Para-paraan

409 6 4
                                    

PARA-PARAAN

 

A one shot story inspired by Nadine Lustre's song entitled Para-paraan. Plagiarism is punishable by law. All ideas within the story is owned by Lee Na Ree. Please do not plagiarize. Aside from being punished by the law, this is one of my projects to pass. Stealing someone else's imagination is inhumane.

~

Maingay. Masaya. Nakakakaba. Iyan ang aura na nasesense ko sa pagpasok ko sa university kung saan ako magkokolehiyo. Ngayon ang araw na inilaan para sa first year orientation. Ibig sabihin, makikita ko ang mga magiging kabatch ko. Anong klaseng tao kaya sila? Tulad din kaya sila ng mga kabatch ko noong high school? Siguro hindi. Galing ako sa public school eh, at nasa isang napakayaman na unibersidad naman ako ngayon. Sa scholarship lang ako kumakapit para manatili sa unibersidad na ito.

Naglalakad ako papunta sa room kung saan nakaassign ang magiging section ko. Pagpasok ko doon, okay, awkward. Syempre, unang beses ng aming pagkikita. Nang magsimula ang mga activities namin, nawala yung awkwardness at ang naging resulta eh parang magkakilala na kami noon pa. Akala ko puros matatalino o nerdy yung mga blocmates ko. AB Psychology kasi yung course eh.

"Balik kayo dito at 1pm. Huwag kayong malelate ha. May surprise kami." Sabi ni kuyang faci.

Nagsitayuan kaming lahat at naglabasan. Hindi na muna ako sumama sa kanila kahit niyaya nila akong makipaglunch. May mga kaibigan pa naman rin ako dito sa university at hindi ko pwedeng iditch. Sila yung kasama kong maglunch, si Issa, Jack, Arli, Cash at si Prince. Oh by the way, I am Reanna Pink Santos. Yes, Pink. Kasi baliw yung tatay ko. Dahil Bleu daw siya, Pink naman ako. Inaaway niya si mama dahil walang kulay sa pangalan.

Oo anak ako ng mga Santos pero nakascholarship ako. Kasi sabi ni mommy, kailangan kong matutong tumayo para sa sarili ko kaya naman pinasok niya ako sa public school noong high school. Mabuti na lang at doon rin ang barkada ko dahil pinag-usapan pala iyon ng barkada nila mommy. Ayaw nilang maspoil kami.

"Walang gwapo sa klase namin. Kainis." Sabi ko sa harap ng kainan.

"Aba! Kinaibigan mo naman kasi lahat ng gwapo!" Seryosong sabi ni Jack. Maya-maya lang binato siya ni Issa ng straw.

"Hoy! Masyado mong mahal ang sarili mo!" Suway ni Issa kay Jack. Itong dalawang 'to, kung di lang to magpinsan eh mapagkamalan kong magBF-GF. Ito naman si Issa demure sa harap ng pamilya, pagdating sa amin, ayun, labas tunay na kulay.

"Tama naman si Jack! Ikaw naman, Issa. Sama nito." Pakunwaring nagtatampong sabi ni Chase.

"Isa ka pa. Hay ewan ko sa inyo. Very vain." Sabi ni Issa.

"Totoo nga kasi. Walang gwapo sa klase. Kung meron man, taken. Merong high quality pero wala sa mukha." Sabi ko.

"Ang mean mo naman, Ree." Sabi ni Cash. "Pero sa mukha mong yan, mukhang wala talaga sa klase niyo." Natawa naman sila sa sinabi niya.

"Okay lang yan, Ree." Tinap ni Arli ang likod ko.

Para-paraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon