.......

22 1 1
                                    

        Magsisimula itong storyang ito noong may gusto pa ako sa isang tao. Hindi ko alam kung bakit. Almost 3 years akong nagkagusto sa kanya. (Mga July ngayong taon lang, ako’y bumitiw sa pagmamahal ko) At may gusto siyang iba. Kala ko hindi na ako makakamove on simula nung minahal ko siya. Sa dinami dami ng panahon na minahal ko siya, ganun din kadami ang nagustuhan niya. Sinayang ko lang yung tatlong taon. Yan ang nasa isip ko. Hindi ko maipaliwanag kung paano ako nakamove on sa kanya. Nain love kasi ako ng wagas wagas. Hindi ko inaakala na makakabitaw ako. Sa kanya umikot yung pansin ko nang napakatagal. At dinedma niya lang ako. Para di ka na malito, fi-nriendzoned niya lang ako. Nah. Ayaw ko na ulitin yung word na yun. Sakit pakinggan diba? Kung naramdaman mo na rin. Habang kasalukuyang minamahal ko yung taong yon, (mga june palang ‘to) may nakilala akong isang tao. Hindi ko inaasahan na siya yung susunod. Habang nasasaktan akong panoorin yung taong mahal ko na mahalin yung taong mahal niya, sinabi ko sa sarili ko ng pabiro, “Ayun, si ano. Si ano. Siya ang perfect para sayo. Lahat ng hinahanap mo nasa kanya. Nese kenye ne eng lehet.” Ang tinutukoy ko dito ay yung taong nakilala ko. (Nagjojoke lang talaga ako sa sarili ko nung panahong yon.) Another month ang dumaan at wala na akong nararamdaman para dun sa taong mahal ko dati. Masarap sa pakiramdam makawala sa mga bagay na nagpahirap sakin. Sumaya ulit ako. At kung pano ako nakamove on? Ewan ko din. Pero siguro dahil nga sa kanya. Oo. Dahil sa taong nakilala ko. Yung joke ko sa sarili kong magustuhan siya, nagkatotoo. Unti-unti akong nahulog sa kanya. Hindi ko napapansin na tumitingin ako sa kanya ng matagal minsan. Pero wala pa yun sa kalingkingan ng kwento.

            Dumaan yung mga araw…tsk. Di ko na alam yung mga nangyari. (sorry nga pala pero di ko talaga sasabihin kung sino ako. Or anything related to my identification.) Minsan, nagbabatian kami. Kala ko tuloy-tuloy na yung pagiging malapit naming sa isa’t isa. Lagi kaming nagiinisan, naglolokohan. Alam ko na naramdaman niyo na rin ‘to. Yung bang pakiramdam na kala mo malapit na talaga kayo sa isa’t isa. Pero hindi naman pala. A.S.A. Kala ko hanggang dun lang yung magiging paghanga ko sa kanya. Minsan titingin tingin, sulyap sulyap. Pero hindi mo nga naman talaga mapipigilan ang nararamdaman. 2 buwan ang lumipas at ayun. Masyadong maraming nangyari. Nakakalito. Nakakapagod.

            Matapos nga yung dalawang buwan na yun, maraming nangyari. Lumitaw at lumubog ang araw. Nagpakita at lumiban ang buwan. Lumamig at uminit. Pagmamahal ko biglang tumindi. Dahan-dahan. Nagsimula akong mag search tungkol sa kanya. Mapa social man oh galing mismo sa mga tao na kilala siya. Mas tumagal ang titig, mas lumalim ang pag gusto na makasama siya. Mas nasaktan. Mas lumaban. (Patago nga lang.) Sa mas lalo kong pagreresearch sa kanya, nasaktan ako. Ako kasi yung tipo ng tao na lahat ng idea tungkol sa isang tao, kahit mula pa sa kaibigan niya oh sa internet, kahit sa mga hinala ko, napagdidikitdikit ko at may nalalaman akong mahalagang bagay. At dahil din sa kakayahang kong yon, nasaktan ako. Minsan mas tamang manahimik nalang tungkol sa isang bagay. Dahil baka pag nag-amok ka pa at naghanap ng impormasyon, sasaktan mo lang ang sarili mo sa maari mong malaman. Oh pede naming maghanap ka pa nga ng information tungkol sa isang tao o bagay, at may malaman kang pedeng magpasaya sayo. Well, kadalasan pag may nalalaman tayo tungkol sa isang bagay o tao, yung katotohanan ay parang bumabaon ng sobra sa atin at parang di natin nakakaya. (Mostly din, puro masakit sa kokoro ang na didiscover natin.) Siguro masyado na akong matagalog. Natuyuan na siguro kayo ng dugo. Medyo maglalagay narin ako ng English words.

