'Sometimes imaginations are much better than reality.' That's what i thought, BEFORE.
----
"Ms. Gallantry? Are you still with us?"
Napaigtad ako sa tanong ng professor namin sa Accounting. Nakatulala na naman pala ako sa kanya. Nakakainis! Sana hindi yon napansin ng mga kaklase ko. Paniguradong tukso na naman ang aabutin ko.
"Yes sir, I beg your pardon."
He is intently looking at me as if reading my mind. There is something in his eyes the way he look at me. I can't tell, pero may kakaiba sa bawat pagtingin nya.
This is weird, pero bigla na lang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Napaiwas na lang ako ng tingin dulot ng pagkailang.
The class went on. Paminsan-minsan, napapansin kong sinusulyapan niya ako. Para bang hindi ito mapakali. Is it just me or may gusto talaga siyang sabihin sakin?
Habang nakatalikod sya at nagsusulat sa whiteboard, hindi ko maiwasang hindi humanga sa kanya. His well-built body, his physique na para bang model ng clothing line.
Clean cut brown hair that suits him perfectly. Thick eyebrows, luminous eyes, pointed nose, and damn those red lips that are very delectable. Gosh, he's so handsome.
Napakagwapo nito at napakabata para maging isang guro. Kaya naman maraming mga kapwa guro at estudyante ang humahanga dito. Well, I'm one of those students who adore him.
Ilang saglit pa, tatlong tunog ng bell ang umalingawngaw sa buong campus, hudyat nang pagtatapos ng klase.
Nagmamadali akong tumayo bitbit ang mga gamit ko at nakipagsiksikan sa mga kaklase kong nag-uunahang lumabas sa pinto para mag-lunch.
Habol ko ang hininga ko ng marinig ang baritonong boses na nakapagpatigil sa akin sa paghakbang.
"Miss Hexagon Aislee Gallantry, remain on my classroom."
Pakiramdam ko ay pinagpawisan ako ng malamig sa pagtawag niyang iyon sa pangalan ko.
Napansin kong halos nakalabas na lahat ng kaklase ko at tanging iilan na lamang ang natira bukod sa aming dalawa.
Shit ! This is bad.
I need to get out of this room as soon as possible.
I slowly turn to faced him at agad nasalubong ng mga mata ko ang mga titig nyang nakakapanghina at nakakapanglambot ng tuhod.
"Uh, sir would you mind if we'll talk later after lunch?"
Napansin kong inilibot niya ang tingin sa paligid, and to my surprise, all of my classmates are already out for lunch. Ang galing, ang bilis nilang lumabas. Gutom na gutom lang ah?
"Cut the formality Hexa." His autoritative voice filled the room.
I let out a sigh and pouted my lips.
"So, what now?" Gutom na kaya ako. Hmmp. Kung hindi lang siya gwapo kanina ko pa siya nilayasan.
"Why are you spacing out a while ago?" Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Yun lang yung itatanong niya? Nice! This man is really something.