RP 1

81 1 0
                                    

/Fyre's POV/

Hinihingal akong pumasok sa bahay. Ikaw ba naman ang habulin ng asong baliw sa kanto, hindi kaya mabuhay ang katawang lupa mo?

"Nagmamadali ka ata?" huh? Sino yun? 

At laking gulat ko nang pag-angat ng ulo ko. Nakita ko ang hindi pamilyar na mukha sa bahay. Tinignan niya ako at ginantihan ko rin siya ng tingin. Ang ganda ng mga mata, kinis ng mukha parang bakla ata 'to. Napaisip ako kung paano siya nakapasok sa pamamahay namin kaya kumunot ang noo ko at sumigaw. 

"MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!! MAY POGING MAGNANAKAW SA BAHAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYY."

Tinakpan niya agad ang bibig ko. Loko. Makikidnap pa ata ako. Noooooooooo....

"Sira ka ba?! Bakit ko sumigaw?!" Tanong ng magnanakaw.

"Asdhajdgajhdkashdksja ka."

"Ano?!" Sabi pa nito. Paano niya ako maiintindihan kung nakatakip ang kamay niya sa bibig ko. Bopols din to ah. With all my force, kumawala ako sa kanya. At natumba siya ng bonnga. Horray!~

Nakapamewang ako at hinarap siya. "Paano mo ko maiinitindihan eh nakatakip yang kamay mo sa bibig ko. Bakit ba,masama ang sumigaw? hindi nga kita kilala at nasa bahay ka namin, syempre magtataka ako at unang papasok sa isipan ko ay magnanakaw ka!" Sabay turo sa kanya. 

/Magnanakaw's POV/

 

I sighed. Napalingon ako sa bandang kaliwa ko nang makita ko si Mrs. Bon. 

"Maaaaaaaa, Magnanakaw siya ma." Pumunta siya kay Mrs. Bon. Putcha. Ito nanaman tayo magnanakaw ? Ako? NO WAY.

Inayos ko ang sarili ko at tumayo. Ano kayang kinakain ng babaeng to at ang lakas? Tinignan ko ulit si Fyre, ang ganda niya talaga sa personal. Hindi ko akalaing matutupad ang pinapangarap ko,

ang makita siya.

"Hindi siya magnanakaw baby."  Sabi ni Mrs. Bon.

"Eh ano siya? Kidnapper? Murderer?" Talaga bang ang sama ng first impression niya sa akin? 

I cleared my throat. Tinignan niya ako ng matalim. 

"May pa-ehemehem ka pang nalalaman." Aniya pa nito. 

"For your information, hindi po ako magnanakaw, kidnapper at lalong lalo na hindi ako murderer, Fyre." Nagbilang ako gamit ang aking kamay at tinignan siya. Mukhang nagulat ata siya sa sinabi ko. 

"Bakit alam mo ang pangalan ko?!" Singhal niya. 

Just RPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon