Mikazuki's POV
*Lunchtime...*
"Andyan na sila!"
"Tabeee!""Shhhhh! wag kayong maingay!"
"Gagi! dadaan na sila dito!"
"Yumuko kayo, bilis!!!"
Yan ang naririnig naming magkakaibigan habang nasa canteen kami. 4 na mag kakaibigan na lalaki ang pumasok sa canteen at walang imik na pumunta sa counter. binigyan silang daan ng lahat at umalis sa kani-kanilang pila. Sinenyasan ng isa gamit ang kanyang kamay sa isang tindera at agad naman itong kumilos. Walang kahit na anumang ingay ang maririnig sa canteen maliban sa tunog ng kutsara at tinidor. Maya-maya lang ay naka rinig kami ng mga yapak at natuon doon ang atensyon ng lahat. 6 na babae ang pumasok at tumabi pa sila sa 4 na lalaki, wala sa postura nila ang pagmamayabang pero sadyang nakakakilabot ang awra nila. Makalipas ang ilang minuto ay umalis na sila. lahat naman ay nakahing ng maluwag at bumalik ang dati sa lahat.
"Whew! Nakakatakot talaga sila!!!"
"Ang pogiiii!"
"Ang gwapo at ang gaganda parin nila kahit mata lang ang nakikita sa kanila!"
"Nakakainggit naman yung uniform nila! kainisss."
Napabuntong hininga ako at tumingin sa uniporme namin. Simpleng White-polo shirt at skirt na itim ang uniporme naming mga babae. habang sa lalaki naman ay polo shirt at pants. Wala ng bago doon.
Samantalang sila,ang mga babae ay nakasuot ng white blouse na mayroong puffed sleeves at pinatungan iyon ng navy blue na blazer, Naka skater skirt na white rin sila at mayroong long black socks. Ang mga lalaki naman ay naka white polo at pinatungan rin ng navy blue blazer, at naka Windsor tie. Navy blue rin ang kulay ng pants nila. Sabi ng iba ay galing pang France ang mga uniforms na iyon. Pero sadyang nakaka-agaw pansin ang nose mask na suot nila. Full black iyon at may tatakak na gold caligraphy na '7-SSC'.Dahil daw, Para sakanila, toxic kaming mga normal na tao para sa matataas na katulad nila.
"Mikazuki! Tara na! may i-aanounce daw yung principal NATIN." aya sakin ni Zahlana
Sabay kaming tumayo ni Helena. At saktong paglabas namin ng canteen ay nandoon ang isang lalaking nakangiti saakin at may hawak na rosas.
Sya si Rhyss Carson, ang certified bad boy at ang mga leader ng gang dito sa syudad namin. Dapat ay second year college na sya pero andito parin, na-stuck sa grade 7.
._.
"For you." Masuyo nyang ibinigay saakin yon at may pagaanlingan ko namang tinanggap ang bulaklak. Pumikit ako at bumuntong hininga sa inis.
"Pwede ba? lubayan mo nga ako. 19 kana. 13 lang ako." mahinahong paliwanag ko sakanya
'gulat kayo no??'
"Age doesn't matter naman diba?" nakangiti at may pag-asang panunuya nya sakin. Pinanlitan ko nalang lamang sya nang mata at dumiretso na sa field. Pagdating namin roon ay nandon na ang lahat ng estudyante at ang mga SSC na dalwamput metro ang layo samin. Nasa stage ang principal namin ata ang principal ng SSC. A.k.a Adviser din nila. Ayos no?? 2 in one?!?!
"Good morning students" may bahid na saya at nerbyos na sabi ng principal NAMIN.
"Gooood Mooorningggg Miss Villanuevaaa" walang kalatoy-latoy na sambit namin. Nanatiling tahimik ang mga 7-SSC, tinignan ko ang mga mukha nila at nakabatay doon ang pagka-bored sa mga reaksyon nila. Kung titignan mo sila ng mabuti, walang kahit anong kaemesyon-emosyon ang mga mata nila. Na kapag-tinignan mo ay parang malulusaw ka.
"Good morning, 7-SSC" medyo nakangiting sabi ng principal NILA.
"Good morning. Miss Moreno." Mabilis ngunit walang kabuhay-buhay ang tinig nila
'Astiggggg'
"Omggggg ang gwapo ni Ic!!!!"
"Noooo! mas gwapo si Gian!!!"
"Susss cute naman si Rovin!!!"
"Cute naman height ni Basti!!!"
"Mahal namin kayo kahit ang sno-snob nyoooo!!!"
"Break the rules for me babeh!!"
"Gerlieee!!! sana po kung kano kaliit yung mata gayong malaki naman po ang puso mooooo"
"Jennalyn Saranghaeeee!!!"
"Sofiaaaaa!!!! Sana po may space ako dyan sa puso mooooooo"
"Gracielleeeee!!! Nakakainlab yung talino mo AHHHHHH"
"Will you be mine, Kelsey????"
"KUNG GANO KA KALIIT CASEY KABALIKTARAN NAMAN YON NG PAGMAMAHAL KO SAYOOOO" Iyon ang pinaka malakas na sigaw sa lahat kaya naman naptuon ang pansin ng mga SSC. Nakataas ang kilay ng babaeng tinatawag na Casey at takang nakatingin sa sumigaw non.
"Silence." mahinahon pero may awtoridad na sabi ng pricipal NILA.
'pano nila nalalamang gwapo o maganda kung naka mask?!?!?!'
"Settle down, students... Now, the reason why i called all of you is because Miss Moreno and I, will have an announcement to make." ipinasa ni Miss Villanueva ang microphone kay Miss Moreno. na agad din namang nagsalita.
"Today, one of you will become a member of the 7-SSC... and that student is..." ang kaninang saya ay napuno ng tensyon. ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang matinding panginginig ng mga estudyante.
"Mikazuki Montesines."
Parang huminto ang mundo ko. rinig na rinig ko ang pag tibok ng puso ko na parang nangangabayo sa bilis.
'Ako?? bilang SSC? kung nanaginip man ako pwede pakisampal naman ako sa pisngi?!'
"Miss Mikazuki, please proceed to my office, we've got a lotttt of talking to do. The rest of you can now go to your respective classroom. Quietly." nakakatakot na ani ni Miss Moreno.
Binigyan ako ng nag-aalalang tingin ng mga kaibigan ko pero sinenyasan ko silang, Okay lang ako. Hindi ko namalayan na unti-unting lumapit saaking si Miss Villanueva na mukhang malungkot. Inakay niya ako hanggang sa makarating kami sa office ni Miss Moreno. Pi-nat nya ang back ko at sinabihang "kaya mo yan." nginitian ko lang sya at unti-unting pumasok sa pinto.
*End of Prologue*
----------------------------------------------
YOU ARE READING
7-SSC
RandomSila ang kinakatakutan ng lahat, tinitingala ng lahat, at ang pinaka matalino sa lahat. Ako? isa lang akong normal na estudyante at matalino rin. Pero hindi kasing talino nila. Hanggang isang araw, nakita ko ang sarili ko na kabilang na ako sakanila...