo para sakin ay brotherly action lang pala. Anak nga naman talaga ako ng mommy ko o! Assuming lang pala ako. Now I know why you aren't asking me the question I've been waiting for you to ask, akala ko torpe ka lang. Yun naman pala hindi mo talaga ako gusto.
“Eeeee keshi nemen e.” Kinikilig kong sabi sayo. Nasobrahan na ng arte ang boses ko sa sobrang kilig at feeling ko hihimatayin na ko dito. Sinamaan mo na naman ako ng tingin. Galit ka na naman.
Kung alam mo lang kinikilig ako hindi dahil kay Daniel. Hindi ko naman talaga crush yun. Ang layo nun sayo no! He was not an MVP of basketball, he doesn't even know to play that game. Imagine that!
Kinikilig ako dahil sayo, hindi na kasi maipinta yang mukha mong gwapo. Nakakunot na ang makapal mong kilay habang nanliliit ang singkit mong mata. Namamawis pa yang tip ng pointed nose mo. Ganyan ka kapag nagseselos. Ilang beses ko na ba nakita yang reaction mong yan sa past girlfriends mo pag nakikita mo silang may kausap na lalaki. Nagseselos ka as a protective brother, diba? Pero kahit nagseselos ka bilang isang kuya ko ay kinikilig pa rin ako. Atleast form pa rin ng selos pa yun. Grab lang ng grab. Magpapakachoosy pa ba ako?
Pinunasan ko ang tungki ng ilong mo gamit ang point finger ko. Ayoko malaman nila ang secret behind that pawisang ilong. Gusto ko ako lang ang nakakaalam kung bakit pinagpapawisan yan. Lumaki ang singkit mong mata tapos ay bigla mong hinampas ang kamay ko.
Oo nga pala, nagagalit ka pag hinahawakan kita, kesyo touchy o clingy ako. Ang arte mo talaga ano? Pero kahit ano pa yang kaartehang nalalaman mo, tatanggapin kita kung ano ka.
Nagbago na kasi ang nararamdaman ko para sayo.
Hindi na kasi kita crush ngayon,
kasi mahal na kita.
Ikaw kaya? Hanggang kelan kaya matatapos yang pag-aambisyon mong maging little sister ako?
Tsup
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
RomanceNagmamahal nang patago kasi alam kong hindi kami parehas ng nararamdaman. He is my unrequited love.