            Wayback into love, nalaman kong may nagkakagusto sa kanya, (lagi naming ganun diba? Yung mga nalalaman natin masakit sa damdamin.) Teka, sino nga ba ang hindi magkakagusto sa kanya? Almost perfect na siya. Matagal na atang nagkakagusto sa kanya yun. Di ko alam history nila. At hindi na rin ako interested pa. Ba’t ko pa papahirapan lalo sarili ko? At dun na ako nagsimula hinaan ng loob. Ayaw ko kasi ng ganun. Well, lahat naman tayo ayaw natin ng may kaagaw. Tss. Lagi siyang napapasaya at napapatawa nung taong may crush sa kanya. Kahit medyo weirdo. Samantalang ako nakatunganga lang. Pinapanood sila. Tinatry ko lagi na kontrolin ang feelings ko. Mapa happiness, sadness, jealousy, envy man yan. Kadalasan nalalabanan ko. Pero yung mga panahon na hindi ko nakakaya, sobrang masakit. (Alam kong alam nyo yung feeling :3) Tuwing nakikita ko silang magkasama (Tumatabi sa kanya yung may gusto sa kanya) parang gusto ko mawala sa mundo. Pinipilit kong ngumiti. Hindi ko rin alam kung may gusto yung taong gusto ko dun sa weird na tao. It seems to me that meron nga. According sa mga nababasa kong posts niya sa internet. And I don’t have time para patulan pa yung mga problema ko. Meron naman kasi akong naibigay na isang bagay dun sa taong gusto ko na sa tingin ko, kahit kailan di niya makakalimutan. (paborito niya kasi yon J) At yung ngiti niya nalang nung binigay ko sa kanya yun. Jusko. Kala ko hihimatayin ako. Nakakatunaw mehehe. (I’m sure as hell naramdaman niyo na ‘to sa crush nyo) Tapos dumaan ang mga araw at dedmahan na ulit kami. Sakit nun diba? Yung makikita mo nalang yung taong mahal mo mula sa malayong lugar. Kung pwede mo lang sanang hatakin palapit yung distance niyo sa isa’t isa. Pero hindi pwede. Staph it.

            Sometimes nagbabatian kami, siya yung gumagawa ng first move. Kasi ayaw ko talagang batiin siya. Or sakin mangaling yung unang salita. And then dedmahan nanaman. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nagkaganto. Parang natorpe na ewan. Sinasarili ko lahat. Lahat ng nararamdaman ko, ako lang nakaka alam. Nasasaktan ako palihim. Nung nagkakagusto pa ako sa crush ko dati, hindi naman ganto. Ako pa nga unang namamansin sa kanya. Lagi ko siyang pinapasaya. Pero ngayon lahat yun, hindi ko magawa. Kaya ako napagiiwanan. Laging hanggang titig nalang. Pag nakikita ko siya na may ginagawang nakakatuwa, natatawa ako ng wala sa oras. Ayokong lumapit sa kanya. Dahil napansin ko na sa tuwing tumatabi ako sa kanya, umiiwas siya. Kung ipagsasaksakan ko naman kasi yung sarili ko, awkward nun. Ayaw ko din kasi ng masyadong maraming tao ang nakapailigid sakin. Medyo private akong tao. Pero kung siya din naman ang makakasama ko, titiisin ko yung pagka private ko. Yung taong gusto ko, sa kanya ko nahanap yung kulang sakin. Lahat ng hinahanap ko sa kanya ko nahanap. Alam mo yung pakiramdam na every time na nandyan yung taong mahal mo sa paligid mo, may peace of mind ka at feeling secured ka? Lahat ng problema nawawala kahit sandali lang. Init ng ulo, inis sa isang tao, nawawala sa isang tingin lang sa kanya. Yung mga ngiti niya. Dahil sa kanya nabubuo araw mo. Ang feeling eh wala ka nang hihilingin pa. lol. Nakakakilig diba? Kinikilig ka na nga haha. Nagbago ako ng dahil sa kanya. Medyo mas tumino. Nagmature pa lalo. Mas nakadiscover ng mga bagay bagay. Gumaling lalo maging spy ;)

