Kryzel Jayne POV
Nandito parin kami sa mall pupuntahan na namin ni Ezie yung botique na sinasabi ko ako na pipili ng susuotin nya baka parang wala namang alam sa fashion ang lalaking to.
Naalala ko na naman kanina ang epic talaga ng mukha nya kala nya siguro di ako marunong mangtrip gulat na gulat sya sa mga pinang gagagawa ko kanina eh.
Naglalakad kami ngayon dala dala nya yung mga pinamili ko sweet no? Di ko akalain na gentleman pala sya haha. Ito na nga naglalakad kami pero wait lang bakit sya pinagtitinginan ng mga babae at kinikilig pa sila. Kahit pala nerd sya malakas din pala ang sex appeal nya. Hmm may naisip ako. evil grin***
Hinawakan ko ang kamay nya at sinakto ko talaga na dumaan dun sa mga babaeng malalandot. Nagulat naman si Ezekiel sa ginawa ko pero patay malisya lang ako. Heto na malapit na kami sa mga babaeng etchosera. Tapos.
"Ezie baby pagkatapos natin bumili ng clothes mo kain tayo ha." Tapos nagsmile ako sa kanya. Ang tagal nya magrespond at ayun nagsalita na din sya.
"Okay baby, saan mo gusto kumain?"-he said.
Aba nakikisakay din ang lalaking to ah.
"I'm craving for Japanese food"
"Ah okay"-he said. Tapos nag smile sya.
Syet first time ko lang sya nakitang nagsmile pamatay ang smile nya waaahhhh..
Narinig ko naguusap usap yung mga etchoserang palaka.
Ay sayang may girlfriend na pala sya ang pogi pa naman sana- girl 1
Kaya nga ang cute cute nya may kahawig nga sya eh-girl 2
Sino naman kaya ang kahawig ng nerd na to. Hayaan mo na nga tumigil naman na sila eh.
Nakarating na kami sa botique. Yung botique na to pagmamay ari ng tita ko. Pinakilala ko si Ezekiel kay tita.
"Hi tita." Tapos nagbeso beso kami.
"Anong ginagawa mo dito hija?"-tita.
"Sinasamahan ko pa ang kapartner ko sa acquaintance party namin sa school wala pa po syang susuotin eh"
"Ah okay ikaw na bahala sa kanya alam mo naman lahat dito eh. Asan na pala yung kasama mo?"-tita.
Paglingon ko wala nga yung mokong na yun asan na kaya yun.
"Miss nakita mo ba yung kasama ko kanina na lalaki?"
"Opo ma'am lumabas sya sabi nya mag c-cr lang daw sya."-sales lady
"Ah okay salamat."
Bumalik na sya tapos nagtitingin tingin sya ng mga damit.
"San ka nang galing? Bakit di ka pang naman nagpaalam? Di tuloy kita napakilala kay tita." Tapos nag pout ako.
"Nag-cr lang ako hindi na ako nagpaalam kasi naiihi na talaga ako."-he said.
"Okay. Tara sukat kana ng damit."
Nagtitingin tingin kami ng damit nakasunod lang sya sa akin tapos kuha lang ako ng kuha at tinatapat ko sa kanya tinitingnan ko kung bagay sa kanya. Tapos may nakita ako black na suit tapos may white polo sa loob pina try ko kay Ezie. Pumunta sya sa fitting room. Paglabas nya inayos ko ang damit nya parang naiilang pa nga sya eh. Tapos tiningnan ko sya.
"Tanggalin mo na to mas cute ka kapag walang salamin."
"Akin na yan di ako makakita." -he said.
"Lol walang grado yang mata mo wag ka ngang mag inarte dyan halata naman na malinaw yang mata mo eh. May paprops props kapang nalalaman para mag mukha kang genius. "
Di na sya nagreklamo. Akala nya di ko mapapansin na fake lang na malabo ang mata nya. Tss.
Binayaran na nya yung damit at pumunta na sa Tokyo Tokyo gutom na din naman ako eh.
Nag order na sya tapos nagsimula na kaming kumain. Hindi kami magkaharapan sa upuan nasa tabi ko sya ewan ko ba kung anong trip nito.
Pagkatapos namin kumain tumawag na ako sa bahay para sunduin na ako. Nag offer si Ezie na ihahatid nalang nya ako pero tumanggi ako. May hiya din naman ako kahit papano no. Tapos yun dumating na ang sundo ko at nagpaalam na ako kay Ezie.
"Bye baby see you tomorrow."
Speechless sya nabigla yata haha.
Iniwan ko syang nakatulala pa din haha.
***
BINABASA MO ANG
Operation Make the Nerd Fall in Love
Teen FictionThis story is purely fiction. The characters are based only in my imagination. I hope you will like it. Read it.