His POV
“Kuya.” Tawag mo sakin habang kasama ko mga barkada ko. Nagkamot ako ng ulo at tinalikuran ka, ayoko kasing makita mong namumula ako dahil sayo. Tinatawanan ako ng mga barkada dahil eto na naman ako sa pagkatorpe ko. Tinulak nila ako papalapit sayo at sinabihan na umamin na raw ako sayo. Hindi mo nakita yun, nakatingin ka kasi sa hinayupak kong kaklase na si Daniel.
Ano bang nakita mo sa kanya? Di hamak na mas gwapo naman ako sa kanya a. Magaling pa mag basketball. Diba yun ang mga gusto mo? Mga lalaking nagbabasketball? Kaya nga bago ka pumasok sa eskwelahan ko ay nagpaturo na ako sa mga barkada ko ng laro na gusto mo.
“Bakit na naman ba Nina.” Reklamo ko sayo pero syempre kunwari lang yun. Gusto ko lang pagtakpan ang nararamdaman kong selos.
Pangiti-ngiti ka pa jan. Bakit? Kinilig ka na naman kasi nagkasalubong kayo ng Daniel na yun? Tss.
“Si Danieeeeel.” Tili mo, agad kong tinakpan ang tenga ko.
Masisira na ata ang mata ko kakairap para malaman mo na ayaw kong pag-usapan si Daniel. Pero eto na naman tayo sa walang kamatayang Daniel mo.
Isa pa, yang boses mo pag tumitili, alam mo bang nakakairita? Ok lang naman na kiligin ka pero pwede para sa akin lang. Simula nang inamin mo sakin na crush mo si Daniel ay hindi ka na matigil sa pagkikwento tungkol sa kanya. Pakiramdam ko pati ako ay stalker na rin ni Daniel sa dami kong alam tungkol sa kanya dahil sa mga kwento mo.
Akala mo ba normal pa yang kinikilos mo? Nakakatakot ka na kaya, wallpaper ng laptop mo at cellphone mo ay si Daniel kulang na lang siya ang idisplay picture mo sa account mo sa FB at Twitter. Wala naman interesting sa patpating Daniel na yun.
“Mukha kang Daniel. Asa ka namang papansinin ka nun.” Mas lalo ka pang kinilig sa sinabi ko. Nang-aasar ka ba o may sira ka sa utak? Kung kelan kita kinokontra doon ka pa kinikilig. Hindi mo ba nahihimigan sa boses ko na nagseselos ako? Nagseselos ako Nina at hindi ko alam kung hanggang kelan ko mapipigilan na hindi mapatay yang Daniel na yan kung hindi ka tumigil kakabanggit ng pangalan niya.
Oo, sinabi ko sayo na hindi kita gusto. Sinabi ko pa sayo na turing ko lang sayo ay isang kapatid. Totoo naman kasi ang mga sinabi kong yun pero simula nang sinabi mo ang mga katagang yun.
“Practice lang yun, kay Daniel ko sasabihin yan bukas kaso nahihiya ako.”
Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Gusto kong magwala at gusto kong basagin ang pagmumuka ni Daniel kahit wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Noong nakita kong namumula ka dahil kay Daniel ay nainggit ako. Ako dapat ang nagpapablush sayo, hindi siya. Alam kong may mali na. Hindi dapat ako nagseselos e, saka ko napagtantong kahit kelan ay hindi pala kita tinuring na kapatid. Kaya pala ang sama ng tingin ko sa mga lalaking umaaligid-aligid sayo. Kaya pala gusto ko lagi kang kasama.
Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko pero natakot akong masaktan. Ano nga bang mapapala ko kung sabihin ko sayo ang nararamdaman ko? Hindi naman ako ang gusto mo. Ang lampayatot na Daniel naman ang lagi mong nakikita. Wala akong nagawa kundi pagtakpan na lang ang nararamdaman ko kaya inasar na lang kita noon.
“Eeeee keshi nemen e.” Kinikilig mong sabi, mukha ka pa atang hihimatayin. Naman Nina, ang OA mo para sa lang sa Daniel na yun nagkakaganyan ka? Nakakairita. Pwede naman sakin. Tss.
Nagulat ako nang pinunasan mo ang tungki ng ilong ko gamit ang hintuturo mo. Di ko napigilan na hampasin ang malambot mong kamay. Tae ka! Alam mo namang ayaw ko na hinahawakan mo ako. Hindi mo ba alam na tuwing dumidikit ka sakin may kung ano dito sa dibdib ko ka kumakalabog. Mahaheart attack pa ata ako dahil sayo Nina!
Napatitig ako sayo. Ang mga malamlam mong mga mata na nagpapatigil sa mundo ko.
Napabuntong hininga ako.
Hanggang kelan ka kaya magiging dense?
Hanggang kelan kaya ang kadramahan mo kay Daniel?
Kahit konti lang ba, wala kang pagtingin sakin?
Bahala na nga.
Tsup.
“I love you Nina.”
Wala akong pakialam kung hindi tayo parehas ng nararamdaman basta alam ko, totoo tong nararamdaman ko para sayo. Simula ngayon papatunayan ko to sayo.

BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
RomanceNagmamahal nang patago kasi alam kong hindi kami parehas ng nararamdaman. He is my unrequited love.