Matutulog na sana si Matteo nang makarinig siya ng ingay galing sa kabilang unit.
MUST I KNOW: Dahil sa alien ito may kakayahan siyang makarinig kahit pa ilang kilometro ang layo.Dahil sa ingay hindi na makatulog si Matteo kaya minabuti niyang pumunta doon.Pagkadoorbell palang ni Matteo binuksan na agad ito ni steffi. "Ikaw pala" " Alam mo bang ginagawa mo?" "Nagpapraktis kumanta" "Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa pangbubulabog mo" "May balak kang kasuhan ang kapit-bahay mo at saka pano mo ko naririnig eh sobrang kapal na wall ang nakapagitan sa'tin?" "Common sense naman kasing hindi ka dapat " "So you mean na wala akong common sense , na nagpabuttocks ako ng utak ko kaya nawala ang mga kulubot di ba?" "Hindi naman..." "Gusto ko lang namang magpahinga dahil pagod ako sa trabaho , nilalabas ko lang lahat ng stress ko sa katawan masama ba yon? Alam mo bang isang pirasong mansanas at kalahating repolyo lang ang kinain ko maghapon para lang hindi ako pintasan ng mga tao tapos..." pinigilan ni Steffi ang luha nito "Pasensya kana" sinaraduhan na nya ng pinto si Matteo samantalang nainis naman ito sa sarili niya dahil hindi naman talaga ito ang intensyon niya.