👩🦰: yung huling sinulat ko? ginawa ko yun para sayo, para malaman mo kung gaano mo ako nasaktan dati dahil sa paniniwala na tayo hanggang dulo, umamin ako sa nararamdaman ko sa app na yun noon (that's the bravest thing i did). nagsisisi nga ako ee dahil hindi ko yun nagawa sa taong mahal na mahal ko, hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal at gaano ako nagpapasalamat sa panginoon na nakilala ko siya kahit ang kapalit ay yung saktan ulit ako. ☺ alam mo kaibigan, mahirap palayain yung taong nasanay ka na at minahal mo ng sobra pero kailangan, dahil diba pagmahal mo hindi mo naman dapat ipagkait ang happiness nya sa ibang tao right?
kaya kung ako sayo, kung mahal mo yung tao -- sabihin mo, baka sa huli magsisisi ka kasi baka hawak na sya ng iba.
👨🦰: yun nga ee, hindi nga siya hawak ng iba pero may mahal naman siyang iba
👩🦰: kahit ba may mahal nang iba yung mahal mo magpapatalo ka na? ipaglaban mo. yun ang importante
👨🦰: paano kung ikaw yun?
👩🦰: •_•
👨🦰: paano kung ikaw parin hanggang ngayon ang gusto ko makasama sa panghabang buhay? papayag ka ba?
👩🦰: huhh?
👨🦰: sabi mo dapat ko ito ipaglaban, ayan na. humihingi na ako ng permisyon kung payag ka ba na ipaglaban ULIT kita?
👩🦰: paano kung hindi na ulit tataya ang puso ko sa labanan? sang-ayon ka ba?
👨🦰: tataya man yan o hindi basta ang mahalaga yung ipaglaban at makuha ko ulit yung akin, kahit gaano man ito kabigat at kahirap handa akong isakripisyo ma protektahan ka lang
👩🦰: ilang ulit mo nang sinabi yan? naaalala mo pa ba nung araw na iniwan mo ako, ilang ulit ba akong nagmakaawa sayo na dumito ka lang at huwag nang umalis? Di naman kita pinigilan sa gusto mong lumayo sa akin ee kaya sana rin huwag mo ring pigilan ang gusto ko na makasama sya.
👨🦰: isang beses lang yun! pangako di ko na ulit uulitin
👩🦰: para sayo ginawa mo lang yun isang beses kaya lang di parin magbabago ang katotohanan na winasak mo ang puso ko ng milyong beses
👨🦰: i'm here to mend it again.
👩🦰: no! akala mo ba hindi ko malalaman na kaya mo ako iniwan hindi dahil sa pagod ka na? kundi dahil nakahanap ka na ng iba na magpapasaya sa araw mo! bakit mo sinaktan ang taong walang ibang inisip kundi ang kapakanan mo, walang ibang inisip kundi ang mahalin ka kahit ayaw ka na ng mundo? bakit mas pinili mo yung taong ginawa kang basura kaysa sa taong ginawa ka nyang mundo? pasensya na, dahil hindi ko kaya magmahal ng tao hangga't di ko pa tapos mahalin siya. kaya balikan mo yung babaeng pinagpalit mo sa akin at yun ang ipaglaban mo.
BINABASA MO ANG
Pwede ba kita Ipaglaban ... ulit?
FanfictionA conversation between an ex-lovers. The guy wants her back what will the precious girl respond? (a/n: 1 story part lang po eto =] at tapos na ulit)