            Ganun parin hanggang ngayon. Friends. Friendzoned nanaman ako neto. Yung gustong gusto mo yung isang tao pero bawal kayo. Kahit anong pilit mo. Wala naman kasi akong ginagawang move, wala ring clue na may gusto ako sa kanya. Pinipilit kong hindi niya mapansin. Ayaw kong iwasan niya ako. Pero ayaw ko din naming mapunta siya sa ibang tao. Ang hirap isipin. Masakit sa damdamin. Kaya minsan talaga wala ka nang magagawa pa kundi mag move-on nalang ulit. KAKAMOVE-ON PALANG MOVE ON ULIT. Pero pinipilit kong lumaban. At siya yung taong pinakapinapahalagahan ko. May mga pangarap na ko para sa aming dalawa. Kahit ang sagwang isipin at nakakatawa. Na kahit ano gagawin ko para makita ko lang siyang masaya at safe. At sa tuwing malungkot siya, parang nawawasak unti-unti yung mundo. At nababadtrip rin ako. Gustong gusto ko talagang sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Pero may pumipigil. Gusto kong alagaan, pagmalasakitan, pasayahin, paiyakin siya (in a good way) Gusto kong i comfort sya sa mga panahong down siya. Gusto ko siyang patawanin hanggang sumakit yung tiyan niya. Gusto kong maging parte ng buhay niya. Gusto ko siya. Pero katulad mo, oh ng karaniwang tao, nahihirapan ako. Alam ko namang lahat ay nagsisimula sa friendship, pero kahit friendship, hindi ko magampanan ng maayos. Hindi ko siya masyadong pinapansin. Hinahayaan ko lang siyang dumaan sa harap ko. Hinahayaan ko lang mangyari lahat ng ayaw ko. At sa tingin ko din, wala din siyang paki sakin. Siguro may iba na talaga siyang gusto. It’s too hard for us to matter to a person just like that. We need to first, know each other. Have some time together. Well, sometimes di mo na kailangan pang alamin ang lahat ng bagay sa isang tao. Oh maging magkasama ng matagal. Kung nagustuhan mo talaga yung taong yun, they already matter to you no matter what. What’s hard to verify is that if you matter to them back. And we need to understand things. Of course it will take a while for us to get the lesson out of it, but surely we will be grateful when we find it out someday. Everything happens for a reason. Sometimes you make choices in life and sometimes choices make you. The point is that, I still love that person. I’m in love with that person. I didn’t fell in love with that person. I’m in love. There’s a difference between falling in love and being in love. Mas mabigat yung in love. Wait. I know you’re confused as hell. Just don’t mind it. We sometimes try to be so optimist in life that sometimes we are afraid to know and see the truth. We need to be pessimists, too. Because without pain, how could we know joy? Oops, hindi ibigsabihin ay sumusuko na ako. Hindi rin naman ako kakapit ng sobra. Lay low muna. Hindi happy ending. Kaya kung ikaw, ayaw mong magaya sakin, gumalaw ka diyan. At the same time, tatry ko din.

P.s

HI CRUSH;

Manhid mo.

GANYAN TAYO EH. WALANG TAYO. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Could it be this misery will suffice?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon